Chapter Thirty-Nine

2.9K 63 0
                                    

ZAIM'S POV
 
"You may all seat." Ani ko at sabay-sabay naman na nagsi-upuan ang mga leader ng bawat Team, from Alpha Team to Omega Team ay nandito. "Thank you for coming in such a short notice." Ani ko, I glance at Amy at nakatingin naman ito sa lamesa.
 
"May mission na naman po ba tayo Sir?" Tanong ni Richard.
 
"Yes, I received a call from Luciano Mendez, Louis Harrison's step-brother." Ani ko at napasinghap naman ang ilang mga leader duon. "And I confirmed na hawak niya si Louis…at natuklasan ko rin na hawak niya si Chrys. Liam and Sabrina's son." Dagdag ko.
 
"So what is the plan Sir?" Tanong ni Chris.
 
"Amy here…offer herself as an exhange, after all siya naman ang hinihingi ng lalaking iyon." I said.
 
"With all due respect Sir, pero hindi ako…I mean kami papayag na ibibigay lang ng basta-basta si Captain" Singit ni Ace. I know, naga-alala siya kay Amy. She's his love interest anyway.
 
"I agree to Ace, Sir." Ani ni Joel. Tumango-tango naman ako at saka sumandal sa kinauupuan ko.
 
"Inaasahan ko na sasabihin niyo yan." I said at saka hinila ang isang white board duon kung saan nanduon ang isang malaking blueprint ng pinagta-taguan ni Luciano. "So I made a plan" I said.
 
 
 
 
 
 
 
ADDISON'S POV
 
"Sinubukan ko na tawagan si Zaim pero hindi siya ma-contact" Ani ni Kuya Spade habang naglalakad kami papunta sa malapit na restaurant.
 
"Hayaan mo na siya, iniwan niya nga ako diba?" Pagtataray ko, inakbayan naman niya ako.
 
"Kalma lang sis, madami pa namang lalaki diyan eh. Ewan ko ba kung paano ka napasagot ng mestisong hilaw na iyon." He said and I chuckled.
 
"He got some charms to attract me, eh ako naman itong si marupok." I said at natawa naman siya duon.
 
"Don't worry, nandito naman kami ng mga kuya mo baby sis. Smile ka na, mas lalo kang pumapangit eh." He said at siniko ko naman siya. Way to ruin the moment.
 
"Di ko alam na destination na pala ng mga magkakapatid ang Thunycea." Sabay kaming napalingon ni Kuya Spade sa nagsalita.
 
"Cameron? What are you…oh right I forgot, you're a king now." I said, lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya samantala siya ay ginulo ang buhok ko.
 
"What's up bro?" Kuya Spade asked at saka nagkamay naman ang dalawa. "Si Baby Fraulein? Kamusta na?" He asked and Cameron smirked.
 
"Actually, dalawa na sila." He said and my eyes widened.
 
"No way!" I said.
 
"Yes way Addie, her name is Samara. Punta kayo sa birthday niya ah, tamang-tama nandito na rin kayo." He said at saka may kinuha sa bulsa niya na invitation. "Kamusta na pala kayo ni Zaim?" He asked at napahinto naman ako.
 
"It's kinda complicated bro." Kuya Spade answered.
 
"Oh sorry, I didn't know." He said but I just gave him a tight smiled. "Gusto niyong dumaan sa bahay? Harriet will be happy kapag makita kayo." He offered.
 
"Sure, sino ba naman kami para tanggihan ang hari?" I asked and he just chuckled.
 
"I'm still the old Cameron, yun nga lang nadagdagan lang ng King sa unahan." He said and I laughed. "Tara na, nanduon lang yung kotse ko." He said.
 
.
 
 
 
 
.
 
 
 
 
.
 
"Addie? My God, ikaw na ba yan?" Harriet asked.
 
"Is it because of the hair color?" I asked, niyakap naman niya ako at nagbeso-beso kami.
 
"No, it's because of the face. Ikaw ang nagpatunay ng salitang puberty hits really hard!" She said at natawa naman ako duon. Tumingin siya kay Spade na nasa likuran ko banda. "Spade?" She asked.
 
"Yes your highness." He said at nag-bow naman ito, bahagyang natawa naman si Harriet at saka sinapok si Spade.
 
"Ilang beses ko na sinasabi sayo, treat me like I'm not the Queen." She said and she crossed her arms. "Sige isa pa, magtatampo na talaga ako." Dagdag niya at natawa naman si Spade duon. Niyakap naman niya ito
 
"Mama?" Napalingon naman ako sa bata na kadarating lang, patakbong lumapit ito kay Harriet at saka sinipa si Spade.
 
"Fraulein! Why did you do that?" Pagtataka ni Harriet.
 
"Papa said that I should kick any man who tries to steal you." Ani ng bata, napangiti naman ako at tinignan si Kuya Spade na hindi alam ang gagawin.
 
"Fraulein! That is your Ninong Spade!" Ani ni Harriet at saka tumingin kay Spade. "Pasensya na ah? Kung ano-ano kasi yung tinuturo ng magaling niyang ama eh." She said.
 
"It's okay, nagulat lang talaga ko." Natatawang sabi ni Spade at saka umuklo para magka-pantay sila ni Fraulein. "Kiss mo na lang si Ninong." He said and Fraulein giggled at saka lumapit kay Spade at hinalikan ito.
 
"Oh no Spade, wag ang anak ko." Ani ni Cameron na kakalabas lang mula sa isang kwarto.
 
"What? Wala akong binabalak na masama!" Spade defended.
 
"Good, kundi ipapatapon talaga kita." Banta ni Cameron, hinampas naman siya ni Harriet at napa-'aray' naman siya duon.
 
"Masyado kang paranoid!, bueno. Tara na sa dining area, I'm starving" Ani ni Harriet, sumunod naman kami sa kanila papunta sa dining area.
 
Bigla namang hinawakan ni Fraulein ang kamay ko kaya tumingin ako sa kanya.
 
"Bakit?" I asked.
 
"Are you Ninong Spade's girlfriend?" She asked at natawa naman ako duon.
 
"No baby, I'm Ninong Spade's baby sister" I said
 
"You look like a barbie." She said at ngumiti ito sa akin. "I like your hair, I want my hair to be like that too." Aniya at natawa naman ulit ako duon.
 
"Baby, you're too young to color your hair." I said at saka pumasok naman kami sa loob ng dining area.
 
Napahinto naman ako ng may maamoy na mabaho, kaagad na nagtakip ako ng ilong at saka nag-excuse at lumabas ulit.
 
Nilabanan ko naman ang urge ko na magsuka, nakakahiya kasi.
 
"Addie? May problema ba? Bakit bigla kang lumabas?" Tanong ni Harriet na sinundan pala ako.
 
"Uhm…ano kasi…saan ang CR niyo?" I asked.
 
"Oh, tara samahan na kita. Namumutla ka oh." She said at saka lumakad naman kami papunta sa CR. Nang makarating naman ako duon ay kaagad na binuksan ko ang bowl at duon ay nagsuka.
 
Hinagod naman ni Harriet ang likod ko at siya din ang naga-alalay sa buhok ko.
 
Nakakahiya, ang reyna pa mismo ang naga-alalay sa akin na sumuka.
 
Nang matapos na ako ay kaagad na nag-flush ako at saka nagmumog.
 
"Addie tatanungin kita, sana wag kang magsinungaling sa akin." She said at tumango naman ako. "Buntis ka ba?" She asked.
 
"I-I don't know.." Nanghihina na sagot ko, naramdaman ko naman ang pangangatog ng tuhod ko kaya napahawak ako sa may hamba ng pinto.
 
What if I'm pregnant?
 
Yun na lamang ang huli kong naisip bago ako tuluyang natumba at nawalan ulit ng malay.
 
Xxxxxxxxxxxxxxx

His Series #7: Zaim FalconWhere stories live. Discover now