Chapter 8:The Starting point where everything went wrong

21 1 2
                                    

KATHY'S POV:

Pababa na kami papuntang classroom. Nakasalubong namin ni Dan yung kuya niya. Hindi sila nag-pansinan. What's with them? Damn, I still wish that smile to be mine someday. But ofcourse walang chance na mangyari yun. Biglang sumakit yung ulo ko at wala akong makita. It's pitch-black.

"Dan, ang sakit ng ulo ko." Bigla akong natumba. Yun lang ang naalala ko. At huling nakita ko ang tatlong lalaki na binabanggit yung pangalan ko. Nag-aalala sila. I could tell from the tone of their voices. Patay, na-notice na naman ako.

Nasa clinic na ako nung gumising ako. Mas mabuti na yung pakiramdam ko kumpara kanina.

"Okay ka lang ba Kathy?"

Nabigla ako. Familiar sa'kin ang boses na 'yun.

DANICO'S POV:

Habang nag-lalakad kami pabalik ng classroom, tinititigan ko lang si Mae. Ang laki ng cheeks niya HAHAHAHAHA ang cute. May nakasalubong kami. Parang kilala ko 'yun ah, but nevermind. I glued my eyes to Kathy

"Dan, ang sakit ng ulo ko."

Napigilan ako sa pagtutok sa kanya. Nung sinabi niya 'yun ay nag-panic ako. Hindi ko alam kung bakit pero she sure did concern me. Bigla nalang siyang natumba at nawalan ng malay. Dali-dali akong lumuhod at lumapit kung saan natumba si Mae. Pilit ko siyang ginigising pero hindi siya nag-rerespunda. Sinubukan kong alsahin si Mae pero hindi ko kinaya. Letse 'tong patpatin na katawan ko. We were both to blame kasi ang bigat din niya. May lumapit sa akin na dalawang lalaki. Hindi nag-alangan yung sisang lalaki na buhatin si Mae para dalhin sa clinic, kuya ko pala. Habang yung isa naman ay nabigla at napatunganga sa mga pangyayari.

Unfortunately, hindi ko magawang sundan sina Mae sa clinic dahil may klase pa kami. Habang nagle-lesson si sir ay hindi ako makapag-focus. What's up with the time today? Ang bagal. Bullshit! Tumayo ako at lumabas sa classroom para puntahan si Mae.

Why the fuck am I crying?

Nakarating ako sa clinic. Pinunasan ko muna ang mga basa kong mata bago pumasok at kamustahin si Mae.

"Ba't ka andito?" Tanong ko sa lalakeng naka-upo sa tabi ni Mae.

Hindi siya kumibo.

"BAKIT KA ANDITO KUYA!"Pasinghal na tanong ko sa kanya.

"How could I stand her just lying on the ground? Obvious ba?binabantayan ko siya. I consider her as one of my friends too you know. Ikaw nga 'tong dapat tumulong sa kanya kaso nga lang hindi mo magawa. Kaibingan mo siya diba? It's okay baby brub. I handled it for you." Nagpaliwanag siya habang nakatingin kay Mae. That just made me mad.

"Sige na, bumalik ka na sa klase mo. Kaya ko na 'to. Go!" Umalis naman siya kaagad na may kasamang titig kay Mae. His stare on Mae just annoys me bigtime.

HELLO AGAIN DEAR READERS! IT'S MS. AUTHOR AGAIN. IF YOU WANT MORE UPDATES PLEASE COMMENT AND VOTE hehehehe BECAUSE I NEED TO KNOW IF THERE ARE PEOPLE WHO STILL READ AND APPRECIATE THIS STORY. SORRY FOR NOT UPDATING FREQUENTLY, IT'S BECAUSE I'M STILL TRYING TO GIVE THIS STORY THE BEST PLOT TWIST IT DESERVES. SO IF YOU HAVE SUGGESTIONS, PLEASE SHARE YOUR IDEAS AND COMMENT🤗

CluelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon