Chapter 82

75 44 12
                                    

Third Person's POV

   Pagkagaling sa school ay diretso kaagad si Lei sa hospital para bantayan si Kyrie. Nagdala na lang sya ng kanyang mga damit para doon na lang sya magbibihis.

   Naabutan nya si Asia sa loob ng kwarto ni Kyrie kaya kaagad nyang binati iyon.

   "Good evening ate. Nagising na po ba si Kyrie?" Tanong nya rito.

   "Hindi pa eh." Malungkot na sagot nito.

   Simula nang isinugod si Kyrie dito sa hospital ay hindi pa rin ito nagkakamalay. Tatlong araw na syang tulog. Pasalamat pa rin sya at hindi nagcrack yung bungo ni Kyrie sa lakas ng pagkakabagok nito. Nilapitan nya ito at masuyong hinaplos ang pisngi nito. Yumuko sya at hinalikan ito sa mga labi.

   Naiiyak na naman sya kaya niyakap nya kaagad ito at umiyak sa dibdib nito.

   "Gising ka na kingkong. Namimiss ko na yung boses mo. Sobrang nag-aalala na ako sayo. Gumising ka na." Iyak nya rito kaya nilapitan na sya ni Asia at kinuha para yakapin.

   "Magbihis ka na muna Lei. Alam ko pagod na pagod–"

   "Hindi ate, hinding-hindi ako mapapagod para kay Kyrie." Putol nya sa sasabihin nito. Tumango-tango lang naman ito at hinawakan sya sa magkabilang balikat.

   "Masayang-masaya ako at ikaw ang napangasawa ng kapatid ko. You are one of a kind." Sincere na sabi nito sa kanya at niyakap pa sya ulit. "Sige na Lei, magbihis ka na muna. Bibili lang ako ng pagkain natin." Tumango lang naman sya kaya lumabas na si Asia ng ward.

   Paglabas nya ay humila sya kaagad ng upuan palapit kay Kyrie. Hinawakan nya ang kamay nito at hinalik-halikan iyon.

   "Daddy alam mo ba, bati na kami ni Penelope." Kwento nya rito kahit wala itong malay. "Nakalimutan kong ikwento sayo, sorry. Ngayon ko lang naalala." Tumawa pa sya. "Inaasar nga namin sya palagi kay Steven eh. Saka alam mo ba, nabawi ko na rin yung dati kong grades, mas tumaas pa nga eh kasi tinutulungan mo ako." Ngumiti sya ng mapait at nagpahid ng mga luha.

   "Kaya daddy, gumising ka na. Sabi mo kapag nabawi ko yung grades ko papasyal tayo sa Japan kasi gusto ko maexperience yung cherry blossoms don." Tinitigan nya si Kyrie kung gagalaw pero wala pa rin itong katinag-tinag kaya inuga-uga nya ito. "Kyrie, please gumising ka na." Sa sobrang panlulumo nya ay hindi nya napapansin na napapalakas na yung uyog nya kay Kyrie.

   "Besh!" Rinig nya ang boses ni Sam at may humila sa kanya.

   "Anong ginagawa mo kay kuya?!" Gulat na gulat na tanong nito.

   "Ginigising ko." Ngumiti pa sya dito. "Pinagtitripan na naman nya kasi ako eh, alam kong gising na sya eh." Parang wala sa sariling sabi nito. Akmang lalapitan na naman nya si Kyrie nang awatin na sya ni Al.

   "Lei, stop." Sabi ni Al, awang-awa sya kay Lei pero wala naman itong magagawa.

   "Hindi kuya gigisingin ko lang. Pumayat na sya oh, hindi kasi sya nakakakain." Umiiyak na sabi nya.

   "Besh, tama na." Umiiyak na rin si Sam at niyakap ang kanyang kaibigan.

   Umiyak na lang si Lei sa balikat ng kanyang kaibigan. Dumating naman si Asia na nagtataka sa nadatnan. Sinenyasan na lang ito ni Al kaya nagets nito yung nangyayari.

   "Kumain na muna tayo baby Lei." Masuyong sabi ni Asia at inalalayan nya itong umupo sa tapat ng maliit na mesa.

   "Kayo, kumain na ba kayo? Di ko alam na pupunta kayo kaya pangdalawa lang tong nabili ko." Kausap ni Asia sa dalawa.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Where stories live. Discover now