chapter 9

7.6K 172 1
                                    


CHAPTER 9

MULA sa sliding doors na gawa sa salamin ay natanaw ni Moira si Gabe. Abala ito sa pag-angat baba ng hawak na dumbbells. Nakapatong sa mesang malapit dito ang iPad ng lalaki, sinasabayan ang exercise video roon. Noong isang araw lang ay ilang exercise equipments ang idine-liver sa bahay. Ipina-set-up iyon ng lalaki sa isa sa mga kuwarto pero may ilan na sa patio nito ipinalagay. Second day iyon na nadatnan niya itong abala sa pag-e-ehersisyo. And he looks so determined. There is grim concentration on his face as he raised and lowered the dumbbells. Pawisan na ito, humahapit na tuloy sa katawan nito ang suot na sando.

Maganda talaga ang katawan ni Gabe. Kahit nga napabayaan na nito ang regular na pag-e-exercise ay bakas pa rin ang mga muscles sa braso nito, pati sa dibdib. Mukhang sandaling panahon lang, kung hindi ito susuko sa ginagawa, ay babalik ang dating kisig nito. Not that he is unattractive at his current state. Hayun nga at hindi maalis-alis ni Moira ang tingin dito. Raw sexual magnetism is emanating from him and it is so strong that it is almost impossible for a normal woman not to notice it. Siya, pansin na pansin niya. At naaapektuhan siya. To the point where she feels this urge to strip her clothes and ask him to...

Nag-init ang pisngi ni Moira. She wants him to touch her again the way he did last time. Naalala pa niya kung gaano katindi ang orgasm na ipinalasap nito sa kanya. Sa lagay na iyon ay hindi pa nito ipinasok sa kanya ang sandata nito. Paano pa kaya kapag iyon na ang ginamit nito sa kanya? An image of his huge, rigid organ flashed in her mind. Hindi na tuloy pisngi lang niya ang nag-init. Buong katawan na niya. Wala sa sariling ipinagkiskisan niya ang mga hita sa paghahanap ng paraan na maibsan ang pangangailangang umahon na naman sa kanya.

Iniwan na muna niya ang lalaki bago pa siya may magawang hindi dapat. Kinuha niya ang tablet niya, nagbukas ng browser. She likes to keep herself fit. Hindi lang regular exercise ang kailangan para doon kung hindi pati ang tamang nutrisyon. And what is good for her would most likely be good for Gabe, too.

Tumuloy sa kusina si Moira, binuksan ang ref at cupboards para malaman kung anong food supplies ang meron sila. May pumupuntang tigaluto at tigalinis ang lalaki pero hindi araw-araw. Sa araw na iyon ay puwede sigurong siya muna ang maghanda ng kakainin nila.

Nag-research pa siya tungkol sa mga kailangang sustansiya ng isang nasa kalagayan ni Gabe. Snacks muna ang uunahin niyang pagka-abalahan. Iyong nakita niyang healthy snacks sa net ay madali lang gawin. She busied herself in the kitchen.

Tuna sandwich on wheat bread with lettuce and mayo ang inihanda ni Moira. Nag-blend din siya ng fruit smoothie. Kakatapos lang niyang ihanda ang mga iyon nang maramdaman niya ang mga brasong pumaikot sa beywang niya mula sa likod niya. Kasunod niyon ay may nalanghap siyang preskong amoy. Mukhang nakaligo na si Gabe.

"I hope you plan to share. Gutom na 'ko eh," anito nang balingan ni Moira.

Basa pa ang buhok nito, may ilang patak pa ngang tumulo sa t-shirt nito. He smells so fresh and clean. She is sorely tempted to bury her head on his chest just to inhale his wonderful scent. And those water drop, maybe she could lick them away...

Enough, girl! Masyado ka na yatang nagiging fixated sa sex. Gusto na naman niyang pagdikiting mabuti ang mga hita niya. Naging mapaghanap na naman ang lugar na nasa pagitan ng mga iyon. Inatupag na lang niya ang pagkain para may pagkaabalahan siya.

"Here you go." Inilapag niya sa island counter ang platong pinaglagyan niya ng sandwiches. Itinabi roon ang baso na may smoothie.

Iyon ang unang inabot ni Gabe. Sumipsip galing sa stainless straw na nakalagay sa utensils cabinet. Natuwa nga si Moira na may ganoong magagamit. She stopped using plastic straws a long time ago. Masyado nang maraming basura sa mundo kaya hindi na siya dadagdag pa roon. Bumili rin siya ng stainless straw dahil reusable iyon.

"Wow, ang sarap. It's so refreshing." Kumagat ito sa sandwich at mabilis na ngumuya. Natawa ito pagkatapos. "Hindi masyadong halata na gutom na gutom ako 'no?" biro nito.

"Hindi naman masyado. Slight lang."

Lalo na itong natawa. Pagkatapos ay humugot ito ng hininga. "That feels good. I haven't laughed in quite a while," anito.

"Ako rin," pag-amin ni Moira. Kumagat na rin siya sa sandwich niya.

"Would you like to tell me your story?" sabi ni Gabe.

"What makes you think I have one?" ganti niya.

"Lahat tayo meron nun. Puwedeng sobrang ordinaryo, puwede ring ma-drama. But we all have our stories. Ako, puwedeng pang-teleserye iyong ibang parte. Iyong sa iyo ba?"

"Puwede rin siguro pero gasgas na iyong storyline." Huminga ng malalim si Moira. She had never been inclined to tell anybody about her life. Pero ewan kung dahil sila lang ni Gabe ang nandoon o dahil alam niya na ma-drama rin ang pinagdaanan nito kaya nadiskubre niya na hindi siya masyadong naiilang dito.

"I have this brother who's an achiever." Napatitig lang siya sa baso ng smoothie niya habang nagsasalita siya.

She had never talked to anyone about her story. Gusto sana niya kung minsan, lalo doon sa mga panahong halos pumutok na ang dibdib niya sa sama ng loob pero nagpipigil siya. The rare times she opened up a bit, her feelings were belittled by the person she confided them to. Ang dami na raw niyang biyaya, naghahanap pa siya ng kung ano-ano o kaya naman ay petty lang daw siya kaya siya rin ang nahihirapan. Pero ngayon, dahil sa pag-uusisa ni Gabe, ay nabuhay ulit iyong need niya na magsabi ng kinikimkim niya, hoping he wouldn't think she's so shallow.

"Siya lang ang nag-iisang anak ng mga magulang ko, especially my dad. At least that's how it felt for me while I was growing up. You know how the song goes. I did my best but I guess my best wasn't good enough. Ganoon ang drama ko ke daddy. Hanggang sa mapagod at magsawa na ako sa pag-e-effort. So I did the exact opposite. I was so mad I wanted to piss my dad off. At doon eh nag-succeed ako. Iyon nga lang, sa sobrang inis niya ay...pinalayas niya ako. It happened when...when he caught me with a guy. Wala namang nangyari sa 'min nung lalaki na nadatnan niya sa room ko pero ayaw maniwala ni daddy. Kung magiging disgrasyada lang daw naman ako, kung dadalhan ko lang ng kahihiyan ang pamilya namin, eh umalis na lang ako. So here I am." Tinapos na bigla ni Moira ang pagkukuwento. Ayaw na niyang i-detalye pa ang ibang ginawa niya para mabuhay siya.

"We do what we have to in order to survive," anang lalaki na mukhang may ideya naman ito kahit paano. "Mali man iyon sa paningin ng iba, well, it's us who have to live with it."

"Ayaw mo ng makalakad ulit noon dahil...dahil ba gusto mong parusahan ang sarili mo?" hula ni Moira.

"I lived while Monty died. I hated myself for that. And then things just got so hard. The therapy, the operations, the pain. Nakakapanlambot. I just wanted to be left alone."

Natahimik sila pareho ng lalaki, mukhang kapwa sila nahulog sa malalim na pag-iisip.

"You can make yourself whole again, at least physically," sabi ni Moira pagkatapos.

Private Dancer by : Mystique  (R-18 story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now