Prologue

5 1 0
                                    

"Miss, stop it okay. Baka magising si junior sa ginagawa mo", sigaw ko sa babaeng hulog mula sa taas ng bundok.

At hot niya kasi tingnan sa parang see-through niyang damit tapos wet-look pa siya kaya't kitamg-kita ang kurba niya. Nagpipigil na ngalang ang pagkalalaki ko.

" Nasaan ang binatang iyon? Nais ko siyang makita, maari ko ba siyang lapitan?", seryoso niyang sagot.

Nakanganga nalang ako sa kainosentehan niya, at kung makapagtagalog sobrang lalim. Pakiramdam ko may sakit ito, may amnesia katulad nung napapanood ko sa mga drama o kaya naman may Alzheimer's disease kawawa naman, ang bata pa niya para mag-ulyanin.

"Mapilit ka masyado miss, atat ka at gusto mo ba talaga makita si junior ko, baka magulat ka at hindi mo kayanin", pang-aasar ko pa lalo sa kanya na mukhang hindi niya gets ang tinutukoy ko, kaya sayang effort.

" Oo, maaari ba ginoo?", may patalon-talon pa siya at mukhang excited na excited.
"Baka nga matakot ka lang", wala naman akong balak ipakita sa kanya inaasar ko lang talaga siya.

HAHAHAHHA nakakatuwa kasi siya panoorin.

Maganda pero may sayad, sayang.
" Ako may hindi natatakot sa munting mga indio.....", nagulat siya sa sinabi niya na ikinagulat ko din.

Tama ba ang narinig ko munting indio lang para sa kanya si junior ko? Aba pinaghihirapan ko itong alagaan tapos sasabihin niya munti lang? What the fck.

Nakakakaba ng ego, kaya umalis nalang ako, dahil mukhang wala naman siyang kwentang kausapin, nag-aaksaya lang ako ng oras sa saltikin na babaeng to.

"Ipagpaumanhin mo ang aking asal, hindi ko na muli iyon babangitin", pilit parin siyang nagsosorry habang hinahabol ang bawat hakbang ko.

Anu bang trip ng babaeng to?

" Miss, wala akong pera at kung scammer ka ay huwag ako kasi wala kang makukuha sa akin, Tss.", napahinto naman siya at nagpakunot ang noo na parang wala siyang naintindihan sa sinabi ko.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at mas lalo ko pang binilisan.

"Ginoo, nagsadya ako upang humingi ng kaunting tulong upang ang paghihinagpis sa nakaraan ay aking mabago sa panahong hinaharap", this time para siyang tutang sobrang maamo ang pagmumukha.

Aaminin ko cute siya pero hindi ko papatulan ang kabaliwan niya.

Century Between UsWhere stories live. Discover now