chapter 6 being close with her

8 2 0
                                    

Raver's POV

Kriiing~ kriiiing~

"Ano ba naman 'yan ang ingay!" agad kong pinatay ang alarm clock  ko at chineck ang phone ko. Hays may pasok pala ako ngayon.

Bumangon ako at ginawa ang daily routine  ko bago naligo. Nang makatapos ako agad kong sinuot ang suit ko at nagsuklay. Papasok ako ngayon sa Wimson's Hospital bumaba ako at pumunta ng dining area para kumain.

"Good morning kuya." bati sa akin ng kapatid ko at humalik sa pisnge ko.

"Good morning din." pagbabati ko rin sakanya.

"Oh iho umupo kana at kumain habang mainit init pa. " sabi ni yaya mels sa akin.  Siya ang katiwala namin sa bahay bata palang ako siya na ang naging maid namin.

"Yaya mels umupo ka na rin po at sumabay na sa amin kumin." saad ko dito.

"Naku mauna na kayo mag-aasikaso pa ako ng mga labahin." sabi naman nito habang abala parin sa paghahanda ng pagkain.

"Basta yaya mels pagkatapos mo diyan kumain ka na ha." tumango na lamang siya. Nagsimula akong kumain at sumagi na naman sa isip ko si rie.

Bakit ganon parang ang bilis ng mga pangyayari kailan ko lang siya nakita pero gusto ko na agad siya. Umiling iling ako at nagpatuloy na sa pagkain.

"Kuya I'm done alis na ako ha bye!" sabi ng kapatid ko bago kinuha ang bag niya at tuluyan ng umalis.

Tinapos ko na rin ang pagkain ko bago dumiretso sa kotse ko. Sumakay na ako at tumungo sa hospital. Pagkarating ko doon agad sumalubong sa akin si nurse laica.

"Doc may operation po kayo ngayon sa emergency room." saad nito.

"Sige." tipid kong sagot bago tumungo sa emergency room.

Riely's POV

Paalis na ako ng bahay ngayon at nag-aantay ng masasakyang jeep. Habang naghihintay ako may bigla namang bumunggo sa balikat ko.

"Ay sorry miss nagmamadali kasi ako pasensya na." saad nito sa akin.

"Ayos lang po. " tipid kong sagot sakanya at bigla namang dumating ang jeep.  Agad nagsiakyatan ang mga pasehero pati narin ako.

Nang makasakay ako nakatabi ko ang lalaking nakabunggo sa akin.

"Bayad po."

Agad kong inabot 'yong bayad ng lalaki at tsaka iniabot sa conductor.

"Kuya bayad daw po. "

Maya maya pa ay nakarating narin ako sa school at naglakad ako patungo sa principal's  office at nag-attendance. Tsaka tumungo sa classroom ko.

"Good morning class." bati ko sa kanila.

"Good morning ma'am rie!" pagbabati rin nila.

"So malapit na ang exam niyo at aware naman kayo sa mga rules natin tuwing exam diba?" pagsisimula ko.

"opo naman ma'am."

"Ay sayang kopyahan sana hahahaha."

"yes exam na!  Malapit na agad bakasyon!!!!"

Ayan ang mga sari-sari nilang komento sa akin.

"Class please be quite." sabi ko sakanila.

"So you have to study all of our lesson for 4th quarter. Intindihin at unawain iyon ng mabuti did you understand class.?" tanong ko sakanila.

"opoooo ma'am." sabay sabay naman nilang pagsasang-ayon.

Raver's POV

Natapos ang operation  ko at successful  naman ito.

"Congrats doc raver." bati sa akin ng mga kapwa ko doctor.

"Thank you." sagot ko naman.

Umalis ako ng hospital at pumantang school para makita si rie. Pagkadating ko doon saktong pauwi narin siya.

"Rie hatid na kita." sabi ko.

"Huh? Nako huwag na raver." sabi naman nito.

"Dali na hahatid lang kita." hinila ko siya at pinagbuksan ng pinto hindi naman na siya pumalag.

"Raver pwede magtanong?" sabi nito.

"You're already asking rie." sabi ko naman.

"Tss! " sagot nito HAHAHAHA cute.

"just joking sure what is it?" tanong ko.

"Bakit mo ako hinahatid? Hindi mo naman ako kaano-ano at bakit araw araw na kita nakikita?" saad nito.

"Huh i want to be close with you." sabi ko.

"At bakit naman?" aniya na.

"just let me be close with you."

Hindi na siya sumagot at tumahimik na lamang.

Riely's POV

Nakakapagtaka ang kilos ni raver bakit gusto niya makipag close? Hinahatid niya pa ako.  Grabe.

Nang makarating kami nagpaalam na ako sakanya at nagpasalamat narin nang makaalis ang kotse niya nakita ko naman si mommy na may bitbit na mga grocery.

"Oh mommy!" agad ko siyang tinulungan sa mga dala niya.

"oh anak." nagmano ako sakanya.

"Anak sino iyon?" tanong niya sa akin.

"Ah si raver po kaibigan ko." sagot ko dito.

"Kaibigan ba o kaIBIGAN?" ehhh?!!

"Mommy naman e!" sabi ko dito.

"Naku anak ayos lang sakin kung umiibig kana basta huwag mo hahayaang masaktan ka naiintindihan mo?" sabi nito.

"opo mommy." pagkauwi ng bahay agad akong dumiretso sa kwarto ko at naligo muna.

Napaisip ako sa sinabi ni mommy kaIBIGAN? Wao eh wala naman akong gusto doon kay raver kaibigan ko lang siya.

Hindi nagtagal nakatulog narin ako.

A/N:hope you like it!!!  *heart emoticon"

His mistakes Where stories live. Discover now