Fall Thirteen

1K 19 0
                                    

Part Two

SHANTAL LIERA's POV

"He stop playing basketball, when his mom left him."

Napakunot ang noo ko.

"Hindi kayo magkapatid sa nanay?"

Ngumiti sya ng matipid, bago binitawan ang cellphone nya.

"Natatandaan mo ba ang sinabi ko sayo noon? Na nagkaroon ng malaking kasalanan si Daddy kay Mommy?"

Tumango ako ng maalala ko ang sinabi nya sakin nung 25th Birthday nya.

"Yun yung nakabuntis si Daddy ng ibang babae. Ang nanay ni Jiroh."

Bahagyang umawang ang bibig ko dahil sa sinabi nya.

"Noong una, akala namin inilayo talaga samin si Jiroh, pero one time nagulat na lang kami ng may batang natutulog sa labas ng bahay namin. Nakahiga sya sa tapat ng pinto, nakaunan sa malaking bag at may hawak hawak na picture at sulat. Yakap-yakap din nya ang isang bola ng basketball. Thirteen na ako noon at tandang-tanda ko pa ang lahat ng nangyari. Nang mabasa ni Dad ang sulat ay agad nyang kinarga papasok sa bahay si Jiroh, binihisan at pinakain. Pero simula din ng araw na yun...hindi na nya hinawakan ang bola ng basketball. Ayaw na nyang maglaro noon dahil sa nanay nya."

Hindi ako makapagsalita. Ngayon lang nya inopen up ang topic na to pero alam ko na ang kalahating version. Ngayon ko lang narinig ng buo.

"Ang totoo nyan, Shan. Binalikan pa sya ng nanay nya. Bumalik din sya sa paglalaro ng basketball, kaya lang nangyari uli. Iniwan sya uli ng nanay nya, 2 years ago."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang saklap ng pinagdaanan ng estudyante kong to. No wonder kung bakig ganyan ang naging ugali nya.

Tumingin na uli si Lizzy sa cell phone nya. Napatitig ako kay Jiroh na maya-maya ay napatingin din saki pero napatingin din sya sa kaklase nya ng tanggalin ang bola.

I know he urge to play, he's just locked within the past.

"Just a piece of advise, Jiroh. Don't let your life defend on what happen from your past."

Napatingi sya sakin.

Nakatayo na ako sa tabi nya at nakahalukipkip.Wala pa ring ekspresyon ang mukha ko pero titig na titig ako sa mga mata nya.

"Let go yourself from the past, Jiroh."

"Prof!"

Umupo ako sa harap nya at nag-de-quatro.

"Class labas kayo sandali." Sigaw ko sa classroom. Nagtataka man ay sumunod din sila. 
Tiningnan ko uli si Jiroh. Nagtataka na ang ekspresyon nya. Sumandal ako sa upuan.

"Kung gusto mong maglaro, wag mong pigilan ang sarili mo."

Nag-iwas sya ng tingin.

"Hindi ako marunong." Maikling sabi nya.

Napapaltak naman ako at tumayo. Lumapit ako sa pintuan at hinanap ang lalaking kumuha ng bola kanina.

"Give me the ball!"
"But Prof, Jiroh didn't want to see this."
"Just give it to me."

Inabot naman nya sakin at parang naguguluhan sa inaasta ko.

"Shan, what are you doing?" Kunot noong tanong ni Lizzy.
"I will get back the old Jiroh."
"Don't you ever try, Shan. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kap---"
"Okay lang kahit anong mangyari. At least I try."

Pumasok na ako sa classroom at ni-lock ang pinto.

"Bakit dala mo yan?"

Kitang-kita ko kung paano namuo ang galit sa mga mata nya, nanguyom ang mga kamay nya at ang pagtangis ng bagang nya.

Fall For My Hot and Cool ProfessorWhere stories live. Discover now