CHAPTER 2

3 1 0
                                    

After nung kahapon, sobrang malalagasan na ako ng buhok sa babaeng ito.
Flashback.

" Anu pang hinihintay mo? Pumasok ka na, kung ayaw mong patulugin kita sa diyan"

"Ngunit hindi maaaring matulog sa iisang silid ang isang babae at lalaki hanggat hindi sila kinakasal"

"Ha? Nasa anung taon ka ba? 1840? 2019 na at sa panahon ngayon uso na ang pre-marital sex, hindi kita type kaya wag kang magalala hindi kita rerapin, depende nalang kung gusto mo"

"Ako'y nasa 2019 na taon?"

Eh marunong naman pala umintindi ng English ng pulubing ito eh.

"Bakit anu ba sa tingin mo?"

"1860"

"1860? Seryoso ka ba? HAHAHHAHAH" at napahagalpak naman ako sa tawa.

"Hahaha, anu ka time traveler, hahaha" sabay hawak sa tiyan na sumasakit na sa kakatawa.

"Pumasok ka na nga, wag ka mag-alala wala akong gagawing masama sa iyo"

Naconconvince naman siya at pumasok na sa loob.

"Maganda ang lugar na ito ngunit napadumi, tirahan ba ito ng mga alaga mong hayop?"

Hayop? Unbelievable! Tsk. Oo hindi ako malinis sa gamit pero that's insulting naman masyado.

"Umupo ka muna"

Umupo naman siya sa cabinet na kahoy

"Wag mong upuan yan, baliw ka ba? Ha?", galit Kong sigaw.

"Ipagpaumanhin mo ginoo?", sagot niya na parang pinapaulit yung sinabi ko.

" hindi mo ba gets? O nagdadrama ka lang na may sakit ka para mang-scam? Kung hindi naman ako naawa sa iyo hindi kita dadalhin dito kasi hindi ka mukhang katiwa-tiwala", pailing-iling Kong sumbat sa kanya.

"Kung ang iyong pagtulong ay napakalaking usapin sa iyong parte heto", sabay hubad niya ng parang kwintas at iniabot sa akin.

" yan nalang ang natatanging ala-alang ni ina sa akin, Sanay wag mo yang iwawala, at iyong ingatan. Yan ang kabayaran sa iyong pagtulong sa akin. Huwag kang mag-alala ginoo, madaling-araw rin namay ako'y papayao na, pasensya sa dulot Kong problema", yumuko siya sa akin at ramdam Kong nagpipigil siya ng luha katulad kanina

Natulala naman ako na parang nakokonsensya sasinabi ko, gusto Kong bawiin pero matatapakan naman ang ego ko, kaya huwag nalang.

Pumasok ako sakwarto ko at kinuha yung mga lumang damit at pajama.

Ipinatong ko sa mesa at tiningnan niya lang iyon habang hindi gumagalaw sa sofa.

"Magbihis ka at nangangamoy ka na"

Kinuha naman niya agad at tumayo pero hindi niya alam kung saan siya pupunta.

"Doon ang c.r." sabay turo
Dumeretso naman agad siya.

After minutes lumabas naman siyang malinis na siya pero nangangamoy parin.

"Uhmmm" habang iniisip ang pangalan niya

"Matilda"

"Ahh Matilda, nagsabon ka ba?"

"Anu yung sabon? Ngayon ko lamang iyan narinig"

"Yun yung ipinapahid sa katawan upang mawala ang amoy"

"Ang ibig mo bang sabihin ay pampaligo"
"Oo yun na nga"

"Ibig mong sabihi'y ako'y hayop parin?"

"Hindi nman sa ganun" bawi ko naman
Pumasok ako sa c.r.at kinuha yung sabon.

"Eto ang sabon" at itinaas ko yung hawak kong safeguard

"Kapag binasa mo ito ng tubig, syempre bubula yan" tapos todo effort ako sa pagdemonstrate, pero siya nakatingin lang sa akin.

Nao-awkward tuloy ako bigla kaya nagpatuloy nalang ako sa demo.

"Eto, amuyin mo", tapos sinadya kong ipahid sa mukha niya at humagalpak ng katatawa.

Mukha na siya ngayon santa Claus.

" lapastangan", sabay pahid sa kanyang mukha at pasok sa banyo.

Tumigil naman ako sa kakatawa at sinundan nalang siya ng tingin.

"Weirdo"

Dumeretso akong kusina at nagluto ng piniritong itlog at naghayin na sa lamesa.

Ilang san dali lang ay lumabas narin siya na parang fresh nafresh parang patalastas ng palmolive ang entrance niya. Tsk.

"Kumain ka na", para lang may masabi ako.
Humarap naman siya habang pagpupunas ng buhok. That's kind of sexy and hot.

Matapos magsuklay umupo siya sa katapat kong upuan ng hindi manlang nagkicreate ng kahit katiting na ingat.

As in wala, kapansin-pansin ang pagkaconservative at demure niya. Konti nalang maniniwala na akong galing talaga siya sa prestihiyosong pamilya ng 1860.

Nagsimula na siyang kumain pero nananatili paring tahimik ang buong paligid.

" ehem" kunwari nasasamid ako.

Hindi parin siya tumitingin sa gawi ko.

"Ehem" mas malakas at sarcastic na ako masyado.

"Lunasan mo na ang iyong karamdaman upang hindi naiyan mauwi sa kamatayan" at bigla siyang tumingin sa akin.

Nakafierce siya at mukhang formal na formal siya ngayon. Galit ba siya?

"Galit ka ba sa akin?"

Hindi naman siya umimik.

"Sorry kanina"

Nagulat ako sa sinabi ko. What the f*ck bakit ako nagsosorry. She is a total stranger, am I hipnotized?

Punyeta naman oh, bigla nalang lumabas sa bibig ko yun.

Pero napansin kong napangiti siya.

"Ang paghingi mo ng paumanhin ay sapat na, nararapat narin kitang patawarin sapagka't ito na ang huli nating pagkikita" sabay ngiti ulit.

Napatango nalang ako dahil wala na akong masabi.

Nabalot na naman ng katahimikan.

"Ahh wag kang magagalit pero may split personality ka ba? Sakit sa utak? Bakit minsan naintindihan mo ako pero parang minsan hindi mo alam ang ginagawa mo?"

"Karamdaman? Wala akong karamdaman ginoo, sadyang baguhan pa lamang ako sa mundo niyo. Noong ika'y isinilang kaya mo na bang tumindig sa sarili mong paa? Marahil hindi pa, upang natuto tayo ay kailangan natin nagsimula sa umpisa. Sa aking palagay yun ang una kong gagawin"

"Ahhhh" nakanganga nalang ako. Kunware gets ko

"Kung galing ka talaga sa 1860, anung ginagawa mo dito sa 2019?" Tanong ko

"Ang alam ko'y..." Napatigil siya at hindi na niya tinuloy.

Pamysterious nanaman siya ngayon.
Pabebe to mysterious, napakaweirdo talaga.

"Okay lang kung ayaw mo sabihin, good luck sa misyon mo."

"Salamat, ginoo"

"Teka kung galing ka sa 18th century, eh bakit parang naiintindihab mo ako? Tsaka bakit nakakaintindi ka ng English?"

May grammar lessons na kaya sila nun?

"Nag-aral ako sa Englatera ng halos 5 taon, kaya't napakaimposibleng hindi kita maintindihan. Mag-iisang linggo narin ako sa lugar na ito"

Hahhahaha ang lakas talaga ng trip niya, gagawin niya ang lahat maitawid lang ang isang kasinungalingan. Tsk.

humikab na siya habang nakatakip ang kamay sa bibig niya. Halatang antok at pagod na.

"Paumanhin"

Tumayo ako at kumuha ng unan at kumot.
"Ayos na ako sa lapag ginoo"

"Baka lamigin ka, gamitin mo toh"

Pagkahugas ko ng plato ay humiga narin ako at pumikit hanggang sa dalawin na ako ng antok.

Century Between UsWhere stories live. Discover now