chapter 9 unexpected date part 2

4 0 0
                                    

Riely's POV

"Rie I'm not joking." S-shit.... ano na gagawin ko? Sobra na akong kabado sa mga nagyayari....

"Ahm Raver a-ano kasi h-hindi pa ako handa." Kabadong sagot ko at naiilang na tumingin sakanya. Ano ba naman kasi ito masiyadong mabilis ang mga pangyayari sa buhay ko. Juice colored help me!!!

"Rie I can wait, hindi naman kita minamadali I'm just saying my feelings for you atsaka pfft huwag ka kabahan ipapakilala ko pa lalo sa'yo sarili ko." Sagot niya at hinawakan kamay ko na nasa table.

Hindi ko na alam mararamdaman ko gusto kong tumakbo o 'di kaya magtago. May parte sa'kin na gustong magpaintindi sa mga sinasabi niya at may parte sa akin na parang nabobobo ako sa mga nangyayari. Maya maya pa ay natauhan ako at tumingin sakanya. Inalis ko muna kamay niya na nakahawak sa akin hindi naman niya na ito ininda pa.

"Raver hindi pa talaga ako ready diyan. Gusto ko na rin umuwi." Sabi ko ngumiti naman siya at nag-ayos ng damit niya bago muli tumingin sa akin.

"Its okay tara na hahatid na kita pauwi." Napabuntong hininga na lamang ako at naunang maglakad kaysa sakanya.

Sana hindi masama ang kaniyang loob sa naging desisyon ko. Ayoko lang umasa siya sa akin at ayoko rin na saktan siya. Hindi pa talaga ako handa masiyado mabilis ang mga pangyayari at masiyadong mabilis ang nararamdaman niya. Huwag muna sa ngayon baka infatuation lang nararamdaman niya or puppy love lang. Hays ng makarating kami sa parking lot agad niya akong pinagbuksan ng pinto.

"Thank you." Sabi ko at pumasok na sabay umupo. Pumasok narin siya at nagseat belt sabay tumingin sa'kin.

"Bakit?" Tanong ko sakan'ya kakaiba ang titig niya sa'kin may dumi ba sa mukha ko? Dahan dahan siya lumapit sa'kin pagi narin ang mukha niya t-teka ano 'to? Hahalikan niya ba ako? Napapaurong ako lalo sa bintana lalong lumalapit siya sa akin.

"R-raver anong g-ginagawa mo?" Nauutal na tanong ko. Napatawa naman agad siya na ikinataka ko. Ehhh?

"Relax pfft kakabit ko lang 'to." Agad niya kinuha ang seat belt at kinabit whoooo! Akala ko naman jusko ang feeling ko!

Pinaandar niya na ang sasakyan at agad nagmaneho paalis sa lugar na 'yon. Walang imikan ang nagaganap sa loob ng kotse niya walang gustong magsalita sa amin. Masiyadong awkward ang nangyayari ngayon. Maya maya pa ay nakarating narin kami.

"Salamat sa paghatid sa akin raver." Saad ko sakanya.

"Walang anuman rie."ngumiti siya bago sumakay ulit ng kotse. "Good night rie." Sabi niya sa akin.

"Good night rin, ingat ka." Tugon ko bago siya tuluyang umalis.

Pumasok na ako at pagkarating ko doon nakita ko si mmy na abala sa pagtutupi ng damit namin.

"Mommy, tulungan na kita." Saad ko sakan'ya nagmano muna ako bago umupo sa tabi niya at nagsimula narin magtupi.

Habang nagtutupi ako si mommy naman abala rin sa panonood ng kdrama mahilig siya sa ganoong palabas at gano'n na rin ako manahan lang hahaha. Iniisip ko parin ang mga nangyayari at tila hindi alam ang gagawin. Napatingin ako sa nanay ko ng bigla itong tumili nako kinikilig nanaman siya. Hmm.... e kung magtanong kaya ako sakaniya about doon?

"Ahmm mommy?" Pagsisimula ko.

"O bakit anak? Gutom kana ba? Gusto mo ipaghanda kita?" Sunod sunod na tanong niya. Teka lang mahina kalaban.

"Ahh hindi mommy may gusto lang ako itanong sa'yo, hehehe." Kunyaring pabebe kong sagot.

"Ano ba 'yon?" Kunit noong tanong ni mommy.

"Mommy, paano po nagconfess si daddy sa iyo?" Tanong ko sakanya. Nakatingin ako sakan'ya at bigla naman siyang napangiti.

"Bakit anak? May nagsabi na ba sa'yo ng kaniyang nararamdaman?" Nakangising tanong niya.

"Ahhh wala mommy tanong ko lang." Jusko sorry po sa pagsisinungaling ko.

"Ganito 'yan anak college student kami ng daddy mo no'n nagkakilala kami dahil pareho kaming mahilig sa science." Sabi niya na tila napapangiti at iniisip ang nakaraan. Nakakakilig siguro 'yon.

"Tapos mommy?" Patuloy na pagtatanong ko sakan'ya.

"Gwapos ang daddy mo anak kaya hindi mapagkakaila na marami fin ang nagkakagusto sakaniya kaya laking gulat ko no'n no'ng umamin siya sa akin ng nararamdaman niya. Aba simpleng babae lang ako kaya hindi ko expect na sa akin mahuhulog ang daddy mo sa akin. Inaya niya ako mag-arcade no'n tapos kumain, bago niya ako ihatid pauwi no'n umamin siya sa akin na gusto niya ako at ako naman ayon gulat na gulat sa mga nangyayari hindi ko alam gagawin ko no'n pfft." Gano'n pala ang kwento nila.

"Nakakakilig naman mommy pfft ang swerte mo kay daddy kasi hanggang sa huling hininga niya nasa sa'yo siya." Sagot ko rito at napangiti rin.

"Mas swerte ako sa daddy mo anak kasi binigyan niya ako ng isang napakabait, napaka-alaga, matalino at higit sa lahat mapagmahal na anak." Sabi niya at ngumiti sabay kinurot ang ilong ko pfft.

"Mommy naman e!" Sabay himas himas ko sa ilong ko. Tumawa nalang siya at tinapos na namin ang aming pagtutupi tsaka kumain narin.

Naligo ako at gumawa ng mga kailangan gawin at isusubmit pa sa principal pagkatapos ko agad ako nagdasal at natulog narin.

A/N:sorry ngayon lang ulit 'to busy sa workshop e.

His mistakes Donde viven las historias. Descúbrelo ahora