CHAPTER 5

2 1 0
                                    

Nate's POV

Mag-iisang buwan na siya dito sa bahay at nasanay na ako sa presensiya niya. Parang kaibigan narin ang Turing ko sa kanya, kaso minsan ang galing niya lang sumabat sa akin, lagi nalang siyang may pambara kaya nga minsan as in madalas pala nagtatalo kami. Medyo nagiging maliksi na siya at hindi na pabebe pakiramdam ko magiging tomboy to, ginagawa niya pati ang mga kilos ko.

Pati damit ko sinusuot narin niya.
Nakakatuwa lang na may nagsisilbing sa iyo, paggising mo ng umaga, may pagkain na. May naglalaba at namamalantsa. Nagwawalis at maghuhugas ng pinggan. Mukhang nagugustuhan ko ang buhay ko.

"Gising!! Sabado na"

Nakapamaywangan siya sa harap ko habang suot ang T-shirt at shorts ko na sobrang laki.

"Eh, anu naman kapag sabado?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Crush?"

"Tsk. Haha. Wag mo ngang ipilit na crush kita"

"Manager Rain?" Nanlaki ang mata ko at dali-daling bumangon

"Bakit hindi mo sinabi agad Mati naman"

So, ayun bibigyan ko siya ng nickname na Mati at pinayagan ko siyang tawagin niya akong Nate.

"Sinabi ko, mahina lang yang ulo mo"

"Wala akong panahong makopagtalo sa iyo, magbihis ka na rin"

"Isasama mo na ako sa labas ng estrukturang ito?"

"Ayaw mo sige, dito ka nalang forever"

"Hindi, sandali lang"

Suot niya yung isang kong T-shirt nung medyo patpatin pa ako kaya hindi naman sobrang laki pati shirts na pangbasketball.

"Teka San mo naman nakuha yang mga yan?"

"Basta"

"Tara na"

May date kasi kami ngayon ni Rain, punayag siya na ligawan ko siya.

Flashback.

"Manager, hindi ka pa ba uuwi sa inyo masyado ng gabi delikado na sa daan. Hatid na kita"

"Ang bait mo talaga Nate, swerte ng girlfriend mo sayo"

"Eh, wala naman akong girlfriend, maghahanap palang" at ngumiti ako sa kanya.

Bakit ba kasi ang ganda-ganda niya.

"Ang gwapo-gwapo mo, tapos wala ka namang girlfriend. Ideal boyfriend ka naman eh"

"Hindi ko kasi alam kung paoayag yung kaisa-isang babaeng natitipuhan ko"

"Bakit hindi mo kaya tanungin, baka hinihintay ka lang pala"

Dug.dug.dug.dug.

Tumigil ako sa paglalakad at napatigil din siya.

"Pwede ba?"

Nung araw,
Kay tamis ng ating buhay
Puno ng saya at ng kulay
Di na uuulig muli.
Ang oras kapag ginataang lumipas
Nadarama mo hanggang bukas
Di mababawi muli.

Hinawakan niya ang kamay ko

"Nate, I would be the happiest girl in the world"

Tapos jiyakap niya ako.

The end of flashback

Kinwento ko naman yan kay Mati, ayun nangingisay ngisay sa kilig kaya ang aga-aga ng gising niya ngayon.

Another flashblack

"Ang OA mo na kiligin tigilan mo na yan"

Sigaw ko sa kanya, eh inulit-ulit pa niya sa unan, kadiri na.

"Alam mo, masaya ako para sayo. Para dalas-dalasan mo na yang pagngiti mo, mas gumaganda kang lalaki kapag nakangiti. Sa tingin ko sasaya ka na sa kanya" tapos ngiting-ngiti at kilig na kilig ang Mati-leleng na yan.

The end of another flashback

Bumabaha na kami sa elevator, nagprinsinta naman siyang pinindot sa mga floor, practice daw yun. Mahabang na din kami ng kotse at pumunta sa SM Mall of Asia.

First date namin, dapat sosyal lang.

"Hoy, Mati-leleng"

Naasar naman yung pagmumukha niya.

"Wag mo akong tawagin sa ganyang pangalan, nakakahiya sa makakarimig"

"Wag kang mag-alala, kapag hindi ka maganda dito sa labas ng mundo walangmay paki sayo"

Tinarayan niya lang ako, ang sarap pikunin.

"Wag kang lalayo sa akin, baka mawala ka. Binibigyan nalang kita ng pera eto..." Iniabot ko ang 300 pesos sa kanya "... Kapag nawala ka, magpahatid ka sa Crescent Building medyo malapit lang naman yun"

"So may balak kang iwan ako?"

"Hindi naman sa ganun pero parang ganun na nga" sabay binilisan ko ang paglalakad ko. Humabol naman siya.

"Tutal masaydo tayong maaga dahil malelate siya, bibilhan muna kita ng damit para hindi mo na sinusuot yang damit ko. Pati mga girl stuffs na kung anu-anu"

Sumusunod lang siya sa akin.
Pumasok muna kami sa Forever21 at pinapilinsiya ng damit. Pumili siya ng dalawang piraso at pumaoks sa bench at kumuha ng mga panlalaking damit.
Tomboy nga siguro ito, baka maging kaagaw ko pa ito kay Rain. Mahirap na.

"Alam mo bang panlalaking yan?"
"Oo naman, eh alam mo bang ito ang gusto ko?"
"Aba napakapilisopo"
Sasabay pa sana ako kaso biglang nagpop-up yung message ni Rain

Rain: nandito na ako sa burger king, nasan ka na Nate?

Kinikilig talaga ako kapag binabanggit niya ang pangalan ko.
"Bayaran na natin toh, nandito na si Rain"
Hinablot ko naman yung mga kinuha niya at binayaran na, wala akong paki kung magkano yun basta kailangan kong magmadali.
"Simunod ka sakin, bilisan mo"
"Pwede bang bagalan mo ng kaunti ang iyong paghakbang?"
"Hindi, mahuhuli tayo baka naiinup na yun"
At hindi na siya umangal pa.
At nasa tapat na kami ng burger king, iniwan ko muna siya saglit sa may waiting area. Moment namin toh ehh.
"Dito ka lang, kahit anung nangyari huwag kang aalis dito. Hintayin mo kaming makalabas at sumunod ka nalang. Dapat nakadistansya ka ha. Maliwanag?"
"Uhmm, oo"
At iniwan ko na siya doon.
Inayos ko na ang sarili ko bago ako pumasok sa loob.
Hinanap ko siya pero masyadong maraming nakarating tao, teka baka naman nasa Mang Inasal ako.
Chineck ko ang poster, Burger naman. Nasan na kaya siya.
Calling Rain........
Ako: Hello...ahmmm rain nasan ka na?
Rain: Kumakaway ako Nate
Ako: anung kulay ng suot mo?
Rain: Peach, ikaw?
Bago ko pa man masabi ay nakita ko na siya kaya ibinaba ko na ang cellphone ko.
Ang ganda niya, bakit sobrang ganda niya.
Ako'y alipin ng pag-ibigsa mo
Gandang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang Puso mo'y sa akin lang
Hindi ka na malikigaw
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin.
Napatingin siya sa akin at bigla kaming nagkatitigan.
" Hi"
Medyo napakamot ako sa batok ko, kasi nahihiya ako.
"Haha, upo ka na. Waiter" at tinawag na niya yung waiter.
Nagkukwentuhan na kami tungkol sa mga bagay-bagay hanggang i-open niya sakin yung mga tungkol sa ex ko.
"So nakanilang gf ka na?"
"Honestly, isa palang"
"Siya siguro ang first love mo noh?"
"Oo naman, kahit iniwan na niya ako. Hindi naman nawawala yun. Pero siyempre nagmomove-on na ako ngayon"
"Sorry... I mean okay lang yun"
"Okay lang naman, maybe we are destined to meet diba?"
"Oo nga, hahaha"
"Wait, asan na siya ngayon?/ is she married?"
"Nope, she is already in heaven"
Mukhang nagulat naman siya.
"Sorry, hindi ko na dapat tinanong'"
Well, it hurts a little parin. Masakit parin hanggang ngayon. Kung pinuntahan ko lang siya ng having iyon, hindi naman siya mamamatay. Kasalanan ko ang lahat.
"Ayos lang"
Nagkukwentuhan nalang kami at magkunwaring akong hindi apektado sa pag-oopen niya s ex ko.
Kunware lang.
I miss her so much
Amber I miss you so much.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Century Between UsWhere stories live. Discover now