Chapter 77

78 44 15
                                    

Kyrie

Nagising ako nang medyo okay na ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa misis ko, sa upuan iyon nakatulog habang nakasubsob yung ulo sa kama at hawak ang isang kamay ko.

Sobrang nagiguilty talaga ako ngayon sa nagawa ko sa kanya. Tumingin ako sa orasan at nakitang pasado alas kwatro na. Nagdadalawang isip akong gisingin sya dahil may pasok sya ngayon sa school. Alam kong wala syang maayos na tulog dahil pagising-gising sya para painumin ako ng gamot minomonitor nya rin yung temperature ko.

Narinig ko namang may tumunog kaya hinanap ko kung saan iyon. Gumalaw naman si Eros at pupungas-pungas na pinatay yung alarm ng phone nya, nasa isang kamay nya pala iyon. Napatingin naman sya sa akin.

"Morning Kay, nagising ka ba ng alarm?" Malambing na sabi nya.

"Hindi naman. Kanina pa ako gising." Pag-amin ko.

"Inom ka na ng gamot." Sabi nya sa akin at kinuha yung tablet saka yung tubig. Inabot nya iyon sa akin.

"Thank's. "Sabi ko nang mainom ko ang gamot.

"Kumilos ka na at baka malate ka sa school. Okay naman na ako." Sabi ko sa kanya.

"Bukas na lang ako papasok." Pagtanggi nya.

"No. Papasok ka ngayon, wag matigas ang ulo. Okay na ako."

"Pero..." Nakanguso nyang sabi kaya hinila ko sya paupo sa tabi ko.

"I'm okay now, magaling ata ang nurse ko." Lambing ko sa kanya sabay haplos sa pisngi nya.

"Sige na nga." Malungkot na sagot nya. Tumayo naman sya pero kaagad din bumaling sa akin at hinalikan ako sa labi.

"I forgot to kiss you." Sabi nya at nginitian pa ako bago lumabas ng kwarto. Napangiti naman ako sa kanya.

Pumikit na lang ulit ako para matulog kaso nakabalik na lang lahat si Eros ay gising pa ako. May dala na rin syang tray ng pagkain.

"Daddy, almusal ka na at maliligo na ako." Sabi nya sa akin habang ipinapatong ang tray sa lamesa. Bumangon naman ako at lumapit sa sala.

Napangiti naman ako nang makitang sopas iyon. Sa gilid ay may isang pirasong saging at may gatas na naman.

Narinig kong tumunog pasara yung pinto ng banyo. Maliligo na sya malamang. Binuksan ko yung tv habang kumakain ako.

Nang matapos ako kumain ay nilinis ko yung pinagkainan ko at inilagay iyon sa tray. Ako na rin ang nagbaba niyon sa kusina.

"Hijo, bakit ikaw ang nagbaba nyan? Asan si Lei?" Kunot-noong tanong ng daddy ni Eros.

"Good morning po." Bati ko sa mag-asawa. "Okay lang dad. Naliligo po." Magalang na sagot ko.

"Good morning din." Sabay rin nilang bati sa akin.

"Sige hijo, iwan mo na lang yan dyan at ako nang bahala dyan." Sabi naman sa akin ng mommy ni Eros.

"Ako na po." Sagot ko at inumpisahan nang hugasan yung mga pinagkainan ko.

"Naku hijo, okay ka na ba?" Concern na tanong ng mommy ni Eros.

"I'm better now, mom."

"Good to know that." Nakangiting sagot nya.

"Kyrie, pagpasensyahan mo na ako. Kung hindi dahil sa akin hindi ka sana nagkasakit." Hinging paumanhin ng daddy ni Eros.

"Wala po yun dad, wala ka pong kasalanan." Sagot ko habang nagpupunas ng kamay.

Nakipagkwentuhan pa muna ako sa kanila bago ako ulit umakyat sa kwarto. Naabutan ko namang nagsusuot na ng medyas si Eros.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Where stories live. Discover now