Chapter 49

118 45 28
                                    

Lei Eros

   First time kong makarating dito sa Siargao. Hindi ko mapigilang hindi maamazed sa lugar na ito. Palinga-linga ako sa paligid. Kapag may nakikita akong magandang tanawin ay kinukuhanan ko iyon ng picture.

   "Besh!!!" Tawag sa akin ni Sam kaya napalingon ako sa likuran ko.

   "Why?" Makatawag naman ang isang to.

   "Pose ka jan. Kunyari model ka." Excited na sabi nya. Ako naman syempre, game din ako sa ganyan.

   Ganun din naman ang ginawa ko sa kanya, ginawa ko rin syang model. Nagkakakatuwaan kaming dalawa nang makita naming papalapit sa amin yung dalawang bakulaw. Napapatingin sa kanila yung bawat taong madaanan nila dahil nga kasi sikat sila. Hindi rin maiwasang may nagpapapicture sa kanila.

   "Aba, ang bruha kulang na lang magpabuhat kay kuya." Iritang sabi ni Sam. Nakita ko rin naman kasi, halos magpabuhat na yung babae sa asawa ko kung makayakap.

   "Zup beautiful ladies." Nakangiting bati sa amin ni kuya Al.

   "Beautiful mo yang mukha mo!" Inirapan sya ni Sam. Umakbay naman sa akin si Kyrie.

   "Ano na namang problema hon?"

   "Problema? Mukhang enjoy na enjoy ka sa mga babae dun eh."

   "Ah, selos naman pala eh." Sabat ni Kyrie sa sagutan nila.

   "Hindi ah." Tanggi naman ni Sam.

   "Wag ka na magalit hon, ikaw naman ang love ko eh." Niyakap pa sya ni kuya Al.

   "Telege?" Pabebeng sabi ni Sam kaya nagtawanan kami.

   "Baliw. Ikain mo na lang yan hon." Kinurot pa ni kuya Al yung ilong ni Sam.

   "O, bat nakangiti ka dyan?" Puna sa akin ni Kyrie.

   "Natutuwa kasi ako sa dalawa eh."

   "Tara na, kumain na tayo at mamamasyal pa tayo." Aya sa amin ni Kyrie.

   Magkahawak kamay kami ni Kyrie habang naglalakad at ganun din sila Sam.

   "Nice one Kyrie! Wooh!" Sigaw ng isang lalaki kaya napatingin kami. Sinaluduhan lang sya ni Kyrie.

   "Wow, ang gaganda naman ng mga kasama nyo. Sana all!" Kinikilig naman na sabi sa amin ng grupo ng mga babae. Nginitian lang namin sila.

   Nagulat ako ng may isang babae na humarang sa mismong harapan ko. Tinitignan nya ako ng maigi.

   "Totoo nga, ang ganda mo nga talaga." Ngiting-ngiti na sabi ng babae sa akin.

   "Salamat po, maliit na bagay." Sagot ko.

   Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kung anu-anong naririnig namin sa paligid.

   "Totoo nga, may jowa na si Kyrie."

   "Yan na ba yung girlfriend nya?"

   "Bata pa pala yung babae."

   "Nakakainis naman may girlfriend na talaga sya."

   "Di yata artista yung babae eh."

   Yan yung mga naririnig namin sa paligid. Hindi na lang namin iyon pinansin.

   Nang makarating kami sa room namin ay nakita namin na nakahanda na yung mga pagkain sa lamesa.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Where stories live. Discover now