Chapter 1: First impressions

62 1 3
                                    

So before you start reading guys..... I just wanted to inform you that Clueless is an original story written by me. If there are stories similar to this one then it might be just a coincidence. Please note that I didn't copy any work/s. THAT'S ALL! ENJOY READINGGGGG!😊 

Isa lang akong nobody. Not noticed and never will be. Ang tahimik ng buhay ko. Hahaaaaaaay this feels great. But all of it changed when the Palerimo brothers decided to meddle with my life. They changed everything about me. My attitude, my looks, and even managed to change how I feel, MY HEART in particular. Yup, I fell inlove with one of th- wait no, I think I fell inlove with the both of them. Sinong mag-aakalang mangyayari sa akin 'to diba? So, I became clueless. Mahirap talagang i-explain kaya kayo na ang bahalang mag-explore through this story. Eto na ang storya ko. Ang storya ng isang nobody.





KATHY's POV

"Mahal na mahal kita Kath"

"mahal din kita"

*KRRRRIIIIIIIIINGGG*

"Hoy Kathy Mae Salazar! Gising naaaaaa!"      nagising ako sa malakas na sigaw ni mama.

"Oo na babangon na"

Hahay ang sarap pa naman ng panaginip ko, nag confess daw sa akin si Cole Sprouse yieeee. First day of school pala ngayon. Nakakabwesit naman tong mga pimple na 'to o! Kung kailan hindi na summer dun pa kayo  sabay- sabay na nagsusulputan. Sa dami daming lugar at corners ng mukha ko bakit sa ilong pa! Kinakabahan ako na may halong kalungkutan dahil hindi na kami magkapareho ng section ni Jade na karamay ko lang naman sa lahat ng kagagahan na nagawa ko nung nakaraang school year. Hindi ako makapaniwala na Gr. 9 na ako this school year, ang bilis talaga pala ng panahon.

"Uy Kathy!classmates na naman tayo this school year"  sabi ng boy bestfriend ko na si Jeffrey habang tumatakbo patungo sa akin.

Gwapo siya at katamtaman ang hubog ng katawan. Siya yung tipong malalapitan mo kapag nasasakal at nagsasawa ka na sa lahat ng kaartehan ng mga kaibigan mong babae. Hindi sa hindi ko gusto ang mga babae, minsan, kailanagan ko lang talagang makawala and leave the the toxic world between us women (wow ENGLISH hahahahahaha).

"Alam ko. Nakakainis nga e." Pabirong sabi ko

"Bakit naman? Sa kagwapuhan kong 'to, maiinis ka?" sabi niya habang sinusuklay ang mushroom-cut niyang buhok

"Hindi no, hindi ko lang gustong mangongopya ka na naman ulit sa akin tuwing may assignments at tests nakakaikis kaya yun" sabi ko habang naka cross arms

"Alam mo Kathy, masanay ka na kasi hinding hindi na ako magbabago" patawang sabi niya

Pumasok na kaming dalawa sa silid ng 9-Gumamela. Maaga pa kaya't naglaro muna kami ni Jeffrey ng ML habang hinihintay ang magiging kaklase namin ngayong school year kinakabahan akoooooo. Stop it Kathy, sanay ka na naman diba?

"Kathy!huhuhuhuhu bakit kasi ganito!!!!" ang sabi ng humahagulhol na si Marie

Magkabarkada naman kami ni Marie pero hindi ganun ka close. Hindi pareho kay Jade, si Marie ay maganda at sikat hindi ko nga alam kung bakit kami nasali ni Jade sa ganitong barkadahan na puro mga magaganda at peymous. We were the only Nobody/s in the group.

"Tell me about it"

"Bakit ang kalma mo yata?"  nagtatakang tanong niya

"Sanay naman na'ko eh wala ng epekto sakin ang mga iyan. Tara, samahan mo nga ako sa kabilang section para hanapin sina Jade, Celine, Amethyst, at Luna"

"Sige, tara"

Kinaladkad ko si Marie patungo sa mga classroom ng iba't-ibang section ng gr. 9. Nahati kami ng barkada ko sa apat na sections. Dalawa kami ni Marie sa gumamela, sina Jade at Celine sa sampaguita, at si Luna at Amethyst naman ay sa sunflower at bogenvilla. Kawawa nga sina Luna at Amethyst eh walang kasama.

"B*tch!namiss ko kayooo" sabay sabay na sabi ng apat

"Hoy tumahimik nga kayo! Baka marinig tayo ni Ms. Dela cruz hindi pa nga nagsisimula ang klase baka mapatawag tayo sa guidance office dahil sa pananalita niyo diyan" sabi ko nang nakaakbay kay Jade

Pasensya na kayo sa mala-amo kong ugali ganun talaga ako dahil mahal ko sila at tinuturing ako nila bilang ate kahit si Marie naman ang pinaka-matanda sa amin.

"Sorry ATE!" they all said in unison

*RIIIIIIIIIINGGGGGG*

Nag-bell na, tumakbo kami ni Marie patungo ng classrom namin. Pumasok na kami at tumabi ako kay Jeffrey. Katulad ng dati, nag-introduce yourself kami at nanood ng mga films

Lumipas ang dalawang araw at hindi ko napansin ng last day na pala ng 3-day orientation. Nakalimutan ko na sa araw na ito ay mag ch-change seats na kami at ia-assign sa iba't-ibang rt groupings

"Salazar, group 5"

Naghanap ako ng mga ka-grupo ko thank God nandun si Ace.

"Ace! Magkagrupo tayo" natutuwa kong sabi

Ang tapang naman ng mga mukha ng mga ka-group ko maliban sa isa. Tahimik ata 'tong isang 'to. Hindi ko na siya pinansin. Ni hindi ko man lang inalam ang kanyang pangalan. Lahat ay kilala ko maliban sa kanya. Hindi naman siya newcomer pero ba't parang ngayon ko lang siya napansin. I mean, nakikita ko siyang naglalakad sa hallway before pero sadyang hindi ko siya binigyan ng pansin.

"Meron ka bang marker?" tanong niya

"Yeah." girl scout ata 'tong kausap mo.

Ginamit niya ang marker ko para sulatan ng pangalan ang kanyang notebook. Teka, bakit parang palagi ko siyang minamasdan? Am I just curious? I must find out his name first.

"Danico, kamusta ka na?" sabi ng isang classmate ko

Dingdong! Danico pala. Oo nga, parang narinig ko na nga ang pangalang yun. Danico  Palerimo it rings a bell. Hmmmmm Palerimo? Familiar ang apilyedo niya. Sino nga ba yun? Ay ewan, makasulat na nga rin lang ng reflection ng film.

Lumipas ang tatlong linggo. Sa nakaraang tatlong linggo ay andami nang ganap. Hindi sa mga issues kundi sa mga tests, quizess, at group activities. Those three weeks felt so long and hectic. Totoo nga ang sabi nila, grade 9 is the most stressful grade of junior highschool.

"Saluhin mo" sabi ng matangkad na lalaki na may itsura

Sa tagal ng tingin ko sa kanya ay napagtanto ko na may kamukha siya. Mas gwapo siya kapag natutukan mo ng maigi.

*PAAAKKKK*

Hindi ko napansin ang bolang tumama sa mukha ko. I was still mesmerized of how he can still look so damn attractive without even doing anything.

CluelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon