Chapter Thirty-Five

2.9K 70 0
                                    

ADDISON'S POV
 
Binuksan ko naman ang sliding door papunta sa may swimming pool, trip ko kasi mag-swimming ngayon. Nang makalabas na ako ay kaagad na inilipag ko ang tuwalya na dala ko at umupo sa may gilid ng pool at inilublob ang paa ko.
 
Ayaw kasi ako palabasin ng mestisong hilaw na iyon, sabi niya delikado daw. And I really don't get it.
 
Ano ba kasi talagang nangyari?
 
I let out a sigh at saka tuluyan ng bumaba sa swimming pool, bigla naman akong kinabahan at napahawak sa gilid. Bakit ako kinakabahan?
 
I took a deep breath at sinubukang alisin ang kaba ko, for pete's sake. Magsu-swimming ka lang Addie, hindi ka naman malulunod!
 
Sinubukan ko namang lumakad pero biglang nangatog ang mga binti ko kaya napahinto din ako.
 
Bakit all of the sudden bigla akong nagkaroon ng trauma sa mga swimming pool?
 
Kinapos naman ako sa hininga at nakaramdam naman ako ng pagkahilo.
 
"ZAIM!" I screamed habang mahigpit naka-kapit sa gilid ng pool at hinahabol ang hininga ko. "ZAIIIM!" I screamed louder.
 
Kasunod naman ng pagkahilo ay ang kawalan ko ng balanse, biglang bumigat ang buong katawan ko. Sinubukan ko namang lumangoy para umahon pero hindi ako nagtagumpay.
 
Mayamaya ay may humila sa akin para makaahon ako and I saw the worried face of Zaim. He cupped both of my cheeks.
 
"Look at me Addie." He said at tumingin naman ako sa kanya. "Good girl, now take a deep breath for me." He said softly at sinunod ko naman iyon.
 
Nang bumalik na sa normal ang paghinga ko ay kaagad na niyakap ako ni Zaim.
 
"W-what is happening to me?" I asked quietly.
 
"Let's get out you from here." He said, he gripped my thighs at ipinalibot iyon sa bewang niya bago siya lumakad papunta sa hagdan ng pool at inialis ako duon.
 
Iniupo naman niya ako sa isa sa mga beach chair na nanduon at saka lumuhod siya sa harap ko.
 
"What happened?" He asked at saka kinuha ang tuwalya ko na nasa isang tabi at saka inilagay sa balikat ko.
 
"H-hindi ko alam, b-bigla na lang ako nahilo tapos hindi ako makahinga." I explained.
 
"I heard you screaming my name kaya kaagad na bumaba ako dito." He said.
 
"What is happening Zaim? Bakit all of the sudden bigla akong natakot sa tubig?" I asked at umiling naman ito.
 
"Hindi ko din alam, tara na sa loob. Magbihis ka na." He said softly at tumango naman ako at hinawakan ang kamay niya na nakalahad at pumasok naman kami sa loob.

Pagkapasok naman namin ay may babae na kakapasok lang din sa front door. She looked at us and she smiled.

"Glad that you're okay now Addie." She said at tumaas naman ang kilay ko.

"Who are you?" I asked pero bigla namang pumagitna si Zaim sa amin.

"Amy, maghintay ka muna sa office ko." Utos nito, nag-salute naman si Amy sa kanya bago ito umalis. "Let's go." He said at umakyat na kami sa taas.

"Babae mo ba siya?" I asked, I can feel the jealousy on me starting to boil up.

"Of course not Addie, ikaw lang ang babae sa buhay ko." He said at saka binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Sure?" I asked and he flashed a boyish smile at me.

"Sureness, now magbihis ka na kasi baka lamigin ka at ma-pulmonya ka. Ako ang tatamaan sa mga kuya mo niyan" He said at natatawang pumasok naman ako sa loob.

"Sure?" Tanong ko ulit.

"Sureness." He said at isinara ko naman ang pinto at nakangiting nagtungo sa CR.

I guess, second chances aren't that bad.

BUMABA naman ako nang matapos  mag-bihis. Tinignan ko naman ang paligid, walang katao-tao duon.

Dumiretso naman ako sa may theatre room ni Zaim at namili sa mga movies na nanduon.

Nang makapili na ako ay kaagad na umupo na ako at nagsimula na ang palabas.

His Series #7: Zaim FalconWhere stories live. Discover now