Chapter 3 - Weird gestures

298 31 81
                                    

Lauren's POV

Gabing-gabi na pero kakauwi ko lang sa apartment galing sa trabaho. Kakaibang pagod ang nararamdaman ko ngayon. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makahiga sa kama ko. Siguradong tulog kaagad ako kapag nadikit na ako sa higaan ko. Magbibihis na nga sana ako pero may kumatok, eh. Sino naman ang matinong tao na bibisita sa'kin ng ganitong oras 'di ba?

Pinagbuksan ko nalang. Gets ko na. Hindi naman pala siya matinong tao.

"Ezekiel, alam mo ba kung anong oras na?" He checked his watch at ngumiti pa.

"Oo naman."

"So? What are you doing here?" I irritably asked.

"Akala ko ba manonood ka ng game?"

"Anong game?" Iyon lang ba ang ipinunta niya rito?

"Iyong kausap mong lalaki kanina 'di ba?"

"Ah, si Vince? Hindi nga ako pwede kasi may work ako. Eh, ikaw... ano'ng ginagawa mo rito?" I asked again. Paano pala niya nalaman kung ano'ng pinag-usapan namin ni Vince?

Sinilip niya iyong loob ng apartment ko. "Hindi mo talaga ako papapasukin?"

Lumabas ako at isinarado ang pinto. "I told you, you are not welcome here, right? Tsaka magulo at walang pagkain sa loob kaya kung mag-uusap tayo ay sa labas nalang."

Pagkatapos ay umupo kami sa upuan na malapit sa apartment ko. Gabi na talaga at hindi ko maintindihan kung bakit napapadalas ang pagpunta niya ng gabi rito. Madalas ay pumupunta siya para mang-asar sa'kin. Mahilig talaga siyang mang-asar kaya hindi ko alam kung ano na naman ang trip niya ngayon. Wala kasing pinipiling oras ang mga trip niya.

Kung pagmamasdan naman si Ezekiel, mukha siya model kaya maraming babae ang naghahabol sa ka-gwapuhan niya. Okay na sana pero naging babaero naman. Required ba talaga na kapag gwapo at habulin ng babae ay papatulan nila? Kung sa mukha lang naman ay hindi naman ako magtataka kung bakit madaming nagkakagusto sa kanya. Walang dahilan ang isang babae para hindi manlang ma-attract sa mukha niya. Kung hindi man gusto ng isang babae si Ezekiel, malamang ay makukuha pa rin niya ang atensyon nito. Ganoon siya ka-gwapo.

I was wondering why he just stares at me. As in nakatitig lang siya sa mukha ko kaya nailang ako. What the heck? Pinuntahan ba niya ako para titigan lang? Siguro naman ay may dahilan ang pagpunta niya rito?

I snapped my fingers on his face. "Ezekiel, what do you want?" pagtatanong ko pa. Pagod na ako, gusto ko na magpahinga ngayon.

"Magkaibigan naman tayo 'di ba?"

I can't tell if this is friendship. "Bakit?" I asked without answering his question. He seems problematic. I don't know what he wants.

"I just want to be with you." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi siya tumawa. Seryoso ang mukha niya. Hinintay ko na bawiin niya ang sinabi niya dahil ganoon naman kaming dalawa. Walang bawian na nangyari, nakatingin lang siya sa'kin. Seryoso ba talaga siya?

"Ano'ng problema mo?" I trembled.

"Wala naman. I just want to be with you," he repeated without breaking an eye contact. What's with him? Hindi naman siya ganito kapag pinupuntahan ako. Ngayon lang siya naging seryoso.

"Bakit?" I asked again.

"I feel like a normal guy when I am with you, Lauren. I just like this kind of friendship with a lady. You know, it's been a while since I had a friend who did not ask for more."

"For more?" naguguluhang tanong ko ulit sa kanya. Naiinis na ako. Sobrang bitin naman niyang magsalita!

"Yes, for more. Everyone is asking for more. Kapag pinagbigyan sa umpisa, hindi makokontento at hihingi pa ng iba," he whined. I can sense that he has a problem but I don't have a courage to ask since we are not that close. All I know is to shout and feel annoyed by his presence.

✓ Not Giving Up On Love BOOK 1 (Preview)Where stories live. Discover now