Chapter 36

176 49 17
                                    

Kyrie

   Hindi talaga ako makapaniwala na may surprise sila para sa akin.

   "Akala ko ba bruh di nila alam?" Tanong sa akin ni Al pero nanatili lang akong nakatayo.

   "Kuya, blow mo na yung candle." Sa sinabing yun ni Sam ay natauhan ako. Hinipan ko naman yung candle sa cake.

   Binasa ko yung nakasulat sa cake at napatingin kay Eros. Agad ko syang niyakap dahil sa nabasa ko.

   "Oh god, akala ko talaga nakalimutan mo yung okasyon ngayon." Hinalik-halikan ko pa yung ulo nya.

   "Pwede ba yun?" Gumanti sya ng yakap sa akin.

   "Kayong dalawa huh, sobrang natouch ako sa ginawa nyo." Kinurot ko pareho yung pisngi nila ni Sam.

   "Ouch!" Sabay naman nilang sabi.

   "Kaya pala ayaw mo akong isama hon ah." Sabi ni Al kay Sam.

   "Oo, dahil madaldal ka!" Inirapan nya naman si Al.

   Napatingin ulit ako sa table. Konti lang ang handa pero sobrang napasaya naman nila ako. Well appreciate it. Lalo na yung effort nila.

   "Ikaw huh, may nalalaman ka pang bibili ng project." Baling ko kay Eros.

   "Syempre, echos lang yun." Nagsmirk pa sya sakin.

   "O sya, kumain na tayo." Masayang alok ko sa kanila.

   Masaya naming pinagsaluhan yung mga pagkain. May napansin lang ako kay Eros.

   "Ayaw mo ng cake?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi sya napansin na kumain nun.

   "Sige lang." Nakangiting sabi nya.

   "Kunwari pa yan kuya. Di yan nakain ng cake." Pambubuking sa kanya ni Sam.

   "Ah, talaga?" Di ako makapaniwala sa sinabi ni Sam. Kaya pala never ko syang nakitang kumain ng cake. Mukhang marami pa akong hindi alam sa kanya ah.

   "Yes kuya. She don't like donuts too." Dagdag pa ni Sam.

   "Really?" Unbelievable! Kaya pala inaaya ko syang kumain ng krispy-kreme pero ayaw nya. Mas pinili nyang sa iba kumain.

   "Ikaw babae ka, sarap busalan ng bunganga mo. Magjowa nga talaga kayo. Parehas madaldal." Sabi nya kay Sam.

   "O, bat nadamay na naman ako dyan? Nananahimik ako dito." Angal naman ni Al sabay subo ng pansit.

   "Hahaha." Sabay-sabay naming tawa.

   "But seriously speaking, di ka talaga nakain ng cakes and donuts?" Tanong ko kay Eros.

   "Uhm, ano... nakain naman kaso...." Di nya natapos yung sasabihin nya ng barahin sya ni Sam.

   "Liars go to hell besh, as you always said." Natatawang sabi ni Sam.

   "Okay, okay." Hands up na sabi ni Eros. "Ayoko lang talaga."

   "Ah, pwes ngayon di pwedeng hindi ka kakain." Sabi ko sa kanya sabay subo sa kanya ng cake na galing sa platito ko. Halatang napilitan lang syang isubo iyon.

   "Diba, masarap naman ah." Sabi ni Sam sa kanya. "Ewan ko ba sa babaeng yan, kung ano yung masarap yun yung ayaw nya."

   "Basta, di ko trip ang cake." Sagot nya sabay inom ng tubig.

   Nagpatuloy kami sa pagkain. Apat lang kami pero sobrang ingay ng bahay. Idagdag mo pa yung lakas ng tawa ni Eros.

   Nang matapos kami ay sila Sam na ang naiwan sa kusina para magligpit ng mga pinagkainan namin. Kinuha naman na namin ni Al yung mga alak sa ref at dinala iyon sa gilid ng pool.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Where stories live. Discover now