chapter 11 zyrus park again?

2 0 0
                                    

Riely's POV
"Ma'am Rie may meeting raw tayo mamaya at exactly 10:30 am sa Principal's office." Napatigil ako sa pagsusulat sa board ng biglang pumasok sa room ko si Sir Luke. Tumingin ako sa relo ko at 8:46 palang naman. May nilagay siyang folder sa table ko at tumingin sa'kin.

"Okay sir thank you." Sagot ko ngumiti na lang siya at lumabas na ng room ko. Tinignan ko ang nilagay niya sa table ko 'yon ang ipinasa kong class record kaninang umaga. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat sa board habang kinokopya naman ito ng mga student ko.

"Announcement there will be having a pta meeting on friday August 9, 2019 at exactly 11:30 am. Parent's are required to come. Card is also given on friday."

Ayan ang sinusulat ko sa board ng matapos ako agad akong umupo at nilagay sa cabinet ang class record ko.

"Claire ilan ang absent ngayon?" Tanong ko at tumingin sakaniya. Bigla naman siyang tumayo at tinignan ang class attendance na binigay ko sakaniya.

"Ma'am Rie there are 5 students that is absent today." Sagot niya sa'kin at umupo na.

Hinintay ko silang matapos at luminga linga lang sa mga estudyante ko. Siguro tapos na sila maikli lang naman 'yan kaya 5 minutes kaya na.

"Okay class are you done?" Tanong ko at tumayo na.

"Yes Ma'am!" Sagot naman nila at tinago sa mga kani-kanilang bag ang gamit nila.

"Okay tomorrow sasabihin ko na ang top 10 at huwag na huwag kakalimutan ang meeting sa friday. Mas maganda pagkadating niyo palang ng bahay niyo sabihin niyo na agad para hindi makalimutan. Nagkakaintindihan ba tayo class?"

"Yes Ma'am!" Sagot nila sa akin.

"Okay, class recess time!" Sagot ko. Agad naman silang nagsilabasan. Tumingin ako ulit sa relo ko at 9:00  na. May meeting pa ako mamaya at may oras pa ako para kumain. Pumunta akong canteen at bumili ng palabok at mineral water.

Nakakapagtaka ano naman kaya ang pagmemeetingan namin mamaya? Nagkibit balikat nalang ako at nagpapatuloy sa pagkain ng may narinig ako mula sa mga student na malapit sa table ko.

"Alam mo ba sabi ni mommy may bago raw tayong teacher at lalaki pa! Kyaaah!" Girl 1 kung hindi ako nagkakamali anak siya ni Ma'am liezel.

"Talaga? Nako may inspiration nanaman tayong mga student dito!" Girl 2

Mga estudyanteng 'to nako pero sino naman kaya iyon? At teka lalaki? Pfft gwapos siguro 'yon kaya kilig na kilig 'tong dalawang student na'to.

~10:30 at principal's office~

"Ma'am Rie, may balitang kumakalat ngayon na may bago raw na english teacher dito?" Tanong sa akin ng co-teacher ko.

"Ayon rin ang naririnig ko pero I'm not sure kung totoo nga pero kumakalat na e." Sagot ko rito at nilagay kamay ko sa table.

Biglang bumukas ang pinto ng office at inuluwa nito ang principal namin. Agad kaming nagsitayuan at bumati sakaniya.

"Okay teachers naririnig niyo na siguro ang balita na may bagong english teacher ngayon hindi ba?" Panimula niya sa amin. Nagsitangohan naman kaming lahat.

"Okay teachers totoo 'yong balitang iyon at pinapakilala ko sainiyo si Sir Zyrus Park our new english teacher." Dugtong nito nagsipalakpakan naman kami at tumingin sa pinto ng bumukas ito. Teka? Zyrus Park? Napatingin ako agad sa lalaking pumasok at hindi ako nagkamali sa nakikita ko siya nga! Siya 'yong lalaking gusto makitable sa akin no'n.

"Hi! I'm Zyrus Park your new co-teacher nice to meet you all Ma'am and Sir." Ngumiti siya sa aming lahat at inikot ang mata niya para tignan kami isa-isa ng makarating sa akin ang mata niya parang gulat siya ng makita ako. Ngumiti lang ako sakaniya at gano'n rin siya sa akin. Natapos ang meeting namin at bumalik na ako sa classroom ko.

Nakakapagtaka English teavher pala siya hindi halata sakaniya. Akala ko isa siyang business man or ano man pero guess what teacher pala.

~kinabukasan~

"Class please quiet!" Sigaw ko sa mga student ko na nag-iingay agad naman silang nagsitahimikan at umayos ng upo.

"Okay, so ayon nga as what I have said ngayon ko sasabihin kung sino-sino ang makakapasok ng ating top 10." Tugon ko sakanila.

"Excited na ako malaman!" Lyka

"Syempre si romel na top 1 niyan." Lori

"Okay sila ang top 10 natin."

1. Romel
2.Jc
3.rebecca
4.rhobzelle
5.Crystal
6.Allan
7.lyka
8.shania
9.lance
10.Angel

"Whoooo!! Kasama akooo!!" Lance

"Hala! Sayang wala ako! Babawi ako next time."

"Shit bro kasama rin ako." Allan

"Ako nga top 2 bro e." Jc

"Damn! Lagot ako kay kuya nito pang walo lang." Shania

"Ayos lang 'yan bawi ka sa susunod." Rhobzelle

Ayan ang mga kaniya kaniya nilang opinyon. Si romel naman tahimik lang pero nakangiti.

"Okay class alam niyo na ngayon! Class dismiss." Saad ko tuwang tuwa naman silang lumabas ng room merong nadismaya kasi hindi nakapasok meron namang parang walang pake. Nako mga bata talaga ngayon.

A/N:heartbeat squad miss you naaa!!

    

His mistakes Where stories live. Discover now