Fall Thirty Six

204 7 4
                                    

Shantal's POV

Hindi ko na alam kung nasaan ako. Wala akong ibang nakikita kundi ang mga taong naka-lab coat na nagpaparoo't parito. Nagkakagulo sila. Mabilis ang mga kilos.

Ano bang nangyayari? Nasaan ba ako?

Ipinilig ko ang ulo ko sa kaliwa, gusto kong masuka sa nakikita ko. I have killed people before but I can't stand seeing this kind of brutalization.

The woman's stomach was open; her organs are disassembled; her blood was scattered all over her body.

I wanted to puke but I can't move a muscle. I can't feel my body. All I can move was my head. The fuck is happening?

Then, I remember Lizzy. Where the hell is she?

"Go, hide. I will take care of them." I said while assembling my gun.

"P-Pero, ibabalik pa kita kay Jiroh." Mahinang sabi ni Lizzy.

"I will be back on him, Liz. I just want this over."

"B-Baka mapahamak ka." I see a tear drop on her eyes. "Marami nang pagkakataon ang nawala sa inyo. Nang mag-apply ka bilang Professor, pumayag ako agad kasi nagbabaka-sakali ako na kapag nakita mo si  Jiroh, maalala mo siya. Pero hindi iyon nangyari. But, fate did really have his way. Even though you can't  remember each other, you fell in love with each other, again.

"Shan, kahit hindi mo sabihin, kahit hindi aminin ni Jiroh, alam kong mahal niyo ang isa't isa. Nararamdaman ko iyon. Lalo na ngayong naaalala ka na niya—"

"Naaalala niya ako?" Putol ko sa sinasabi niya. Tumango siya na ikinabagsak ng mga balikat ko. "P-Pero hindi ko pa rin siya maalala, Liz. Ayokong humarap sa kanya na hindi siya naaalala. I know, it would hurt him and that's the last thing that I will do to him.

"Kahit hindi ko siya naaalala, pakiramdam ko kailangan ko siyang protektahan. Hindi ko kayang saktan siya, Liz."

"Then go with me. Mas masasakta si Jiroh kung babalik akong hindi ka kasama. Please, Shan, let me bring you home."

"P-Pero hindi tayo makakatakas ng magkasama." Humugot ako ng malalim na hininga bago napatingin sa sugat niya sa tiyan. "Mauna ka na, Liz. Susunod ako."

"Pero—"

"Sige na, Lizzy. Kailangan magamot ng ayos ang sugat mo."

"Pero si Jiroh..."

Bahagya akong luminga sa paligid. Nagtatago kami sa may library ni Daddy. Ilang araw na mula nang makuha nila kami at kanina ko lamang nailigtas si Lizzy. She was being experimented as human-carrier.

Natuon ang mga mata ko sa table ni Daddy. Kahit paika-ika dahil sa dalawang tama ng baril sa mga hita ko, I walk to get the paper and pen.

"Once I said run, you have to run, Lizzy." Mabilis kong tinapos ang mga sinusulat ko at iniabot iyon kay Lizzy. "Give that to Jiroh. Mag-iingat ka, Lizzy."

"S-Shan..."

"Sige na, may mga paparating na. Dumaan ka sa connecting room dito sa library. Nakakonekta iyon sa Maid's quarter. Wala ng tao roon. Mula naman doon, dumaan ka sa back door. Wala na roong bantay. I've killed them so you are safe to go. Promise me, you won't look back, Lizzy. I don't want you to see what will gonna happen."

"Shan..."

"Any seconds now, they will enter this door. So get your ass up and escape."

Hindi nga ako nagkamali. Ilang segundo lamang ay narinig na namin ang tangkang pagpihit sa door knob. Mabilis kong inalalayan si Lizzy papasok sa connecting room. Saktong pagsara ko ng pinto ay siyang pagbukas ng pinto ng library.

Sana ay nakaalis ng ligtas si Lizzy.

Jiroh's POV

"Sir, here are the belongings of the patients."

Iniabot niya sa akin ang isang zip lock. Tumango ako at nagpasalamat. Nasa private room na si Lizzy nitong hospital. Katatapos lang ng operasyon niya. Tumagal din iyon ng apat na oras. Umupo ako sa nakahilerang upuan sa labas ng kuwarto ni Lizzy at inilabas ang mga gamit niya sa zip lock.

Karaniwan lamang naman ang mga naroon. Cell phone, wallet, I.D, ATM, pero isang papel ang nakaagaw ng pansin ko.

I put down all her things and focused my attention on the paper. Binuklat ko iyon at nagulat akong naka-address iyon sa akin.

Jiroh,

Nalaman kong naaalala mo na ako, sinabi sa akin ni Lizzy. I'm sorry, I still don't remember you. I know it would hurt you, butI have to say it.

I want to remember our memories before I face you. You are special to me, Jiroh. I may not remember you as my boyfriend, but you still hold a special part in my heart. I will come back to you, don't worry. I have to face my father and deal with him to stop his wrong doings and for us to live in peace.

Always remember that being your Professor, being your girlfriend, you still hold my heart.

I want you to break this code, my king. I know I said that I have to face him alone but I need you, my king. I need you. So, please break this code and come to me. Hindi ko na kayang mag-isa.

-Your queen,
Shantal.

Sa baba noon ay nakasulat ang sunod-sunod na dash and dots. I know this code but I don't know how to solve it.

Ano kaya ang ibig sabihin nito?

– •••
• –
•••

- -

–•

••- - -
•••- -
–••••
- - -••
- -•••

Bakit naman kasi hindi na lang sinulat by words ni Shantal? May pa-codes codes pa siyang nalalaman. Alam naman niyang hindi ako marunong masyado sa codes e.

Well, Shantal is Shantal. She always wants thrill. Hays, I should ask Cris and Gelly to crack this code.

Fall For My Hot and Cool ProfessorWhere stories live. Discover now