Fall Twenty Five

846 20 0
                                    

JIRO's POV

"Jiroh! Jiroh!"

Naalis ang tingin ko sa natutulog na si Shantal nang marinig ko ang mahinang sigaw ni Lizzy.

Kahit si Nanay ay napabalikwas ng bangon dahil sa inasta nya.

"What?" I ask

"Ano to?" Itinaas nya ang mga hawak nyang papel. Napabuntong hininga na lang ako at muling tiningnan si Shantal.

"Jiroh, you can't do this to her." Hindi uli ako umimik.

Anong oras kaya sya gigising? She've been sleeping for more than a half day since that session.

"Jiroh, ano ba? Bakit ginawa mo yun?"

"Aba'y, Lizzy. Ano gang sinasabi mo? Hinaan mo ng kaunti ang iyong boses. Natutulog si Shantal." Saway ni Nanay.

"Sorry, Tita!" Bahagyang itinulak ni Lizzy ang balikat ko. "I can't believe you can do this, Jiroh. She is my friend, she's your prof---"

"Not anymore, Lizzy!" I firmly said that made her gasp. "I like Shantal. So much. You're asking why did I that? Because I like her and I can't stand seeing her cry because of that Santi." I glare at her.

"H-How could you, Jiroh?"

"Just ride on this, Lizzy."

"No! I can't do--"

"Yes, you can!" Tumayo ako at hinarap sya. "Wether you like it or not, you will."

"Ji-"

"No other words, Lizzy!" I cut her.

Magsasalita pa sana sya ng mapatingin sya sa kama ni Shantal. Tiningnan ko rin iyon at nakita kong unti-unti na syang nagkakamalay. I give Lizzy a warning look just in case she do something.

"Hey!" I greet her as her eyes comes open.

She confusedly look at me. "W-Who are you? Where I am? What happen to me?" Sunod-sunod na mahina nyang tanong.

"Shantal, look at me!" I said while smiling. She look at me, directly at my eyes. "It's me, Jiroh."

"I-I'm sorry, I can't remember you. What happened to me?"

"You were involve in a car accident that's why you're here at the hospital." I lied. I need to do this.

"Car accident? Paano.. Paano ako naaksidente? S-Sino ka ba? Sino kayo?"

"Yeah, na-involve ka sa isang car accident two weeks ago. Ngayon ka lang nagising. Hindi mo ba ako natatandaan?"

I need to feed her lies. I have to do this, in my will and her father's sake.

"I-I'm sorry."

"It's okay. Let me tell you this, okay." She nodded. "I am Jiroh Chaze Hellburg, I am your fiancé."

LIZZY's POV

Iniiwas ko ang tingin ko ng marinig ko ang sinabi ni Jiroh kay Shantal. Fiancé my ass!

"You are my fiancé? I can't remember you." Tumingin uli ako kay Shantal,  nakaupo na sya, nakasubsob sa mga tuhod nya ang mukha nya at nakaupo sa tabi nya si Jiroh.

"It's okay, Shan. It's normal. Nagkaroon ka ng Partial Amnesia after the accident."

Partial Amnesia? Ang galing gumawa ng kwento.

"Hi!"  Pang-aagaw ko ng atensyon. She confusedly look at me. Jiroh throw a warning look on me.

I sighed and smile at her. "D-Do you remember me?" I hopefully ask. Agad bumagsak ang balikat ko ng dahan-dahan syang umiling.

Fvck, Jiroh! I really, really hate you!

"She is my half sister, Shan! She is Lizzy Hellburg." Jiroh said, he's still glaring at me.

"Ahm hindi ko man natatandaan pero, hi Ate Lizzy!" Binigyan nya ako ng alanganing ngiti.

Tumulo ang luha ko kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin at pasimpleng pinunasan ang luha ko.

She is not my sister-friend anymore.

"And there, she is my Nanay Mildred." Dinig ko pang sabi ni Jiroh.

Tumingin ako kay Tita pero isang ngiti lang din ang ibinigay niya kay Shantal.

"Ahm, Shantal. Kain ka muna ha, may pag-uusapan lang kami sa labas." I said smiling.

"S-Sige, Ate."

Napabuntong hininga si Jiroh. Hinalikan nya sa gilid ng noo si Shantal, bahagya pa syang napaatras dahil sa ginawa ni Jiroh.

Ipinaghanda muna nya ng pagkain si Shantal bago kami lumabas.

"What now?" He ask irritatedly.

"Anak, ano gang ginagawa mo? Aba'y kahit hindi ko naiintindihan ang sinabi mo, wari ko'y nagsisinungaling ka." Puna ni Tita.

"Nanay, kailangan kong magsinungaling."

Agad nangunot ang noo namin ni Tita. "At bakit kailangan mo? Jiroh, nagpapatawa ka ba sa mga sinasabi mo sa kanya. Ikaw? Fiancé nya, eh ni hindi ka nga gusto ng kaibigan ko."

"Lizzy will you please shut up!"

"Jiroh, anak. Ayos naman si Shantal kanina eh. Ano gang nangyari at tila limot nya ang lahat?"

"Hypnotism, Tita!" Ako na ang sumagot.

"Hypnotism? Di ga'y ginagawa iyon para mapasunod ang isang tao?"

"Ibang hypnotism ang ginawa nya, Tita! Hinipnotismo nya si Shantal para makalimot. Kung isang doktor sa utak ang kakausapin, sasabihin nya na madaling talaban nito si Shantal dahil sa stress na pinagdaan nito." Tiningnan ko si Jiroh na nakayuko. "Jiroh, please! H'wag mo namang gawin to kay Shantal."

"Kailangan ko tong gawin, Lizzy, Nanay." Tiningnan nya kami sa mata. "Nang makalabas tayo sa builiding na iyon at nailigtas ang tatay nya, pinakiusapan nya ako."

"A-At ito ang gusto ni Tito? Ang makalimutan nya ang iba nyang nakaraan at pakainin mo sya ng kasinungalingan? Jiroh, kasama sa mga hindi nya maaalala ay ang mga alaala nila ni Santi. Importante sa kanya iyon."

"Yan, isa pa yan!" Naiiling na sabi nya. "H-Hindi ko na rin kayang makita syang umiiyak dahil sa Santi na iyon kaya naman, please. Just.. Just ride on this. Please!"

Si Jiroh ay yung tipo ng taong hindi marunong humiling at magmakaawa. Ito ang unang beses na ginawa nya to.

"Please, just ride on this. Please..Ate!"

Nakagat ko na lang ang labi ko sa tinawag nya sa akin.

"Please!"

"A-Anak, mali itong ginagawa mo."

"Alam ko, Nanay! Pero ito ang gusto ng Daddy, pinakiusapan nya ako at Nay, gusto ko rin to. B-Baka dito, baka sa paarang to,  magustuhan na ako ng babaeng gusto ko!"

"Pero, anak, mali pa rin."

"H-Hayaan mo na, Tita! Just take care of her, Jiroh. Hindi ko gusto tong ginagawa mo, pero ito ang pakiusap ni Tito kaya papayag ako."

"Salamat, Ate!"

Nagmamadali syang pumasok uli sa kwarto ni Shan.

Alam kong mali, pero kung ito ang gusto ni Tito, gagawin ko.  Hindi ko rin alam ang gagawin ko pag naalala nya ang tungkol kay Timmy. At mukhang hindi ko rin kakayanin na makita ko uli umiiyak si Shantal dahil Santi.

Ayos lang naman siguro. P-Pero parang niloloko ko na rin ang nag-iisang kaibigan ko.

Sumilip ako sa kwarto ni Shantal. Medyo komportable sya sa tabi ni Jiroh dahil ngumingiti ito na parang wala syang pinagdaanang mabigat.

Sana lang ay mapatawad nya kami kapag naalala nya na ang lahat, kapag nawalan na ng bisa ang hipnotismo sa kanya.

I'm sorry, Shan! Ate Lizzy will lie on you!

Fall For My Hot and Cool ProfessorWhere stories live. Discover now