Chapter 4:Not too Basic

14 1 0
                                    

DANICO'S POV

Habang nag di-discuss si ma'am sa harapan ay nilingon ko ang katabi ko. Medyo chubby at parang antipatika ang dating at maldita. Parang mahihirapan akong kaibiganin 'to ah.

PATAY! Hindi ko naisulat yung mga importanteng detalye sa discussion ni ma'am. Nang lumingon ulit ako sa tabi ko ay nakita ko na naman ang babaeng napakaseryoso sa pag ta-takedown ng notes.  Makahiram nga ng notebook niya.

"Kathy, patingin nga ng notes mo" awkward kong sabi. Yup, kilala ko siya. Kilala ko naman lahat ng ka-batch mate namin. Hindi ko lang talaga sila ina-approach kung hindi kami classmate.

Inabot naman niya sa akin. Nanlamig ang mga kamay ko nung kinuha ko ang notebook niya. Dali-dali ko itong binuklat at kumopya na sa mga notes niya. Ang ganda ng pagkasulat niya. Hiyang-hiya yung mga sulat ko.

Nung natapos na ako sa pagkopya ng notes niya ay ibinalik ko kaagad ito. "Eto na yung notebook mo, salamat ah." Hindi siya kumibo at tiningnan niya lang ako. Patuloy niya akong tinitigan, na a-awkwardan na ako sa mga tingin niya kaya buong tapang kong sinabi ang mga salitang "Huy okay ka lang ba?"

"Huh" sabi niya habang dali-daling tumingin sa baba.

"Ang sabi ko okay ka lang ba? HAHAHAHA eto na yung notebook mo. Ang ganda mo pala magsulat" ba't ko ba nasabi yun?! Pero totoo naman maganda talaga siyang magsulat.

Tumawa siya. Nagtawanan kami at nagpakilala, parang first day of school lang ah.

KATHY'S POV

"Dismissal na!!!!!!! Sa wakas makakauwi na rin ako. This was a long day ughhh."

Inayos ko na ang mga gamit at libro na nasa loob ng locker  ng may sumagid sa balikat ko. Nalaglag ang bag ko at napadapa ako.

"Huy lalake!"sumigaw ako sa galit.

"You again? Sorry talaga, nagmamadali ako eh." Lumingon lang siya at agad agad na tumakbo.

May lalaking lumapit sa akin at tinulungan akong damputin ang mga librong nahulog. Si Danico pala.

"Pagpasensyahan mo na 'yung kuya ko ah. Ganun talaga 'yun walang respeto sa mga babae" ani Danico

"Totoo palang magkapatid kayo ni Dominic?" nakangisi kong sinabi.

"Duhh obvious ba? Palerimo nga eh." The grin on his face slightly annoyed me

So magkapatid talaga sila. Medyo weird, but what's wrong with that? Both are special to me I guess. Hindi ko naman sinasabing close na kami ni Danico pero siya yung unang lalaking close friend ko maliban kay Jeffrey. Kadalasan ay nang-iiwan lang sa ere. Para bang ikinakahiya ako, ganun.

Teka teka, nasabi ko na bang may crush, ay mali, may HUGE CRUSH ako kay Dominic Palerimo? Simula pa nung elementary ako ay humahanga na ako sa kanya. Sabi nila, okay lang naman yung itsura niya. Pero para sa'kin, sobrang gwapo niya exotic ang beauty. 'Di ko talaga bet yung mga nauuso ngayon yung mga korean korean na yan. Hindi sa hate ko sila, I just hate the idea of stereotyping. Type ko ang mga moreno, yung mga may sense of humor, at higit sa lahat syempre yung mabait, not in a weird way.

Umuwi na ako na kasama si Danico sa paglalakad papuntang terminal. Nag-bye at kumaway kami sa isa't-isa.

CluelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon