chapter 13 reading his letter

13 0 0
                                    

Riely's POV

Ang cute niyo namang tatlo!! Hihihi si ice bear ang cute gano'n rin si grizzy at si pandaaa! Aww mah hart iys melting! Hahaha nakooo! Habang pinipisil pisil ko silang tatlo may nahagip ang mata ko sa paper bag. Teka ano 'yon? Isang sulat? Agad ko ito kinuha at inusisa. Naka pink envelope siya at may ribbon pa.

"To: Riely

From: Raver"

Ayan ang nakasulat sa envelope para sa'kin? At galing kay Raver? Agad ko ito binusan at nakita ko ang pink paper na may sulat.

Dear Riely,
           I hope nagustuhan mo ang binigay kong stuff toy sa'yo. Alam ko kasing favorite mo silang tatlo kaya naman naisipan kong magbigay sa'yo niyan.

          Riely, I'm not forcing you to love me back. I just want you to know na hinding hindi ako magsasawa ligawan ka hanggang sa makamit ko na ang matamin mong "OO".
   

                                              Truly yours,
                                              Raver Cristic

Ayan ang nakasulat sa letter grabe! Namumula na 'ata pisnge ko. Ang corny niya a may pasulat sulat pa siya at guess what naka pink paper and envelope pa! Pero pfft ang cute nakakatuwa.

Ano kaya ginagawa niya ngayon? Ay teka bakit ko ba siya inaalala tsk! Riely maligo kana at mamasiyal masiyal sa park! Whoooo lessssgooooww!

~park~

Nakaupo ako sa bench ngayon at kumakain ng icecream habang nagpapatugtog. Ang sarap talaga ng buhay kapag payapa. Kasing sarap ng chocolate flavor na icecream kinakain ko.

*ring* *ring* *ring*

Ano ba 'yan istorbo naman sa chilling ko 'yon! Tinignan ko kung sino ang tumatawag at si raver ito. Bwesit ang sarap na ng buhay ko e! Istorbo!

"Oh hello!" Medyo pasigaw na panimula ko.

"Hi Rie, gusto lang sana kita kamustahin hehe." S-shit... ang ganda ng boses niya kapag nasa telepono.

"Maayos na sana ako kung hindi mo ako inistorbo." Malamya kong tugon sakaniya.

"Oh, sorry kung gano'n hmm nabasa mo na ba 'yong letter na binigay ko?" Ayon ba! Ayon ba ang dahilan kung bakit siya tumawag?!

"Oo, nabasa ko na." Maikli kong sagot.

"Medyo corny lang pero makatotohanan 'yon." Sagot niya sa akin.

"Ayon lang ba? Baka pwede ko na ibaba?" Malumanay ko pading tugon kay raver.

"Teka asan ka pala ngayon?" Tanong niya. Bakit? Pake niya tsk!

"Sa lugar kung saan bawal ka." Sagot ko sakaniya.

"Eh? Grabe ka namaaaan." Wao ang haba no'n a. Sasagot na sana ako ng biglang nagring ulit ang phone ko si Ma'am liezel? Sinagot ko ito agad.

"Yes ma'am?" Paggalang na tanong ko.

"Pinapatawag tayo ngayon kailangan mo na pumunta at exactly 3 pm." Sagot niya sa akin at parang ang ingay sa side niya.

"Ah yes ma'am!" Biglang sagot ko. Binaba niya naman na agad ang ohone at tumingin ako sa oras. Shit! 1:56 na jusko kailangan ko magmadali baka malate ako ng dating.

~fast forward~

"As what you can see may mga cases tayo ng bullying dito sa school natin." Saad ng head chairman ng English.

"Ahm ma'am ayon raw po kay Mr.principal lumalala na raw ito sa school natin. Mayroon pong nabiktama na nagpatransfer ng school dahil lang sa bullying." Sagot ng co-teacher ko na si Ma'am ruth.

"Ayon na nga para masolusyonan lahat ng 'to please co-teachers pakibantayan at suriin ng mabuti ang mga bata." Tugon sa aming lahat ni head chairman.

Natapos ang pagpupulong namin at agad akong umuwi. Pagkapasok ko ng kwarto ko agad sumalubong sa akin ang tatlong kyut! Sino pa ba edi ang we bare bears!! At teka 'yong sulat pala nasa kama ko pa din? Eh?

Kinuha ko 'yong sulat at muling binasa pfft ang corny talaga pero I admit it kinilig ako ng kunti yieeeee! Heheheh--- teka?! Ano?! Ako kinilig?!!? Hindi jusko erase eraseee!! Napahiga ako sa kama at napapikiiit grabe ang landi ng lola niyo gooosh.

Tinignan ko muli ang sulat itatago ko 'to kawawa naman siya kapag tinapon ko *evil smile* nilagay ko ang sulat sa loob ng drawer ko at humiga na muli sabay niyakap ang tatlong kyut. Makatulog na nga.

Raver's POV

Grabe binabaan ako kanina biglang naging busy ang linya. Ano kaya ginagawa niya ngayon? Siguro natutulog na siya. Sayang gusto ko sana siya puntahan kanina kaso may surgery ako.

"Ahm Doc nacheck ko na po ang blood pressure ng patient at okay naman na siya." Biglang pagsasalita ng nurse.

"Gano'n ba? Its good to hear." Maikli kong tugon sakaniya at uminom ng coffee.

"Okag po doc." Lumabas na siya at sinarado ang pinto. Gusto ko na matulog kaso may ooperahan pa ako mamaya.

Waaaaah! Oyasumi nasai Rie kung tulog ka man talaga. (Good night rie)
Hays aishteru rie (i love you). Gustong gusto ko sabihin sakaniya 'yan kaso kapag sasabihin ko naman bigla nalang umuurong dila ko pahila nga jokeee.

~fast forward~

Natapos ang surgery ko at thank god successful naman ito. Pauwi na ako ngayon at sobrang pagod na. Gusto ko na matulog at mapanaginipan si rie.

Nang makarating ako pakurap kurap na ako at humihikab na din. Ayoko na kumain busog pa naman ako.

"Yaya, ipagtimpla mo ako ng milk." Biglang salita ko pagkapasok ko palang sa kusina.

"Yes sir raver." Sagot niya sa akin at yumuko.

"Padala nalang sa taas thank you." Tugon ko at umakyat na. Pagod na talaga ako. Sumalampa ako sa higaan at pumikit. Ilang saglit pa minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si raly aww so cute talaga bigla ko nalang naalala si riely. I miss heeeerrrr.

*tok* *tok*

"Sir dala ko na po ang gatas niyo." Salita ni yaya.

"Come in yaya!" Sigaw ko at sapat lang na marinig niya. Pumasok naman siya at nilagay ang milk sa table ko at tuluyan na rin umalis. Ininom ko ang gatas at muling humiga sabay humikab. Tumingin muna ako sa oras at 11:33 na haaaays makatulog na nga. Pinatay ko na ang ilaw at inisip muna si rie sana natutulog siya ng mahimbing ngayon. Ngumiti ako at ipinikit na ang mga mata ko.

A/N: oyasumi nasai mga ka raly! Aishteru sayonaraaa raly!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His mistakes Where stories live. Discover now