chapter 10 proving his self

3 0 0
                                    

Riely's POV

"Raver, pwede ba huwag ka sunod ng sunod sa akin." Saad ko rito paano ba naman kanina pa siya sunod ng sunod sa akin dito sa mall.

"Why? Gusto lang kita samahan at bantayan. Bawal ba 'yon rie?" Tanong nya at nagpout.

"Raver nakakailang na tsaka wala ka bang trabaho ngayon?" Patuloy parin ako sa pag-iikot at tumitingin sa mga tao.

"Well as for now wala pa naman mamayang gabi pa trabaho ko." Sagot nito at kinuha ang mga pinamili ko. Aba'y ang tigas pala ng ulo nito!

"Raver! Akin na 'yan!" Gigil na saad ko rito with padyak pa ng paa.

"Pfft ano ka ba? I'm just trying to be gentleman so please ako na magdadala." Ngumiti siya sa akin na parang bata na binigyan ng candy tsk inirapan ko nalang siya at pumasok sa daiso japan.

Naglalakad lakad ako at humahanap ng earphone na we bare bears. AHA! Nakita ko din sa wakas yieee ang cute talaga nilaaa *heart shape sa mata* kumuha ako ng isa at dinala sa counter tumingin ako sa likuran at teka?? Asan na 'yooon?? Letse!

"Flowers for you." Ay hayo-- hindi ko na natuloy sasabihin ko ng makita ko si raver na may hawak na daffodil at inaabot sa'kin. Parang nag-init ang pisnge ko dahil do'n.

"T-thank you." Maikling sagot ko bago nagbayad sa counter at kunyaring hindi namumula. Ano ba naman ito pinapatunayan niya ba na gusto niya ako? Nako!

"Grabe ang sweet ng bf niya sakaniya 'no?" Cashier 1

"Oo nga sana magkaroon din ako ng bf na ganiyan!" Cashier 2

Itong mga chismosa na 'to. Hindi ko siya bf!! Ang sarap isigaw sakanila 'yan bf daw tsk tsk! Natapos ako magbayad atsaka lumakad palabas.

"Raver akin na mga dala ko uuwi na ako." Saad ko rito habang siya kumakain ng icecream.

"No, ihahatid kita." Saad niya at dala ang gamit ko na naglakad palabas ng mall. Ang tigas talaga ng ulo niya! Nanggigigil na akoooo!!!

Wala akong nagawa kundi sumunod nalang sakaniya. Nasa parking lot na kami nilagay niya ang mga dala ko sa likod at pinagbuksan naman ako ng pinto. Sumakay na ako at sumunod narin siya sa akin.

"Raver hindi ba sabi ko hindi pa ako handa." Saad ko rito siya naman ay nagsimula na magpaandar ng kotse at magmaneho

"I'm just proving myself to you Rie atsaka hindi kita minamadali handa ako maghintay hanggang sa handa ka na rin." Ngumiti siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Bumuntong hininga na lamang ako at tumingin sa labas. Habang bumabiyahe nagkwento lang si raver sa akin kinekwento niya no'ng elem days niya. Kesyo no'ng una daw mahiyain siya pero hindi nagtagal naging isa pa sa bully nako! Bad boy! Tapos meron daw times na naghigh school siya sinubukan niya daw magcutting pero nahuli siya ng isang guro.

HAHAHAHAHA at ang mas nakakatawa pang kwento niya binigyan niya daw ng love letter 'yong kaklase niyang babae kahit hindi niya gusto at nasapak siya no'ng malaman niyang niloloko lang pala siya. Pero honor student naman daw siya sadyang pasaway lang. Hindi na ako magtataka e hanggang ngayon pasaway parin siya at ang tigas ng ulo!!

Nakarating na kami at muli niya ako pinagbuksan ng pinto.

"Salamat sa paghahatid mo sa akin." Tugon ko sakaniya at kinuha ang mga dala ko.

"Walang ano man Rie." Sagot niya sa'kin habang nasa bulsa ang kamay niya at nakangiti.

"Sige pasok na ako." Maikling saad ko at tumalikod pero bago pa man ako humakbang muli na siyang nagsalita.

"Ahmm rie?" Muling pagsasalita ni raver.

"Bakit? May kailangan ka pa ba?" Tanong ko sakaniya.

"Kung hindi mo mamasamain ano kasi..." pinutol niya ang sasabihin niya kaya nagtaka naman ako.

"Ano?" Maikli ulit na tugon ko sakaniya.

"Gusto ko sana ihatid sundo ka kung maaari?" A-ano? Kaya ko naman a?

"Ha? Hatid? Sundo? At bakit? Mukha ba akong may sakit? Mukha ba akong matanda na para ihatid sundo?" Sunod sunod na tanong ko sakaniya.

"Pfft No, just what I have said gusto ko lang maging gentleman kasi I'm courting niyo at hindi ako nagpapakita tao lang ha." Sagot nito na parang natatawa pa.

Bakit? Sinabi ko ba na nagpapakitang tao siya? Hindi naman diba? Nagsimula nanaman ako manggigil tinarayan ko nalang siya at tumalikod na at naglakad papasok. Nakakagigil siya! Tsk makaligo na nga lang! At parang puno ako ng bad vibes!

A/N:Hello sainyoooo aishteruuu

His mistakes Where stories live. Discover now