CHAPTER 2: About Something Special

1.6K 39 1
                                    

#WTGFFTN
CHAPTER 2: About Something Special

"Hey bro, balita sa meeting niyo ni Tita?" tanong ko ng makasalubong ko si Clarence sa hallway ng building namin papuntang canteen.

"Ayos naman, kahit papaano." sagot niya. "Eh ang quiz mo, kumusta?"

"Worth it ang pagpasok at pagkuha ng quiz, perfect as usual." masaya kong sagot.

"Congrats, mabuti na lang talaga pumasok ka, anong sabi ni prof noong wala ako?" tanong niya.

"Wala naman. Alam mo namang ang mahalaga lang doon ay ang sahod niya at hindi ang ikabubuti ng mga estudyante niya." sarkastikong sabi ko.

"Sabagay, so ano, ililibre mo ba ako ng lunch dahil naka-perfect ka sa quiz?" naka-ngisi niyang tanong.

"Wala naman akong magagawa kundi ang pumayag. Tutal naman ay kakain din ako, never naman kitang natiis lalo na sa pagkain." sabi ko.

"Iyan ang dahilan kung bakit gusto kita eh," sabi niya na umakbay pa.

"Eew, Rence, hindi ko alam na may hidden desire ka pala sa akin." biro ko at inalis ang pagkaka-akbay niya.

"Gago! Assuming ka din eh, ano? Patay ka sa akin!" sabi niya at kinutusan ako sa ulo.

"Aray! Hindi na kita ililibre! Bahala ka!" sabi ko at nagmartsa na papasok sa canteen.

"Hintayin mo naman ako!" sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Nang makapasok kaming dalawa sa canteen ay sumunod na ang iba niyang bantay na kabilang din sa gang. Sinalubong kami ng nagkakagulong mga estudyante, may lalaking nag-aayos ng aming lamesa at mga babaeng nagbibigay ng iba't-ibang uri ng pagkain.

"Whoa! Ang dami naman nito." sabi  niya ng maupo sa pwesto  niya at nakitang puno na naman ng iba't-ibang pagkain ang aming lamesa. "Nakakaumay na."

"Nakakaumay ba? Ang swerte mo nga eh. Makakain mo ang kahit ano kahit hindi ka mag-effort para makuha ito, samantalang ako, nakakain ko lang ang gusto ko kapag kasama mo ako sa mga ganitong pagkakataon." sabi ko. Totoo naman kasi, dahil nga galing lang naman ako sa mahirap na pamilya kaya masasabi kong sabik ako sa mga luho lalo na sa pagkain.

"Kaya nga kita sinama dito eh dahil alam kong hindi masasayang ang mga pagkaing iyan kapag kasama kita. Kaya go, kain na." naka-ngiti niyang sabi.

"Sus, kumain ka rin para hindi naman mahalatang matakaw ako." biro ko.

"Okay, kain na tayo." sabi niya at nagsimula ng kumain.


"Bro, what do you feel about this treatment?" tanong ko kay Robert na abalang-abala sa pagkain.

"Ha?" wala sa loob niyang tanong dahil busy siya sa pagkain.

"Anong ha ka diyan. Masyado ka namang focus sa pagkain mo, hindi mo na ako iniintindi." may himig ng pagtatampong sabi ko.

"Narinig ko naman. Ang ibig kong sabihin, aling treatment ba ang tinutukoy mo?" tanong niya at tumigil sa pagkain.

"Etong ganito. Iyong kung tratuhin ka ng lahat ay para kang prinsipe na kailangang pagsilbihan. Iyong ganito na halos lahat na lang ng nasa menu dito sa canteen ay nasa mesa na natin." sabi ko habang minamasdan ang sangkaterbang pagkain sa harapan namin.

When The Gangster Falls for The Nerd (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon