Chapter Three

16 9 5
                                    

KEZIAH HAD gotten quiet after she heard Jade's answer on her question. Alam n'ya sa sarili n'ya na totoo ang mga sinabi nito sa kanya, ngunit hindi s'ya makapaniwala. Isa pa ay wala naman s'yang naaalang may kakaibang nangyari sa kanya noong nasa edad na s'ya para sa suspirium—kung ano man iyon—bukod siguro sa pag-iisip kung paano sila nabuhay ng walang magulang nung mga panahong iyon.

Napuno ng katanungan ang utak n'ya, na alam n'yang masyadong marami para sagutin ni Jade para sa kanya. Not all secrets can be revealed once. Alam ni Keziah iyon, pero kung ngayon na nalaman n'ya na nabuhay s'ya sa pag-aakalang normal s'ya, mas gugustuhin n'yang malaman ang mga sikretong iyon ng isahan nalang. Isa pa, sigurado s'yang marami pa s'yang hindi nalalaman.

Add the fact that she was one of the rumoured girl, which can be the first princess of Levi after a century. Hindi s'ya natuwa sa ideyang ‘yon. Wala sa itsura at ugali n'ya ang pagiging prinsesa. Palagi s'yang nasasangkot sa gulo at makabasag pinggan ang ugali. Pero kung sakali man na mapatunayan na s'ya ang prinsesa, hindi nalang n'ya alam kung anong mangyayari. Lalo na't hindi ordinaryong lugar ang pamumunuan n'ya.

Pero kung sakali man na hindi s'ya ang prinsesa, napaisip s'ya kung anong gagawin sa kanya. Ibabalik ba sa lugar na ‘to, magiging alipin, o kaya naman ay maninirahan nalang dun mag-isa. May parte sa kanya na nalungkot, dahil kung hindi s'ya ang prinsesa, ibig sabihin ay hindi rin n'ya totoong kapatid si Zey.

Ngunit sa totoo lang, bukas s'ya sa ideyang maaari s'yang manirahan sa lugar na iyon. Matagal na n'yang pangarap na maging totoo ang mahika, at nasa kanya na ang pagkakataong iyon kung sakali mang pumunta o ibalik s'ya sa Serenikai. Pero nakakaramdam s'ya na para bang may mali, at natatakot o sadyang kinakabahan lang s'yang pumunta sa lugar na ‘yon.

Sa kabilang banda, ilang beses nang narinig ni Jade ang pagbuntong hininga ni Keziah, dahil siguro sa sinabi n'ya rito. Pero sa pagkakakilala nito kay Keziah, ay sigurado s'yang mabilis na kakayanin at masasanay sa si Keziah malaking pagbabagong magaganap sa buhay into.

Nabasag ang katahimikan na bumabalot sa kanila nang biglang tumunog ang cellphone ni Jade.  Agad n'ya itong sinagot nang makita kung sino ang tumatawag.

“Ziewood.” wika ng prinsipe. “I've encountered some trouble, but I managed to arrange it. You can now bring her here.” puno ng otoridad ang boses nito.

“Okay sir.” formal na sagot n'ya dito. Papatayin na n'ya sana ang tawag nang bigla itong magsalita ulit.

“And Jade?”

Natigilan ito sa tawag sa kanya ng prinsipe, ngunit agad din sumagot.“Yes, your highness?”

“I'm asking you, as a friend. Please protect my sister.” anito sa mahinang tono saka pinatay ang tawag. A smile formed onto Jade's lips. The prince really have his soft spot with her sister. Naisip n'ya tuloy kung anong mangyayari kung sakali mang hindi si Keziah ang prinsesa.

“Bat ka nakangiti d'yan?” biglang tanong ni Keziah sa kanya. Agad naman n'yang tinanggal ang ngiti sa labi dahil dito. “At saka si Zey ba ‘yun?”

“Yes. Its him.” he said formally and then stood.

“Anong sinabi?” tanong pa nito sa kanya. Hindi n'ya ito pinansin at hinarap ang lamesa para sana kunin ang mga kutsilyo. Ngunit bahagya itong natigilan nang mapansin kung ano ang posisyon nilang dalawa.

Nakapatong ang dalawang kamay ni Jade sa lamesa habang bahagyang nakayuko ang ulo. Samantalang si Keziah naman ay nakasandal sa swivel chair habang nanlalaki ang matang nakatingin kay Jade. Humarap si Jade kay Keziah at halos mawalan ito ng hininga nang makita kung gaano kalapit ang mukha nila sa isa't isa. Sa sobrang lapit ay nararamdaman na nila ang paghinga ng bawat isa.

Oneirataxiaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن