Chapter1.2

1.8K 44 0
                                    

#WTGFFTN

"Sa wakas, after 123456789 years, lumabas ka na rin ng bahay. Akala ko tuloy ay tutubuan na ako ng mga ugat dito sa paghihintay sayo eh." reklamo ni Robert habang nakasandal sa kotse niya.

"Alam mo Robert, ang OA mo, sobra! Di sana nauna ka na lang pumasok kung nainip ka pala sa paghihintay sa akin." sabi ko sabay pasok sa passenger seat ng kotse niya.

"Kung pwede ko nga lang bang gawin iyon, di sana hindi ako nagtiyagang ma-late ng dahil sa kahihintay sayo sa araw-araw. Kaso hindi nga pwede, hindi ba? Alam mo namang kaya lang ako nakakapag-aral ng libre ay dahil nag-aaral ka din, at once na tumigil ka, katapusan na rin ng pag-aaral ko." sabi niya ng makasakay na rin sa kotse.

"Sus, nagkamali pala ako, hindi ka pala OA, dramatic actor ka pala." biro ko.

"Rence, hindi ako nagda-drama, okay? Alam kong alam mo, na totoo ang sinasabi ko, kaya please lang, sana ito na ang huling beses na mahuhuli tayo sa pagpasok sa University. Forth year na tayo at gusto kong this time, ay makasama na ako sa honor roll." seryosong sabi ni Robert habang nagda-drive papuntang university.

Si Robert kasi ang tipo ng taong alam kung ano ang nasa kanyang priority list. At dahil sa forth year na nga kami ay lalo pa siyang nagpu-pursige. Kung ako lang naman ang masusunod ay gusto ko ring mag-aral ng mabuti kung hindi lang ako nag-aaral sa university na ito.

"Okay, here we are, finally." sabi ni Robert ng makapag-park sa parking area ng university. "Oh, ano pang hinihintay mo diyan? Bakit hindi ka pa nababa diyan, late na tayo, tara na!" sabi niya ng makitang hindi pa rin ako nakilos sa kinauupuan ko.

"Bro, ayoko ng mag-aral." walang gana kong sabi.

"What? Are you serious?" tanong nito at lumapit pa sa akin. "Titigil ka na? Paano naman ako? Alam mo namang hindi ko kayang magtrabaho habang nag-aaral hindi ba? Maawa ka naman sa akin." maluha-luha niyang sabi.

"Don't worry, I'll make sure na maiituloy mo ang pag-aaral mo kahit tumigil pa ako. Kakausapin ko si mommy na wala kang kinalaman sa desisiyon kong mag-stop kaya hindi mo kailangang mag-stop din." paliwanag ko at bumaba na sa sasakyan.

"Seryoso ka ba talaga na titigil ka na? Last year na natin ito, after nito pwede mo ng i-handle ang business niyo." sabi niya habang naglalakad kami papuntang building namin.

"Nanghihinayang din naman ako eh, pero alam mo namang hindi ang pagte-take over ng family business namin ang gusto ko, hindi ba?" sabi ko.

"Pwede mo rin namang tapusin ang course natin kahit hindi mo i-take over ang family business niyo hindi ba? Pwede ka naman sigurong magtayo ng sarili mong business." suggestion ni Robert.

"Kung iyon nga ang mangyayari, ayos sana. Kaso iba si lolo. Ang gusto niya ay tapusin ko ang business degree ko para maipasa na rin sa akin ang pamamahala ng business namin, eh ayoko nga. Kaya ang magdrop lang ang alam kong paraan para hindi maipasa sa akin ang family business." paliwanag ko.

"Pero bro, ngayon ko lang narealize na parang mas magandang magpatakbo ng family business kesa ang maging leader ng gang, hindi ba?" sabi niya.

"Oo nga ano? Sa palagay mo ba ay hahayaan ako ni Lolo na magbitiw bilang leader ng gang kung magiging CEO ako ng Vallejo CORP.?" tanong ko.

"Siguro naman. Sana. So ano ng plano mo?" tanong niya.

"Diretsyo tayo kay mommy at may itatanong lang ako." sabi ko.

When The Gangster Falls for The Nerd (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon