#WTGFFTN
"Senyorito Clarence, nariyan na po ang mga kaibigan niyo sa labas. Male-late na daw po kayo sa school." tawag ng katulong ko mula sa labas ng kwarto.
"Wala akong paki-alam kung ma-late man ako! Anak ako ng may-ari ng University, remember?" bulyaw ko at nagtakip ng unan sa mukha.
"Natatandaan ko po, senyorito. Ano na lang po ang sasabihin ko sa mga kaibigan niyo na nasa ibaba?"
"Just tell them, 'go to hell' at umalis ka na!" sigaw ko at narinig kong umalis na si manang. Nanatili lamang akong nakahiga sa kama ko at nakatingin lang sa kisame.
Nagmumuni-muni ako ng bigla na lamang lumagabag ang pinto ng kwarto ko na labis kong ikinagulat. "Oh, Jesus, who's there?" tanong ko habang nakatingin sa pintuan.
"It's just me, Prince Clarence!" sabi ni Robert sabay dire-diretsyong pumasok sa kwarto ko at prenteng prente pang naupo sa couch sa tabi ng kama ko.
"Fuck you, Robert! You scared me to death!" sabi ko at nahiga na ulit.
"Really? Did I heard it right, you're scared? Akala ko pa naman ay walang kinakatakutan ang isang Clarence Vallejo, but I guess, Im wrong." sabi niya at tumawa pa.
"Natural may kinakatakutan din ako, ano? Anong tingin mo sa akin, hindi tao?" sabi ko at naupo.
"Eh tao ka ba talaga? Tao bang matatawag ang isang nilalang na walang paki-alam kung makasakit man ng ibang tao? Pisikal man o emosyonal?" tanong niya.
"Robert, alam mo naman ang sitwasyon ko, hindi ba? Alam kong maraming takot at galit sa akin dahil leader ako ng kinatayakutan nilang gang, pero maging ako man ay takot at galit din sa sarili ko." sabi ko at napasapo sa ulo ko. "Simula ng tumuntong ako sa tamang edad, at ipasa sa akin ni kuya ang pagiging leader, nagsimula na ang pinakamadilim na araw ng buhay ko."
"Rence, tanong lang, bakit kaya hindi mo baguhin ang image ng gang at gawin itong mabuti? Ikaw naman na ang leader kaya ikaw na ang masusunod." tanong niya.
"Akala mo ba ay hindi ko rin naisip at sinubukang gawin ang bagay na iyan? Maraming beses ko ng sinubukang baguhin ang imahe at layunin ng gang pero parati lamang akong nabibigo." kwento ko.
"Pero bakit?" nagtataka niyang tanong.
"Ako nga ang leader, pero para lang naman akong isang puppet na walang kayang gawin kundi ang sumunod. Hindi lang naman si kuya ang kalaban ko sa gusto kong mangyari eh, pati na rin ang mga myembrong nakakatanda. Mas gusto nilang manatili ang imahe ng gang na kinatatakutan ng lahat para na rin daw sa kanilang proteksyon." paliwanag ko.
"Marami ba talagang kaaway ang mga gangster kaya kailangan ng proteksyon mula sa kapwa gangster?" tanong niya.
"Hindi naman lahat may kaaway, kaya sila naanib sa mga gang ay para protektahan ang mga negosyo at yaman nila. Mas mahal pa nga ng mga mayayamang negosyanteng iyan ang pangalan nila at kayamanan kesa sa sariling laman eh." sabi ko.
"Paano mo naman nasabi iyon?" curious niyang tanong.
"Kasi noong bagong lagak pa lang ako bilang pinuno ay may isang negosyanteng Intsik na lumapit sa amin, si Mr. Chua. Nagbabayad siya ng kalahating milyon para lang takutin ang isang lalaki para layuan ang babaeng nakatakda sana para mapangasawa ng kanyang anak." kwento ko.
"Eh anong ginawa mo?"
"Wala akong ginawa. Si kuya ang humarap at nakipag-usap sa matanda. Siya na rin ang nagpasya kung ano ang gagawin doon sa tao. Doon ko naisip na para sa mayayaman, mas mahalaga ang yaman kesa sa buhay ng sinuman."
"Eh bakit tinanggap mo pa rin ang pagiging leader kung labag naman pala sa loob mo ang mga ginagawa nila?"
"Kung hindi ko tatanggapin ang pagiging leader, matutulad lang ako sa iba na mabubuhay sa takot na baka isang araw ay ako naman ang matagpuang duguan o wala ng buhay sa madilim na parte ng kalsada." paliwanag ko. "Kaya labag man sa loob ko, tinanggap ko na rin at kapag nagkaroon ako ng sapat na tapang at dahilan para kumalas sa gang ay gagawin ko, kahit ang sariling kapatid ko pa ang makalaban ko." dagdag ko.
"Hay nako, bago mo isipin na makakalaban mo ang kuya mo, isipin mo muna ang galit ng mama mo kapag hindi ka na naman pumasok ngayon. Kaya tara na, kumilos ka na diyan at pumasok na tayo." sabi niya at hinila ako sa paa.
"Okay, okay. Fine. Maliligo lang ako at papasok na tayo. Hintayin mo na lang ako sa sala at sabihin mo kay manang na ipaghanda ako ng sandwich at kakainin ko habang byahe." utos ko.
"Okay po, Prinsipe Clarence, masusunod." sagot niya at tumayo na para lumabas ng kwarto ko.
"Shut up!" sigaw ko sabay bato ng unan sa kanya pero naka-iwas siya.
"You missed!" pang-aasar nito at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Hello, ako si Clarence Vallejo. Youngest son of the Vallejo Clan, Leader of the Vallejo Gang and a 4th year student of Unibersidad De Vallejo, which is owned by our family.
Ayoko naman talagang maging gangster eh. Pero dahil bata pa ako ng mga panahong iminulat nila ang mga mata ko sa pagiging leader, ang mga benefits at advantages ng pagiging leader, ay masasabi kong naisahan nila ako.
I became the leader of our gang when I was only 12 years old. My brother taught me everything I need to know about handling a gang. Having subordinators tha follows anything you've said is quite happy, but as the years go by, it turns out that being a gangster leader is being a heartless and fearless man, which Im not.
I loved my family so much, that's why Im still keeping my pledge to be a leader even if I hate being one. But when the day comes that I found any reason to leave this gang, I'll do it, whatever it takes.
BINABASA MO ANG
When The Gangster Falls for The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionWhen The Gangster Falls for The Nerd by: TaraiShai ✔️COMPLETED ✔️EDITED Cover by: @shallylicious