chapter 3

8.9K 186 2
                                    


CHAPTER 3

HIS EYES are blurring with tears. Tears he harshly swiped with the back of his hand. Hindi tukoy ni Gabe kung kailan tumakas ang ulirat niya habang nagpapagulong-gulong siya pababa ng bundok pero tandang-tanda niya ang naramdaman niya nang dumilat siya. Masakit ang lahat-lahat sa kanya. Ang ulo niya, ang braso, mga balikat, lalong-lalo ang isang binti niya. Pero wala ang sakit na iyon kung ikukumpara sa naramdaman niya nang malaman kung ano ang naging kapalit ng pagkaka-rescue sa kanya. Isa sa mga kasamahan nila, si Monty, ang nagbuwis ng buhay para mailigtas siya.

Hindi nagtuloy-tuloy sa ibaba ng bangin ang pagbagsak niya. Nasabit daw siya sa isang puno na nasa masikip na bitak sa kabundukan. Mahirap siyang maabot at may punto nga raw na inakala ng mga kasama niya na hindi na siya maihahango ng mga ito. But using ropes and their bodies, they managed to reach him. Si Monty ang humila sa kanya paalis sa pagkakasabit. Ni hindi na raw masyadong matukoy ng iba nilang kasama kung ano ang eksaktong nangyari. One minute Monty was pulling him up and the next instant, just when he managed to retrieve him and pass him on to the waiting rescuers, Monty started sliding down. Dumiretso raw sa ibaba ng bangin ang lalaki. Nahango ang katawan nito pero wala na itong buhay.

Ang tindi ng trauma na dulot kay Gabe ng nadiskubre niya. And somehow, the idea that he and his stupidity is the reason why someone lost his life caused him greater anguish than the injuries he sustained.

Napatingin sa binti niya si Gabe. Tumigil na siya sa pag-asa na makakalakad pa siya ng katulad ng dati. He sustained a knee injury at tinapat siya ng doktor. Posible pa naman daw na makalakad siya pero kailangang pagpursigihan niyang maigi.

Napailing-iling siya. Tanda niya kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya, kung ilang operasyon na ang ginawa sa tuhod niya. He spent countless hours in physical therapy, painful hours. Galon-galong pawis ang tumagas sa kanya sa dami ng mahihirap na sessions niya. But his progress is so slow. Halos wala nga siyang makitang improvement.

Dumating din iyong point na nawalan na siya ng gana sa buhay. Kahit nga iyong negosyo niya na pagba-buy and sell ng sasakyan ay hindi na niya maasikaso. Kung hindi nga siguro sa kasosyo niya ay baka noon pa nagsara ang puwesto nila. Simply put, he lost his will to live. Nakakaburyong ang makulong sa silyang de gulong. Ininda niyang mabuti ang pagkawala ng kakayahan niya na sumabak sa extreme sports. Pero para ring wala na siyang lakas na pagpursigihan na makalakad siya dahil ni hindi naman masiguro sa kanya ng mga doktor at physical therapists na magkakaroon ng bunga ang paghihirap niya.

He is in a downward spiral of depression. Alam iyon ni Gabe pero wala rin siyang magawa para iahon ang sarili niya. Wallowing in self-pity had become his past time, being cranky is his default mode. Sa ginagawa niya ay posibleng hindi na siya makaalis sa wheelchair niya. The scary thing is, he doesn't give a damn anymore.

"ANO'NG NANGYARI?" Nakasalubong ni Lillian ang mayordoma sa hallway na nasa labas ng kuwarto ni Gabe.

"Walang pinag-iba, senyora. Masungit pa rin." Napailing-iling si Manang Ising.

Ang bigat sa kalooban ng narinig niya. Kung mapipilit lang sana niya ang apo na kumunsulta sa psychiatrist ay baka sakaling makumbinsi si Gabe na ituloy ang pagte-therapy nito. Pero sa ilang beses na binanggit niya ang tungkol doon sa lalaki ay nagkasamaan lang sila ng loob.

Hindi na alam ni Lillian ang gagawin. Ni wala siyang makatulong sa pagdamay sa pinagdadaanan ng apo. Sa sobrang pagka-abala sa sarili nitong buhay ay wala ng pakialam ang daddy ni Gabe dito. Ang mommy naman ng lalaki, ang manugang niya, ay matagal nang patay. She took her own life so many years ago out of despair.

Iyon ang isang ikinababahala ni Lillian. Hindi man sigurado kung namamana ang tendency na magkaroon ng depression ay nag-aalala siya baka magaya sa mommy nito ang apo. Nakakatakot din na gayahin ni Gabe ang ina kapag dumating ang punto na gusto na nitong takasan nang tuluyan ang sitwasyon nito. Kaya nga hindi siya tumitigil sa kakaisip ng paraan para ma-motivate ang lalaki na subukan ulit na makalakad. Mabilis na nga lang siyang nauubusan ng options.

Private Dancer by : Mystique  (R-18 story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now