Chapter 3:Back to basic?

23 2 2
                                    

Tiningnan ko lang si Danico na nakatunganga. Nabigla ako nung nagtinginan kami. Dali-dali akong tumingin sa ibang direksyon at nagkunwaring nakikinig ako sa discussion ni ma'am.

"Dan! Ano ka ba bilisan mo"  pasinghal na sabi ni Ace. Nagmadaling tumayo at tumakbo si Danico patungo kay Ace. Lunch na pala hindi ko na namalayan ang oras. Bakit ang weird ko ngayon, pati lunch nakakalimutan ko na. Parang impossible ata mangyari yon sa akin na palaging lumalamon.

"Kumusta ang klase ngayon mga b*tch?" sarkastikong sabi ni Celine. Obvious naman ang sagot, pare-pareho lang naman ang mga pangyayari sa loob ng skwelahan araw-araw. Nothing's new in store for a nobody like me. "Nga pala, i-nanounce naba ni sir Agoncillo sa inyo ang mga amenities for prom? tanong ni Amethyst.

"May prom pala? Ba't hindi ako na-inform?" ani Jade

"Palibhasa kasi, hindi ka nakinig kanina kay sir" Celine said while rolling her eyes. Parang mga aso't pusa tong sina Celine at Jade pero believe me, that's how we show our love.

"Katamad naman oh. Ang dami na ngang gawain may prom pa na dadagdag" halos umusok na ang ulo ni Marie. Kahit famous si Marie at maganda ay hindi talaga siya interisado sa mga event na nagre-require ng maraming oras at effort."Maghahanap pa tayo ng dress, at magpa-practice pa! Kainis!". Wala akong kibo habang nag-uusap sila. As expected, prom will always come. Atleast ngayon, may ganap na sa buhay ko.

"Huy Marie, kalma. February pa naman ang prom eh marami ka pang time para magprepare August palang ngayon". sabi ni Amethyst

Nang matapos na ang lunch ay dumiretso na kami ni Marie sa room namin. Nakita ko na naman si Danico na nag-iisa. Naaawa ako sa kanya, ba't wala siyang kasama? Naaawa ako dahil alam ko ang pakiramdam ng hindi binibigyan ng pansin. Alam ko ang pakiramdam na walang kaibigan. Now I know that I am not the only nobody here anymore.

Every month ay nagkakaroon kami ng rotation ng seating arrangements. The month of September came and I was sitting in a different seat. I was sitting beside Danico Palerimo. Ang tahimik pala niya o sadyang awkward lang talaga kaming dalawa.

"Kathy, patingin nga ng notes mo" nabigla at nagpanic ako sa sinabi niya. Marunong palang magsalita 'tong isang 'to? Dali-dali kong kinuha ang notebook ko at inabot sa kanya. Ang lamig ng kamay niya. Nung naabot ko na ang notebook ko ay kinuha niya agad upang kumopya. Habang nagfo-focus siya sa pagkopya ay tinitigan ko siya. Ang gwapo pala niya when he is up close and when he is serious. Parang hindi ko siya kayang kausapin, gusto ko lang tumunganga at tignan siya.

"Eto na yung notebook mo, salamat ah" pangising sabi ni Danico

Ang gwapo talaga niya pero malayo at iba ang quality sa kuya niyang si Dominic Palerimo.

"Huy! Okay ka lang ba?"

"Huh?"

"Ang sabi ko okay ka lang ba? HAHAHAHA eto na yung notebook mo. Ang ganda mo pala magsulat"

Akala ko pa naman maganda ako. HUY KATHYYY SNAP OUT OF IT! ANO KA BA! DON'T TELL ME HINAHAYAAN MO NA NAMAN ITONG MANGAYARI? GUMISING KA! I'M NOT GONNA LET THIS HAPPEN AGAIN. NOT IN THIS LIFETIME.

"Hehe salamat, ikaw lang ata ang taong nakaka-appreciate sa sulat ko"

"Np. Btw, can I call you Mae? Tinatamad kasi akong magbanggit ng dalawang syllables eh."

"Sure. And I'm gonna call you?"

"Dan, call me Dan. I suppose we can be friends can we?"

"Oo naman!"

CluelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon