Chapter 2 - Unknown Reason

356 32 115
                                    

Ezekiel's POV

Nagkukwentuhan kaming magkakaibigan habang hinihintay sina Lauren at Kelly sa canteen, ngayon lang sasabay si Lauren sa pagkain naming magbabarkada. Napilit siguro ng kaibigan niya. Obvious naman na ayaw niya sa aming magkakaibigan. Tinatanong nga nila ako kung bakit hindi ako sumamang uminom kahapon. Sa totoo lang, papunta na talaga ako para makipagkita sa kanila pero nakita ko si Lauren kaya nilapitan ko, pero maraming nakipag-usap na babae sa'kin bago ako nakalapit sa kanya.

"Bakit ba hindi ka nagpunta?" pagtatanong ni Angelo. Kanina pa kami nag-uusap at ayaw nilang maniwala sa mga sagot ko.

"Tinatanong pa ba iyon? Dapat ang tanong mo ay kung sino ang kasama niya kahapon. Sino nga ba ang kasama mo?" dagdag na tanong ni Dan.

"Ang dudumi ng utak niyo. Si Lauren nga ang kasama ko kahapon!"

"Si Renren?" sabay na pagtatanong nila. Hindi na sila nasanay sa tawagan namin ng babaeng iyon.

"Oo. Si Lauren," I repeated.

"Bakit mo siya kasama?" seryosong tanong naman ni Angelo kaya napatingin sa kanya si Dan. Hindi naman siya nagiging interesado sa mga babaeng nakakasalamuha ko. Bago ito sa'min ni Dan kaya gusto ko rin malaman ang dahilan.

"Nagkasalubong lang kami kahapon tapos tinamad na akong umalis kaya hindi na ako nakasunod."

"Siraulo ka, Kiel. Ipapa-alala ko lang na kaibigan ni Kelly si Renren. Hindi siya isa sa babae mo." Bakit may ganitong paalala si Dan? Hindi naman niya iyon kailangan sabihin sa'kin. She is not my type. Masyado siyang mabait para sa'kin. Isa pa, kaibigan siya ni Kianna. I just find her really cute and funny.

"Hindi rin ako naniniwala na tinamad ka lang kahapon. Hindi ka tinamad uminom, Kiel," ani Angelo.

Ang supportive ng mga kaibigan ko 'di ba? Maya maya ay dumating na sina Lauren at Kelly kaya kumain na kami. Hindi ko pa masabi kung seryoso si Dan kay Kelly kasi ganito siya kapag bago palang sila ng girlfriend niya. Dan has many ex-girlfriends and we won't be shock if Kelly has a lot of haters already. Kelly is a forceful person kaya hindi kami magtataka kung sasagot at lalaban siya sa mga ex-girlfriend ni Dan. Hindi rin naman itinatago ni Lauren na hindi pa siya boto kay Dan para sa kaibigan niya.

Judgemental masyado. Samantalang nagalit sa'kin noong isang araw dahil doon sa babae na hindi ko na nga maalala ang pangalan. She can judge us easily.

"Will you quit staring?" she snapped. Nagulat ako dahil bigla na naman siyang nagsungit.

Tumawa naman si Dan. "Huwag mo kasing ipapahalata!"

"I am not looking at you. Iyong nasa likod mo ang tinitingnan ko."

"Sa tingin mo ay maniniwala ako? You are not looking kasi nga you are staring. Magkaiba iyon!" She loves to win kaya hindi talaga nagpapatalo sa'kin.

"Here we go again," sabi naman ni Kelly. Totoo naman, nang-aaway na naman ang kaibigan niya.

Habang kumakain kami, napansin ko na ibinibigay ni Kelly iyong gulay kay Lauren at ngumingiti naman siya. Inilagay ko rin sa plato niya ang gulay kaya napatingin silang lahat sa'kin.

"What?" I asked. Tapos ay tiningnan ako ni Lauren nang masama. "Baka kulang pa iyan sa'yo, eh... mamaya ma—" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil tinakpan niya ang bibig ko pagkatapos ay nagsalita pa ng, "Thank you, Ezekiel! Okay na, thank you, ah?" Ayaw yata niyang malaman ng mga kaibigan namin na nakakalimot siyang kumain. Sino ba naman ang makakalimot kumain?

Kaya lalo kaming pinagtinginan nila Dan. "Close na pala kayo? Kailan pa?"

"Alam mo, Dan, close naman talaga kami ni Lauren. Masungit lang talaga siya," I replied.

✓ Not Giving Up On Love BOOK 1 (Preview)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant