Epilogue

214 21 20
                                    

Kasama ko si Ezekiel at Jace sa park na pinagtatambayan ko noong dito pa ako nakatira sa apartment na malapit sa park na 'to. Nagpaalam kami na ipapasyal si Jace at gusto niya sa park pero hindi ko alam na rito kami dadalhin ni Ezekiel.

Pinapanood ko lang si Jace habang nakikipaglaro sa ibang bata. Parang kailan lang ay baby pa ang isang 'to. Baby-damulag na siya ngayon at sobrang likot na rin talaga.

Napalingon naman ako sa mga babaeng nagkukumpulan sa kabilang side. Nakapila sila para magpa-picture sa sikat na model. Sino pa ba? Si Ezekiel. Hindi ko nga alam na parang artista rin pala ang treatment sa mga model ngayon. Wala kasi ako masyadong kilala na model kaya hindi ko alam na baka may nakakasalubong na pala akong model.

Tapos na yatang magpa-picture ang mga babae sa kanya at nakikipag-usap nalang siya. Sige, ngumiti ka pa riyan.

Nilingon ako ni Ezekiel at itinuro sa mga babaeng kausap niya.

I smiled.

Back-off girls.

Maya maya ay bumalik na siya sa tabi ko.

"Nginitian mo sila pero bakit nilayasan ako?" reklamo naman niya.

"Sana sila ang itinanong mo 'di ba?"

"Uy, hindi ka na nagseselos? Sinasanay mo na bang may nakapaligid ulit na babae sa'kin para hindi natin pag-aawayan?"

"May nakapaligid ulit? Bakit, kailan ba nawalan?"

Natawa pa siya. "Selosa pa rin ang mahal ko," sabi pa niya na parang wala lang. Sanay na sanay na siya na tawagin akong mahal ko kahit pa nakaharap kami kay Daddy. Ako nalang ang nahihiya sa ginagawa niya. Minsan nga ay magsusungit nalang ako para maka-iwas sa mga tanong nila.

"Nang-aasar ka na naman!"

"Naalala mo ba, ito ang lugar kung saan ka na-inlove sa'kin?" Pagkatapos niyang magsalita ay automatic naman na sinamaan ko siya ng tingin.

Ang kapal! "Baka ikaw iyon? Ayaw mo pang aminin na sinusundan mo ako."

"Ikaw nga ang nagpapapansin sa'kin," pakikipagtalo pa niya.

Lumapit si Jace para humingi ng tubig at para punasan ang pawis niya. Hinila niya si Ezekiel at nagpabuhat 'to sa likod ni Ezekiel pagkatapos ay pinatakbo pa. Nakahanap ng tao na ginawang kabayo.

Nang mapagod na silang dalawa ay nagtatago lang si Jace sa likod ni Ezekiel habang kinakausap ako.

"Thank you, Ate Renren. I love you!" Paulit-ulit niya 'tong sinasabi kaya sinasagot ko siya ng, "I love you too, baby", kahit na ayaw na niyang nagpapatawag ng baby dahil hindi na raw siya baby.

Kung minsan nga ay nagsasalita ako ng "I love you" para kay Jace pero ihaharap niya ang mukha ni Ezekiel na nakangiting nang-aasar naman.

"Thank you lang ba? Nasaan na ang kiss ko galing sa baby ko?" pagbibiro ko kay Jace at kunwaring hinuhuli ko siya para halikan pero dahil natuwa siya ay ayaw niyang magpahuli. Pagkatapos ay umiikot pa siya kay Ezekiel.

"No, Ate! Don't kiss me! Amoy-pawis pa po ako!"

Para kaming nagpapatintero at si Ezekiel ang mga linya na nagmimistulang harang. Pinipilit ko pa rin pero ayaw niyang pumayag kaya naka-isip ako ng kalokohan.

Hinawakan ko sa baba si Ezekiel at hinalikan sa pisngi na ikinagulat naman niya.

"I love you, baby," I said it for Jace but it looks like I am saying it for Ezekiel dahil sobrang focus ang mga mata niya sa'kin.

"Ayaw mong magpahalik sa'kin. Si Kuya Kiel mo nalang ang hahalikan ko."

Seloso pa naman si Jace.

✓ Not Giving Up On Love BOOK 1 (Preview)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora