chapter 6

7.7K 164 2
                                    


CHAPTER 6

"DAMMIT!" Ang lakas ng bulalas ni Gabe. Nasa bakuran siya noon ng resthouse. Gamit ang katawan ng nabuwal na puno bilang improvised exercise bar, pinipilit niyang tumayo.

May set of exercises na ipinapagawa ang PT niya dati. Ngayon niya naalala kung bakit tinigilan niyang gawin ang mga iyon. They are so damn hard. Iyong sinusubukan nga niya ngayon ang itinuturing nang pinakamadali. Pero hindi pa niya makaya. Not without feeling intense pain.

Parang sinisilaban ang binti at tuhod niya. Sa sobrang sakit, pakiramdam ni Gabe ay pinagpupunit-punit ang muscles at tendons niya roon. Pawisan na siya samantalang hindi pa nga siya nakakapagsimula.

Why am I doing this again? Yamot niyang naitanong sa sarili. Pagkayamot na tumindi nang maisip niya ang sagot. Kalibugan. Iyon lang ang dahilan. Moira's words rang in his ears.

You can fuck me when you catch me. That is the condition she set. Kaya ngayon ay hayun siya, gumising ng maaga para simulan ang exercises na ayon sa PT ay makakatulong para bumalik ang lakas ng mga muscles niya sa napinsala niyang binti. Sa matagal kasi niyang hindi pagtayo ay humina na ang mga iyon. Dahil hindi masuportahan masyado ng mga iyon ang bigat niya ay mapupuwersang lalo iyong napinsalang ligament sa tuhod niya sa paggalaw niya.

The old feeling of frustration filled him once more. Bumalik sa kanya iyong panahon na pakiramdam niya ay napaka-useless magpursige lalo at hindi nga garantisado na pagkatapos niyang magpakahirap ay makakagalaw ulit siya na katulad ng dati. The old doubts and feeling of guilt started to overwhelm him.

"Aaaaah!" Napasigaw siya nang maitapak niya nang hindi sinasadya ang injured niyang paa. The pain shot through his body and it is too much to bear. Babalik dapat siya sa pag-upo sa wheelchair pero sa madalian niyang paggalaw ay naitulak niya iyon. Hindi yata niya nai-engage iyong brakes kaya umusod iyon. Bumagsak siya sa lupa na lalo pang nagpatindi ng nararamdaman niyang sakit.

Clutching his injured knee, he writhed on the ground. Maiyak-iyak si Gabe. Hindi lang iyon dahil sa sakit. Mas matinding dahilan ang frustration, pati na ang hopelessness at helplessness na dala ng kundisyon niya. He started feeling once more that it is useless to struggle. Na mas maganda kung ititigil na niya ang pagpapahirap sa sarili.

You deserve it. Parang may boses na bumulong sa kanya. But it is not his voice that he heard. Boses iyon ni Sam, kapatid ni Monty, iyong lalaking tumulong para hanguin siya mula sa ravine na binagsakan niya pero sa kasamaang palad ay ito ang napahamak.

Lalong nag-init ang mga mata ni Gabe. And he felt the anger rise in his chest. Galit iyon sa sarili niya, sa mga pangyayari, sa tuhod niyang ayaw gumaling, sa mga muscles niya na pinahihirapan siya, sa...lahat-lahat na.

He started flailing on the ground. Noong nasa bahay siya ay iyon ang punto kung saan naghahagilap ang kamay niya ng maibabato at lahat ng mahagip ay ibinabalibag niya. Kung ilang gamit na ang nawasak niya, hindi na alam ni Gabe. Wala rin siyang paki kahit magkano pa ang halaga ng mga nasisira niya. Dahil pagkatapos niyang magwala ay nakakaramdam siya ng kahit konting ginhawa. Pero sa pagkakataong iyon ay ni wala siyang mahagip na kahit ano. Iyong iilang sanga na nahawakan niya saka ibinalibag ay hindi sapat para ma-release iyong tensiyon at galit na nag-aalimpuyo sa dibdib niya.

So he kept on thrashing on the ground, his hands trying to grasp something, anything. Nasabunutan niya ang mga damong nahagip niya pero kahit ang mga iyon ay sobrang iigsi kaya ni hindi niya mahawakang mabuti.

"Fuck! Fuuuuck!" Nagsisisigaw siya habang nagkakakawag sa lupa. Mariin ang pagkakapikit ng mga mata niya, pilit niyang pinipigilan ang luhang nagtatangkang kumawala mula sa mga iyon. He is through crying. Said na ang luha niya sa kakaiyak niya noon sa kalagayan niya.

You deserve it. Naulit iyong boses sa isipan niya.

"Oo na, oo naaaa. I deserve it. I deserve this. Look at me. Naghihirap ako. Mas mahirap pa nga kung tutuusin kesa kung namatay na lang ako. Are you happy now?" Noon na siya napahagulgol.

It was as if a dam had burst inside him. Kahit pala nakarami na siya ng iyak noon, pagtangis na hindi niya ipinaalam kahit kanino, ay hindi pa ubos ang luha niya. O baka nakaipon siya ng panibago dahil matagal na rin niyang hindi hinahayaan na mawalan ng kontrol ang sarili. His chest heaved with the sobs escaping him. Isinubsob niya ang mukha sa lupa, ibinayo ng paulit-ulit ang mga kamao.

I am so damn tired of all this! Himutok niya. Puno ng galit, panghihinayang, paninisi sa sarili at kung ano-ano pang negative emotions ang dibdib niya. Throughout his ordeal, he feels so alone. Stupid iyon dahil may mga tao naman sanang puwedeng dumamay sa kanya. Isa na ang lola niya. Nandoon din ang mga kasamahan niya. But he didn't want to share his emotions with them. He wanted his grief and despair to remain private. So suffer alone. Ginusto mo 'yan eh.

He was sobbing so hard he didn't notice the warm hand that touched his shoulder. Not at first. Pero maya maya ay naramdaman niya ang banayad na paghagod. Dadalawa lang sila sa lugar na iyon kaya alam na agad niya kung kaninong kamay ang nakadantay sa kanya. He hated being touched that way. Hawak iyon ng pang-aalo. At ayaw niyang magpaalo. Yet something stopped him from shrugging off that hand. Maybe because it seemed to somehow calm the storm inside him.

Unti-unti ay nabawasan ang paglabas ng luha sa mga mata ni Gabe. Pero hindi iyon dahil sa pinigilan niya. The tears slowly dried up on their own. Dala na rin iyon ng pagkalma ng humihilab niyang kalooban. Gaano katagal na ba mula nang hinayaan niyang may umalo sa kanya? Sinubukan ni Lola Lillian pero tinatanggihan iyon ni Gabe. This time around, the one giving him comfort is a total stranger. Baka may katanggap-tanggap sa kanya ang ideyang sa harap ng isang estranghero siya nagpapakita ng kahinaan dahil puwede namang hindi na niya ito magkita pagkatapos ng sandaling panahong pagkakasama nila.

Whatever the reason, he felt the tightness in his chest loosen up. Natuyo na rin ang luha niya. Pero tuloy pa rin sa paghagod sa likod niya si Moira. Hinayaan lang niya ito. Nagugustuhan din naman kasi niya ang ginagawa nito. Hanggang sa dumating ang punto na hindi na pagkaalo ang nararamdaman niya. He is starting to feel horny.

Ewan kung matalas ang pang-amoy ng babae sa ganoong bagay dahil mukhang nahulaan nito ang pagbabago ng mood niya. Iyong paraan ng paghaplos nito sa kanya ay nag-iba na. The comforting touch turned into a tantalizing caress. Lalo na tuloy nagising ang libido niya.

Nang lingunin niya si Moira ay nadiskubre ni Gabe na ang lapit lang pala nito sa kanya. Nakaupo ito sa damuhan at sa pagbaling ng ulo niya ay ang mabilog na dibdib nito ang tumambad sa kanya. Agad siyang natukso na abutin iyon, ikulong sa kamay niya. Sandaling-sandali lang niyang nahawakan iyon dati pero parang kabisado na niya agad kung gaano kalambot at kasarap haplusin iyon.

His cock stiffened at the memory. Ibang klaseng sex appeal yata ang meron sa babaeng ito kaya ganoon na lang kung mahayok siya rito.

Puwede rin na dahil sobrang tigang ka. Ang tagal na mula nang huli siyang sumabak sa sex. Walang kuneksiyon sa organ niya ang injury na tinamo ng binti niya kayang gagana iyon kung gusto niya. Pero hindi niya sinubukan na manghala ng babae pagkatapos ng aksidente. Kaya siguro ngayon ay gigil na gigil ang sandata niya na makibaka. Napipipi na ang namumukol niyang ari kaya napilitang tumagilid.

Private Dancer by : Mystique  (R-18 story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now