Chapter 5:T.O.Y.(thinking of you)

13 0 0
                                    

KATHY'S POV

Ang gwapo parin niya. After three long years, at last umuwi narin siya sa Pilipinas. Tumungo kasi siya sa Las Vegas three years ago para maging exchange student tutal, nandun na rin naman ang mga grandparents niya.

"Kathy Mae, bumaba ka na kakain na tayo." nag-iimbitang sigaw ni mama galing sa baba.

Nagmadali akong kumain at agad-agad na bumalik sa aking kwarto. Hindi ko talaga mapigilang isipin siya. We may not talk, but I surely missed him when he was gone. Pumuti lang siya ng konti, but his smile was still thesame. Thesame Dominic that I met six years ago. Pero wala naman akong karapatang magkagusto sa kanya dahil may girlfriend na siya. Schocker, reyt? Ang dami na niyang naging ex at isa na dun ang ex-bestfriend ko na si Margarett. At hindi lang yun, noong sila pa ni Dominic at Margarett ay bestfriend ni Margarett si Danico, and what's worse is, may gusto si Danico kay Margarett noong mga panahong iyon. It's kinda messy for people to believe and understand but it was real.

Hindi ako eksperto, pero I think parang mali at weird yung mga ginawa ni Margarett sa magkapatid. She's like hitting two birds with one stone. But what's done is done mabuti nga at naghiwalay na sila pero yun nga lang ay nakahanap ng bago si Dominic at ang pangalan niya ay si Leah. Hindi ko naman masisisi si Dominic kung bakit niya nagustuhan si Leah, maganda, matalino, at higit sa lahat, napakabait niya. I'm stating this because I know. Hindi ko man siya ka-schoolmate o ka-batchmate, alam ko because let's just say I have connections. According to my source, mala-wattpad ang love story nila. BESTFRIENDS TURNED INTO LOVERS. Ang gandang pakingan diba? Samantalang ako, nakamukmok lang dito at walang na co-contribute sa pag-asenso ng bansa LOL.

KRIIIIIIIIIINNNGGGGGGG

Nag-alarm yung phone ko. Dumiretso na ako sa skwelahan pagkatapos kong magsipilyo. Naabutan ko na naman si Dominic na naglalaro ng volleyball, varsity player kasi siya. Nung una niya akong natamaan ng bola ay nag-panggap akong hindi ko siya kilala cuz I knew he didn't know me.'Di hamak na isang nobody lang ako dito sa skwelahang 'to no. May tumapik sa balikat ko.

"Mae! Hintayin mo ako." hinihingal na sabi ni Dan

"Halika na, baka malate tayo."

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa dumating na kami sa classroom. Busyng-busy sila sa paggawa ng mga assignments nila. Wala namang assignment na ipinagawa ah.

"Dan, may assignment ba tayo kahapon?" Tanong ko.

"Oo, yung research tungol sa mga factors na nakaka-apekto sa cost of production sa AP." halos matawang sabi ni Dan.

"Pakopya naman oh."inabot ko ang kamay ko sa kanya na bukas-palad.

"Pasalamat ka, nakagawa ako kagabi. 'Bat di mo ata napag-alaman na may assignment tayo?"sabi ni Dan habang tinitignan akong kumukopya sa mga sagot niya. "Alam ko na! Iniisip mo siguro ako 'no? HAHAHAHAHAHA!"

"Asa ka pa. Kuya mo yung iniisip ko 'no." Pabulong na sabi ko sa aking sarili.

"Ano?" Nanlaki ang mga mata ni Dan.

"Wala sabi ko, kumusta na yung kuya mo. Nakabalik na pala galing LAS VEGAS." Nataranta ako.

"Ahh, bumalik daw siya dahil na-miss niya ang Pilipinas. Na-miss niya rin yung girlfriend niya. Hindi kami masyadong close nun kaya hindi ko alam ang buong detalye." Napa-upo na si Danico at nilabas ang mga librong gagamitin for the morning.

LESSON

LESSON

LESSON

LESSON

LESSON

LUUUUUUNNNCHHH

Diretso na kaming pumunta ni Marie sa canteen. Naabutan namin sila Luna, Amethyst, Jade, at Celine na kunakain na.

"Hoy mga b*tch! Hintayin nyo kami..hindi pa kami nakakakain eh." Si Marie

"Ang tagal niyo kasi nagugutom na kami." Sabi ng apat habang tumitingin sa amin ni Marie.

"Pasensya na, ito kasing si Kath nakipagharutan pa kay Danico."

Sumabay na kaming kumain ni Marie sa apat. Nagchi-chika kami sa mga nangyari sa bawat classroom namin. Natapos na kaming kumain kaya inasar na naman nila ako tungkol kay Danico.

"By the way, tungkol sa inyo kay Danico Kath, talaga bang magkaibigan kayo or may something na. You know what I mean." Si Jade

Nagseselos ehem ehem

Crush kasi ni Jade si Danico simula pa nung elementary pa kami pero natapos din lang nung nakilala niya si Ray. Si Rayden ay exchange student sa  school namin noong grade seven. Jade didn't actually care until Ray ended up in our class last year. Yep, we were classmates. Jade couldn't help but develop feelings for him. Eventually, she kept her eyes on Ray(crush lang naman nothing serious) and didn't care about Dan anymore. But I think feelings that you have been living with for a long time doesn't just go away like that. If it did, then she had to fight it fire with fire. Gets? Besides, LAHAT ng crush niya ni minsan hindi naging kanya, like NEVER.






CluelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon