CHAPTER 4

1 1 0
                                    

Nate's POV

Actually nagdadalawang-isip talaga ako na iwan siya, baka pagbalik ko pinto nalang yung tira, eh hindi ko pa naman din alam kung saan ako titira kapag nawala yun, that's the only thing left that I can call mine. Other than that naglaho na silang lahat.

"Hey!"

Napalingon ako sa gilid ko at nanlilisik ang mata ng aking babaeng manager.

"Sorry mam, hindi ko po kayo napansin"

Nagbow naman ako sa kanya. Mabait talaga itong manager namin, medyo strict lang siya pagdating sa working hours.

Crush ko nga siya eh bukod sa maganda ang pangalan niya, Loraine Preston. Matalino at maganda rin siya, sobrang caring niya diba para maalala niya ko. Lalo lang tuloy akong naiinlove. Ang weak ko talaga.

"Sorry po talaga"

"Alam mo parang wala ka sa sarili mo ngayon, okay ka lang ba?"

"Opo man, may iniisip lang"

Tapos ngumiti siya ng pagkatamis-tamis
Haysst, puso

"Sige, magsabi ka lang at bibigya n kita ng early break" sabay kindat sa akin.

My knees got weaker and weaker every time I see her

Dahil mabait akong tao, hindi ko inaabuso ang libreng early break na yun. Sigur o kapag kailangang-kailangan na talaga. Haha
Ngiting-ngiti ako ngayon, dahil sa short conversation namin ni Manager Rain.

Ang corny ba masyado? Well, lahat naman ng lalaki nagiging baduy' kapag inlove diba.
Napabalikwas nalang ako palabas at napatakbo ng naalala ko na naiwan ko pala sa bahay si Matilda, nagaalala ako hindi baka napahamak na siya kundi nawala na yung mga gamit ko at nalimas na niya.

Binuksan ko na agad ang unit ko at hapong-hapo.

Tumambad naman sakin ang gulo-gulong gamit.

Ninakawan niya ba ako?

Pumunta naman ako sa sala, bukas ang TV at tulog na tulog siya sa sofa bed.

Napaliligiran siya ng mga libro ko, simula 1st year college books.

What? Naatim niyang basahin itong mga toh, eh parang ako mabobored ako kapag binuksan ko tong mga librong ito eh.

Sinipa-sipa ko yung paa niya para magising.

"Uyyy, huyy, gising" naalimpungatan naman siya at bumangon.

"Narito ka na pala, ginoo" sabay ngiti hanggang narealize niya na sobrang kalat na ng mga libro.

"Sorry, I didn't mean.... Di ko sinasadya"

Bigla nalang siyang napa-english
Wow, dahil ba yan sa panonood at pagbabasa niya?

"Nais kong malaman kung paano niyo pinatatakbo ang buhay kaya naman napakalaking tulong ng TV na iyan, napakamahiwaga"

Pag-eexplain niya.

Masasabi kong hindi naman pala talaga mahina ang kokote niya, talagang weirdo lang siya.

"Wala narin akong panahon magalit, kasi masyado akong masaya"

"Napakasungit mo nitong nakaraang araw bakit tila masaya ka ngayon?"

May pagkatsismosa din siya noh?

"None of your business, ligpitin mo na yan" banat ko nalang

"Ahh, okay"

Wow, marunong na siya mag-okay ngayon.
Ayaw ko sanang sabihin pero pakiramdam ko sasabog ako kapag wala akong pinagsabihan.

Century Between UsWhere stories live. Discover now