chapter 16

6.3K 168 10
                                    


CHAPTER 16

WALANG balak sumabay si Moira sa lalaki. Paano ay plano niya itong sundan. Gusto lang niyang malaman kung tutoo ang kutob niya na ang pakikipagkita nito kay Ivy ang dahilan kung bakit nagmamadali itong umalis. Hindi naman sa nagpapaka-masokista siya. She just wants to see if Ivy and Gabe would be good together. Doon siya huhugot ng dagdag na push pa para iwan na ang lalaki.

Nagpatawag ng taxi si Moira sa guard na nasa gate ng subdivision. Nang dumating iyon ay pinaghintay niya ang driver. Mabuti naman at ilang sandali lang ay umalis na rin si Gabe. Agad nang lumulan sa taxi si Moira at inutusan ang nagmamaneho na palihim na sundan ang kotse ng lalaki.

Sa isang hotel tumuloy si Gabe. Ipina-park nito sa valet ang kotse saka ito nagmamadali nang pumasok sa loob. Binigyan ng malaking tip ni Moira ang driver ng taxi saka siya sumunod na kay Gabe.

Sa coffeeshop ng hotel dumiretso ang lalaki. Ilang metro man ang layo ni Moira rito ay kitang-kita niya kung paano umaliwalas ang itsura nito nang matanaw ang babaeng nakaupo sa isa sa mga couches ng kapihan. The woman's face lit up, too. Hindi niya sasabihing sobrang ganda nito pero sexy ito at halatang fit na fit. She also has this aura of confidence that makes her more attractive than the average woman.

Tumayo ito nang makalapit si Gabe. Parang eksena sa pelikula, nagtama muna ang paningin ng dalawa pagkatapos ay mahigpit na nagyakap ang mga ito. Pinilit ni Moira na huwag pansinin ang pagkahalukay ng kalooban niya. She forced herself to stay and watch the two even if it felt as if she is being skewered alive.

As though she wasn't able to stop herself, Ivy grabbed Gabe's head and pulled him close. Hinalikan nito sa labi ang lalaki. Moira wished with all her might, hoping against hope, that Gabe would pull away. But he didn't. Noong una ay hindi lang muna ito kumilos, hindi nag-react. And then, suddenly he is already the aggressor, kissing the woman passionately.

Nanlalabo na ang paningin ni Moira, nag-iinit na ang mga mata sa luhang bumalong sa mga iyon. Pero nanatiling nakatutok ang pansin niya sa dalawa. She needs to see this through.

"I missed you, Gabe," dinig niyang sabi ng babae.

"Same here," ganti ni Gabe.

Lumayo ng konti rito si Ivy, pinasadahan ito ng tingin.

"You can walk," anito.

"Quite well. Pero hindi pa ako nakakabalik sa dating kong kakayahan. I haven't even climbed a mountain yet. Kahit iyong madali lang akyatin. Hindi ko pa kaya. I am not sure kung kakayanin ko pa ever," anang lalaki.

"It doesn't matter. Mas importante na makakilos ka ng matino."

"I guess so," ayon ni Gabe.

Iminuwestra nito na maupo na ang mga ito pero umiling si Ivy.

"I have a better idea," anito saka ngumiti.

Sandaling natigilan si Gabe, parang sinisiguro na tama ang intindi nito sa gustong ipahiwatig ng kasama. Pero kung si Gabe ay hindi sigurado, kay Moira ay klarong-klaro kung ano ang ibig sabihin ng babae. Ivy is not interested in having coffee while catching up with each other's lives. She is interested in having Gabe.

Ngumiti rin ang lalaki. "Lead the way then," anito.

Puwedeng umalis na sa puntong iyon si Moira. Malinaw naman na ang nakaambang mangyari sa dalawa. Pero hindi. Sisiguruhin niya. She wants no doubts in her mind. May dala siyang bandanna at isinaklob iyon sa ulo niya. She also whipped out her sunglasses and put them on. Suwerte naman na marami ang taong naghihintay sa elevator. Mukhang may convention na ginaganap sa hotel kaya maraming guests. Nakihalo siya sa mga iyon. Habang nakatago sa likod ng isang malaking lalaki ay sinilip niya kung anong floor ang pinindot ni Ivy.

Private Dancer by : Mystique  (R-18 story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now