Chapter Six

3.9K 76 1
                                    

⬛ADDIE⬛

I let out a sigh at saka sumandal sa kinauupuan ko na swivel chair, tumingin naman ako sa orasan and I saw that its already 5:00 pm.

Wow, time flies so fast, sa pagkakatanda ko 8:00 am ako nagsimula.

I stretched my body at sakto namang nag-ring ang telephone na nasa gilid ng mesa ko. I sighed again at saka sinagot iyon.

"CEO Addison Walker speaking" I said at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya.

Kumunot naman ang noo ko ng walang sumagot.

"Hello?" I asked pero hindi pa rin ito sumagot. "What the fuck do you want!?" Galit na tanong ko, this person is wasting my precious time!.

Naaasar na binaba ko ang tawag at huminga ng malalim, this past few weeks ay mas naging bugnutin ako dahil lagi akong kulang sa tulog.

Sa kadahilanang, una ay nagsabay-sabay bigla ang paperworks ko.

Pangalawa ay hindi ako tinatantanan ni Zaim kaka-text, kaka-PM, kaka-DM ng mga corny na banat niya. Kaya kinailangan ko talagang patayin ang cellphone ko.

Nag-ring ulit ang phone ko at sinagot ko naman ulit iyon.

"Hello?" I asked at may narinig naman akong kalusko sa kabilang linya. "Ikaw ba yung tumawag kanina? pwes wala--" I said pero kaagad na naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang kumanta

"I just called to say I love you~~" He sang at kilalang-kilala ko kung kanino ang boses na iyon.

"What the fuck Zaim!?" Naiinis na tanong ko and he chuckled.

"Hehe, Hi Addie my love so sweet! kamusta ka na? kumain ka na ba?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Tigilan mo ko Zaim, wala ako sa mood" I said.

"Ang ganda mo ngayon, no scratch that. Ang ganda mo everyday" Pambobola nito and I rolled my eyes.

"Anong kailangan mo?" I asked

"Date tayo?" He asked, I pursed my lips at saka ibinaba ang tawag. Bahala siya sa buhay niya.

Nag-ring ulit ang phone ko at sinagot ko ulit iyon.

"No Zaim, hindi ako makikipag-date sayo kaya tumigil ka na kakatawag" I said

"Woah Addie, kalma lang" Kumunot naman ang noo ko ng ibang boses ang marinig ko.

"V-victor? w-why did you call?" I asked.

"Okay ka lang?" He asked

"Yeah, sadyang may asungot na tawag ng tawag sa akin" I said, alam kong nakikinig si Zaim sa tawag namin ngayon, that guy!

"Well, I just called because I want to discuss something important about my contract, are you free today?" He asked

"Yeah, I'm free" I said

"Okay good, nasa elevator na ako ng building mo. Sa conference room na lang tayo magkita?" He suggested.

"Sure, I'll see you" I said at saka ibinaba ang tawag at tumayo na sa kinauupuan ko. Kinuha ko naman ang blazer na nakasabit sa rack at masamang tumingin sa kabilang building.

Kanina pa kasi ako nakakaramdam na may nakatingin sa akin, and I know na isa na naman sa shenanigans ni Zaim iyon.

Lumabas ako ng office ko at sakto namang nakasalubong ko si Patrick na siyang assistant ko.

"Oh bakit?" I asked

"Ma'am sira po kasi yung CCTV sa conference room and I heard na gagamitin niyo daw po" He said

"No worries si Victor lang naman ang kakausapin ko. Sige na, I'm going" I said at saka lumakad na papunta sa conference room.

Nang makarating na ako sa tapat ng pinto nuon ay pumasok na ako at umupo sa pinaka-dulong upuan kung saan ako usually na umuupo kapag may meeting.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto, tumingin ako sa pumasok and I saw Victor.

Wearing janitor's uniform?

"What--" I asked pero kaagad na naputol iyon ng tinakpan niya ang bibig ko gamit ang bimpo na hawak niya.

I looked at his face and I can see that he's high.

"Mmm!" I said at nanlaban sa hawak niya pero mas malakas siya sa akin.

"Shhh, shut your mouth Addie. Mabilis lang to" He said at kinilabutan naman ako sa tono ng boses niya.

Then I felt a prick in the side of my neck at maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagbigat ng katawan ko.

I leaned into him kahit na ayaw ko, I can feel his nose skimming through my neck and he chuckled humorlessly.

"Give up Addie, your time has come." He whispered.

Zaim! help me! I screamed in my mind at naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko.

Help me...








⬛ZAIM⬛

Kumunot naman ang noo ko ng hindi ko matawagan ang linya ng telepono ni Addie. Okay? may iba ba siyang kausap?

Ibinaba ko ang telepono na hawak ko at napasandal sa kinauupuan ko. Hindi ko matawagan ang cellphone niya dahil nakapatay iyon.

Malamang dahil iyon sa akin.

Nag-type naman ako sa computer ko at lumabas ang call history ng telepono ni Addie at kumunot ang noo ko ang may isang telephone number duon na galing sa isang payphone.

I clicked it at lumabas naman sa mapa kung saan iyon naka-locate. Sa labas lang ng office ni Addie.

Who's that?

Tinawagan ko naman ang assistant ni Addie na si Patrick, he's a former member of my army.

"Yes Sir?" Patrick asked

"Nasaan si Addie?" I asked

"Nasa conference room po Sir kasama si Victor" He said at uminit naman ang ulo ko.

"Mga anong oras siyang lumabas ng office niya?" I asked

"Around 5:30 sir, bakit po? 911 na po ba?" He asked. Nag-type ulit ako sa computer ko at lumabas naman ang encoded na usapan ng gumamit na iyon.

My eyes narrowed ng makita ang isang pangalan.

Victor.

He's a well-known artist, why did he use a payphone?

"Check the conference room now." Utos ko at saka ibinaba ang tawag. Kaagad naman na tumayo ako at kinuha ang baril ko at isinuksok sa holster.

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari.

Kaagad na lumabas ako sa bahay at dumiretso sa kotse. Inilagay ko naman ang cellphone ko sa cupholder bago nagsimulang mag-drive.

"Jude II, nasaan na yung information about kay Victor?" I asked.

"Sir, I found out that he has a bones in his closet" It said

"What do you mean?" I asked again

"Its a literal bones Sir, he loves collecting bones from girls at nakatago iyon sa closet niya. To be specific, he is a psychopath Sir." Jude II answered at napamura naman ako.

Nag-ring ang phone ko and I swipe the answer icon ng makita na si Patrick iyon.

"I checked the whole room but she's gone Sir."

xxxxxxxxxxxxx

Woot! woot!

His Series #7: Zaim FalconWhere stories live. Discover now