CHAPTER 3

2 1 0
                                    


Matilda's POV

Mag-iisang linggo narin ng ako'y magmula ng mapadpad sa lugar na ito, walang kakilala o kadugo maaaring malapitan.

Sa katunayan, napakahirap pakisamahan mga Pilipino sa panahon aking nilalakbay. Pakiwari ko'y wala silang katiting na pakialam sa kapwa nila Pilipino.

Sa aking paglalakbay at patuloy na pagtatanong pawang nagmumukha akong katawa-tawa at baliw.

Hindi ko mapagtanto, ang isipan ko'y puno ng katanungan. Hanggang nakilala ko ang isang ginoo, palagay ko siya na ang hinahanap ko upang tulungan ako pansamantala.

Kasalukuyan akong narito sa tahanan niya makalat at maraming IMBENSIYON ang hindi ko pa nasusubukan.

Ngunit kagabi lamang ay nag-away kami at aksidente kong naibigay sa kanya ang kwintas ni ina. Ngayon nga'y nag-aalangan akong umalis sapagka't malaki ang posibilidad na hindi ko na siya makita maging ang kwintas na iyon.

Kaya bukas na bukas din, kakausapin ko siya, kailangan kong manatili sa piling niya. Marahil ngayon ay pinaghahanap na ako ng mga tauhan ni Gobernador Philipos upang muling ipapatay lalo na at natuklasan nila ang imbensiyon ni Professor Lerwick ng Englatera.

Kailangan kung makapagtago sa panahon ito, sa parang ito lamang maisasalba ko ang buhay ng buong mamayan ng San Victorino pati ng aking pamilya.

Kahit ang kapalit nun ay ang aking buhay.
Pinikit ko na aking mata upang tuluyan makapagpahinga.

Gumising na ako ng maaga upang ipaghanda ng makakain ang aking amo.

Tama ang inyong rinig, ako'y nagapapakatulong kapalit ng pananatili.

Ako'y anak ng mayamang Pilipino sa mga kapanahunan ko, marahil labis na kasamaan ang aking nagawa upang tamasain ko ang mababang-uri ng buhay na ito. Ngayo'y isa na lamang akong hamak na alipin.

Matapos kung ligpitin ang lahat ng kagamitan at linisin ang buong bahay.

Panahon na upang magluto, ngunit papaano?

Hindi ko alm kung paano ko patatakbuhin ang mga kagamitang nasa aking harapan.

Hinawakan ko ang mga kagamitang at nilibot ang aking paningin sa kamangha-manghang mga kasangkapan na sa panahon ito lamang makikita.

Lumapit ako sa parihabang materyales na mayroon dalawang itim na bagay sa kanyang harapan. Ang kagamitang ito'y naiikot pakaliwa man o kanan.

"Napakagaling" at iniikot-ikot ko pa

"Wagggggggg", magatakbo naman ang lalaking kagigising pa lamang.

At nakita ko ang kanyang pang-ibaba na pawang natatakpan lamang ay ang kanyang pagkalalaki.

" Ahhhhhhhhhhhh", sigaw ko habang takip ang aking mata.

Sa palagay ko'y naintindihan niya ang aking tinutukoy kaya naman napabalikwas siya papasok muli sa silid.

Hindi naman ako makapaniwala sa kalapastanganan niya sa mga kababaihan, isang makamundong gawain iyong kung maituturing.

Hindi ako dapat na magpadala sa mga ganyang gawi, maoagtatagumpayan ko nga ba ang pakay ko?

Wari ko'y wala na akong ginawang wasto.

"Sabi ko naman sayo wag mong gagalawin ang mga gamit dito diba!?"

"Sa aking pagkakaalam, wala kang nabanggit"

Tiyak kong wala siyang nabanggit. Napakahina ng utak niya. Naku. Naku.

"Napakahina naman ng utak mo" mahina niyang sabi.

"ABA! ABA!" Sigaw ko na hindi ko naman sinasadya "....paumanhin, ginoo...." Malumanay kong sabi "...maari ba ako pansamantalang manuluyan sa iyong tirahan?" Tinaas ko ang tingin ko sa kanya na may hindi ko maintindihang ekspresyon.

Century Between UsWhere stories live. Discover now