Chapter 15.2

876 26 0
                                    

#WTGFFTN

"Bro, kailangan kong maka-usap si Georgina. Tulungan mo naman ako." sabi ko kay Robert. Nandito kami ngayon sa gym.

"Kailan ba?" tanong niya.

"Gusto ko sana ay mamayang 2pm. Tapos na naman ang klase niya noon." sabi ko.

"Sige ba, saan ko siya papupuntahin?" tanong niya ulit.

"Sabihin mo, hihintayin ko siya sa parking area." sagot ko.

"Sige ba, iyon lang pala eh. Ako ng bahala. Sasabihin ko'y 2pm sa parking area?" pagtatama niya.

"Oo." sagot ko.

"Magtatapat ka na ba ulit sa kanya?" tanong niya.

"Sana. At sana bigyan niya na ako ng chance para patunayan ko ang tunay kong nararamdaman sa kanya." sabi ko.

"Goodluck bro. Alis na ako, hahanapin ko muna sila." paalam niya.

"Sige bro, salamat."

1:30pm. Tapos na ang klase ko kaya pinili ko ng tumambay sa kotse ko at hintayin ang pagdating ni George.

Saktong 2pm ay bumaba ako ng sasakyan para makita agad ako ni George. Lumipas ang sandali, pero walang George na nadating.

"Hindi na siguro siya darating." sabi ko sa sarili ko ng makitang 3:30pm na pala. Ayoko mang umalis, pero naisip kong baka hindi pa ito ang tamang panahon para magkausap kami ni George.

Naghintay pa ako ng sandali sa loob ng sasakyan. Maya-maya, may kumatok sa bintana ng sasakyan ko. Pagtingin ko, si George pala. Agad akong lumbas ng sasakyan at hindi napigilang yakapin siya.

"So-rry." sabi ko ng matauhan ako at bitawan siya. Nakatingin lang sa akin si George. "George?"

"Ah, eh. Bakit mo ako pinatawag?" tanong niya.

"Ah, oo. Gusto lang sana kitang maka-usap, kung pwede sana." sabi ko.

"Sige, ano bang gusto mong pag-usapan?" cold niyang tanong.

"Pwede bang kumain muna tayo? Nakalimutan ko kasing mag-lunch dahil dumiretsyo agad ako dito pagkatapos ng klase ko." nahihiya kong sabi.

"Sira ulo ka ba?" nagulat ako sa sinabi niya. "Ano namang tumakbo sa utak mo at hindi ka muna nagtanghalian bago mo ako inantay, paano na lang pala kung hindi ako dumating?"

"Ah, eh, baka hindi na nga ako nakakain." mahina kong sagot.

"Sira ka nga." sabi niya at nakatingin sa akin. Parang may nakikita akong pag-aalala sa mga mata niya o nag-iimagine lang ako dahil sa gutom. "Ano pang hinihintay mo, akala ko ba nag-aaya kang kumain?"

"Oo nga pala, sorry. Tara?" sabi ko at binuksan ko ang pintuan ng passenger seat.

"Salamat." sabi niya at pumasok na. Pumasok na din ako at nagdrive. "Saan mo gustong kumain?"

"Kahit saan. Pero doon sana sa walang masyadong tao para makapag-usap tayo ng maayos." sabi niya.

"Sige, alam ko na kung saan." sabi ko at kinuha ang telepono ko at nagtext. Nagdrive ako sa loob ng twenty minutes at narating na namin ang bahay ko. "Nandito na tayo." sabi ko at tumingin siya sa labas.

"Kaninong bahay iyan?" tanong niya.

"Bahay ko. Let's go." sabi ko at bumaba na. Binuksan ko ang pintuan sa side niya at inalalayan siya sa pagbaba.

"Bakit tayo nandito? Sabi mo kakain tayo." nagtataka niyang tanong.

"Kakain nga tayo. Hindi ba ang sabi mo ay gusto mo ay doon sa walang masyadong tao para makapag-usap tayo. Ito lang ang naisip kong mas magandang lugar para makapag-usap tayo ng walang iistorbo." sabi ko at naglakad na papasok sa gate.

"Eh... "

"Don't worry, mag-uusap lang tayo, promise." sabi ko at inilahad ang kamay ko sa kanya.

"Ah, eh, sige." sagot niya at tinanggap ang kamay ko. Naglakad kami papasok habang magkahawak kamay. Sinalubong kami ni manang.

"Senyorito, mabuti naman po at dumating na kayo. Handa na po ang pagkain niyo." sabi ni manang.

"Salamat." sabi ko at umalis na si manang.

"Tara na sa dinning. Gutom na ako eh." sabi ko at nakasunod naman sa akin si George. Pagkatapos naming kumain, lumabas kami sa garden at doon nag-usap.

"Kumusta pala kayo ng girlfriend mo, alam ba niya na nagdala ka ng babae sa bahay mo?" tanong niya.

"Wala akong girlfriend kaya walang magagalit kung isinama kita dito sa bahay ko." sagot ko.

"Wala na kayo noong si Miah?" nagtaka ako kung niya alam ang tungkol kay Miah.

"Paano mo nalaman ang tungkol kay Miah?" tanong ko.

"Ah, eh, sino bang hindi makaka-alam kapag tungkol sayo. Halos lahat ng tao sa university ay alam ang dating status niyo ni Miah." sagot niya. "What happen?"

"Yeah, we're dating. But suddenly I realize that I'm not in love with her. Kaya tinapat ko na siya." kwento ko.

"And what about her feelings? Did you even ask her what she feels for you?" tanong ni George.

"I know I hurt her in some way. Pero mas maganda ng tinapos ko na agad ang kung anumang namumuo sa pagitan namin bago ko pa siya tuluyang masaktan ng sobra." sagot ko.

"Eh kumusta naman kayo ni Miah?" tanong niya.

"We're okay. We're friends." sabi ko.

"Ahh, okay. So ano pala ang sasabihin mo?" tanong niya.

"I just want to know if I still have a chance on you. I still want to court you, kung pwede." deretsyo kong sabi. Hindi agad nakasagot si George sa sinabi ko.

"Seryoso ka?"

"Oo. Sinubukan kong ibaling sa iba ang atensyon ko pero palagi pa rin akong bumabalik sayo. Kaya this time, liligawan na kita kahit ayaw mo pa."

When The Gangster Falls for The Nerd (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon