Chapter 80

80 44 9
                                    

Third Person's POV

   Pababa na sila Lei at Sam sakay ng kotse ni Steven, break time kasi nila kaya lumabas sila para kumain. Ngayon ay nandito na ulit sila sa school. Naghahanap ng space si Steven para sa paglalagyan ng kanyang kotse.

   "Is that Penelope?" Turo ni Sam kaya sinundan ni Eros ng tingin yung tinuturo nito. Si Penelope nga, may kasama itong may edad na babae at lalaki. Mukhang pinapagalitan sya.

   Nang maipark na ni Steven yung kotse nya ay kaagad na silang bumaba. Napahinto naman sila nang marinig ang sigaw ng lalaking kausap ni Penelope.

   "Malas ka talagang babae ka, puro kahihiyan na lang ang ibinibigay mo sa amin!" Rinig na rinig nila ang sigaw nito kaya napahinto sila sa paglalakad.

   "Dad, sorry po." Umiiyak na sabi ni Penelope kaya napatanga sila. Ngayon lang kasi nilang nakitang ganyan ang dalaga. Parents pala nito yung kasama nya.

   "Anong magagawa ng sorry mo? Puri sakit ng ulo na lang ang binibigay mo sa amin." Sigaw ulit ng daddy nito, malamang napaaway na naman ang dalaga kaya nandito ang magulang nya.

   "Mabuti pa ang ate mo, matataas ang grades! May pakinabang pa sa bahay." Pagalit pa nito. Napakunot naman ang noo ni Lei dahil sa kanyang narinig.

   "Puro na lang si ate, si ate na laging magaling, matalino at may pakinabang. Dad, anak nyo rin ako." Puno ng hinanakit na sagot ni Penelope.

  "Aba, bastos ka ah! Sumasagot ka na ngayon." Napapikit na lang ang dalaga nang makitang umangat yung kamay ng kanyang ama at hinintay na dumapo iyon sa kanyang mukha pero hindi iyon nangyari dahil may humarang sa kanya. Dahan-dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata at ganon na lang ang gulat nya nang makitang si Lei ang tinamaan ng sampal.

   "Sir, pasensya na po kung manghihimasok po ako pero sa tingin ko po ay hindi po tamang sakta ng sariling magulang ang kanilang anak." Natulala sya sa sinabi ni Lei. Napalingon sya sa kaliwa nya at nakita nyang nandun rin sila Sam at Steven, nakamasid sa nangyayari.

   "Anong pakialam mo dito babae? Ako ang magulang kaya alam ko kung ano ang gagawin ko sa anak ko. At wag mo akong pakikialaman sa pagdidisiplina sa anak ko." Namumula ang daddy nya sa galit ngayon kay Lei.

   "May magulang rin po ako pero never nila akong sinaktan. Kapag may nagawa man po akong mali ay kinakausap po nila ako ng maayos at pinagsasabihan. Sa tingin nyo po sir, bakit ganyan si Penelope? Dahil po yan sa inyo, kung naging patas lang po kayo sa pagtrato sa kanilang magkapatid ay hindi na po sana nagrebelde ang inyong anak. Nagagalit kayo na naging bully ang anak nyo, eh ang sarili nyang magulang mismo ay binubully sya."

   Natahimik naman ang kanyang ama dahil sa mga sinabi ni Lei.

   "Mag-uusap tayo mamaya sa bahay Penelope!"Mariing sabi ng kanyang ama sabay sakay sa sasakyan kasama ang kanyang ina.

   Matagal nang nakaalis ang kanyang magulang ay nakatayo pa rin silang apat sa parking lot, walang nagsasalita sa kanila. Napasulyap sya kay Lei at nakita nyang namumula pa rin ang pisngi nito.

   "A-ayos ka lang?" Nahihiyang tanong nya kay Lei.

   "Yeah, I'm fine." Napatulala naman sya dito dahil nagagawa pa nitong ngumiti sa kanya sa kabila ng mga ginawa nya rito.

   "Ikaw, ayos ka lang ba?" Tanong rin nito sa kanya.

   "O-oo. Salamat." Mahinang sagot nya.

   "Naku, wala yun." Ngumiti ulit ito sa kanya.

   "Nakakahiya, nakita nyo pang pinapagalitan ako ni daddy." Naiiyak na sabi nya.

   "Naku, wala kaming nakita. Promise!" Si Sam naman iyon at nakangiti rin ito sa kanya. "Diba Steven, may nakita ka ba?" Baling pa nito kay Steven.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Where stories live. Discover now