Chapter 9: A helping Hand

16 1 1
                                    

DANOCO'S POV:

5pm na pala. Hindi pa din gumigising si Mae. Pero hinintay ko pa rin siya. Na-guilty ako kanina dahil hindi ko nagawang tulungan siya. Sinubukan  kong tawagan ang cellphone number ng mga magulang ni Mae na nasa kanyang I.D. para sunduin siya dahil hanggang 5pm lang ang 'working hours' ng clinic.

Pero bago ko pa masilip ang number na nasa I.D. ni Mae ay gumising siya.

"Ang sakit ng ulo ko." Nagulat ako.

"Dan? Anong ginagawa mo dito? Nasan ako?!"

"Hindi mo ba na-aalala? Nawalan ka ng malay kanina huy. Ang sabi ng nurse kanina you should be fine after mong uminom ng gamot pero ba't sumasakit ang ulo mo ngayon?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Ganito kasi ako kapag nagugutom eh." Kinakalmot niya ang tiyan niya.

"Yan rin ba ang dahilan kung ba't nangyari yun sa'yo kanina?"

"I think so kasi kumakain naman ako usually ng breakfast eh. Nagdi-diet kasi ako kaya hindi na ako masyadong nagkakain tuwing umaga." Nahihiya pa siya habang nagpapaliwag.

Diet?

"Anong diet? Parang hindi naman ume-epekto ah." Natatawa ako.

"Edi wow ikaw na 'tong fit. I just wanna make a change for myself."

"Whatever change you are aiming for, it's useless because I like you as you are. You shine the brightest when you are yourself."

"Hindi naman para sa'yo 'tong change na 'to."

"Eh para kanino?" Hmmm hindi ko inexpect na sasabihin niya yun ah. But it got me curious.

"Nevermind. Tara na kumain na tayo."

"Sige, my treat!"

"Yay! Ang sarap sa ears."

Sumakay na kami ng jeep para puntahan ang favorite kong restaurant.

DOMINIC'S  POV:

"Mr. Palerimo! Wait!" Nagulat ako sa biglaang pagtawag sa akin ni Mr. Agoncillo.

"Ano po 'yun Sir?"

"Meet me at my office after class. See you at exacty 2:00." Huh?

"S-sige po Sir." Bakit niya ako pinapapuntaa sa office niya? Did I do something wrong?

After akong kinausap ni Sir, pumunta muna ako sa CR. Hala! 1:55 na pala. Ang usapan namin ni Sir ay 2:00 nandun na ako.

Binilisan ko ang pagtakbo ko papuntang CR na nasa ibabang floor pa ng building namin. Napahinto ako sa pagtakbo nung nakita ko ang kapatid kong si Danico na grabeng makatitig sa chubby na babae. I have never seen him being like this, being mesmerized. He was smiling. Halos mapunit ang kanyang mga labi.

Bumagsak bigla ang babaeng tinitigan ni Dan na tinititigan ko na rin.

Natawa ako dahil sinubukan ni Dan na buhatin ang babae na mas malaki pa ang katawan kaysa sa kanya.

"Kat! Gumising ka!" Sabay na pakiusap ni Dan at yung isa na lalaki na katabi rin niya.

Alam kong hindi nila magagawang isalba ang babae kaya nilapitan ko kung nasan sila nagkakagulo.

Si Kathy Mae pala.

Sinubukan ko ring gisingin si Kathy Mae pero hindi parin siya gumigising. Hindi na ako nag-alangan na buhatin siya at dalhin sa clinic. I never really had the chance to know her that much. Bukod sa hindi kami magkapareho ng grade level, gr.10 ako gr.9 siya, busy ako at parati kaming nagkakatagpo sa maling panahon. Inilatag ko na si Kathy Mae sa higaan ng clinic. Binabantayan ko lang siya. Bakit hindi sumunod si Dan? Diba sila ang magkaibigan? Pero okay lang kasi nagkaroon kami ng 'alone time' kahit na hindi siya gising. I like this girl. She has this vibe that makes me calm. I would really like to be friends with her.

CluelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon