Chapter 13.2

821 26 0
                                    

#WTGFFTN

"Bro, labas naman tayo!" aya ni Robert.

"Next time na lang. May lakad ako." sagot ko. Nandito na naman siya sa bahay ko.

"At saan naman? Sa bookstore na naman?" tanong niya.

"Hindi. May date kami ni Miah." naka-ngiti kong sabi. Nakita kong naka-ngisi si Robert. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"

"Wala naman. I'm just happy to see you smiling again. Mas gwapo ka kasi kapag naka-ngiti." sabi niya.

"Eh? Don't tell me na type mo ako? Kadiri ka!" pang-aasar ko.

"Muntanga to. Hindi kita type no!" sabi nito.

"I'm just kidding. Alam ko naman kung anong type mo, iyong may malalaking boobs." sabi ko.

"At syempre, iyong maganda." dagdag pa niya.

"Oo, alam ko iyon. So, hindi ka pa ba aalis, male-late na ako sa date namin ni Miah." sabi ko at lumabas na ng kwarto.

"Pwede bang sumama?" tanong nito.

"Ayoko nga. Istorbo ka lang sa amin." tanggi ko. At isa pa, napapahamak lang ako kaag kasama kita.

"Hindi ako makiki-alam sa kung anumang gagawin niyo. Sasama lang ako." pilit niya.

"Sasama ka? Ikaw ang gagastos." tanong ko. At dahil alam kong kuripot siya, may dahilan na ako para hindi siya isama.

"Syempre hindi. Dapat ikaw ang gumastos. Sasama lang naman ako eh." sagot niya.

"Ay huwag na. Dadami pa ang gastos ko dahil sayo. Maiwan na kita diyan." sabi ko at sumakay na ng kotse at binuhay ang makina.

"Oo na nga, ako ng magbabayad, isama mo lang ako." sabi ni Robert na nakasakay na rin sa kotse ko.

"Teka nga, bakit ba gustong gusto mong sumama, ha? May gusto ka ba kay Miah?" inis kong tanong.

"Wala no! Talaga lang bagot na bagot ako sa buhay ko kaya gusto kong makapamasyal. At baka may makilala din akong pwede kong maka-date." sagot niya.

"Ikaw pala itong may kailangan ng date, bakit ako pa ang inihanap mo sa halip na ikaw na lang?" tanong ko.

"Hindi kasi ako sanay na makita kang malungkot, kaya kahit kailangan ko din ng date, inuna kitang hanapan." drama.

"Naks! Ikaw na ang the best bestfriend." sabi ko at sinuntok siya ng mahina sa braso.

"Okay na sa akin ang 'thank you'. Huwag na lang manakit." natawa ako sa sinabi niya at nagpunta na kami sa park. "Park? Bakit dito?" tanong ni Robert ng makababa ng sasakyan.

"Oh, eh dito ang usapan namin eh, bakit ba?" sagot ko.

"Ano namang gagawin niyo dito?" tanong niya.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Nagpumilit kang sumama tapos tanong ka ng tanong ngayon? Aba!" naiinis na ako. Mauubos na lang ang energy ko sa kasasagot ng tanong ng mokong na ito eh.

"Nagtataka lang naman ako. Nasaan na ba si Miah?" sagot nito.

"Parating na iyon. Malapit lang daw siya dito eh." sabi ko.

"Sige, hintayin na lang natin." sabi ni Robert na palinga-linga sa paligid.

"Sinong hinahanap mo?" tanong ko.

"Magtitinda. Gutom na ako eh." sagot niya.

"Sus. Ayon oh, magtitinda ng fish balls. Bumili ka na lang." sabi ko at itinuro ang fishball vendor para lubayan na niya ako.

"Tsk. Iyon na nga lang, gutom na ako eh." sabi ni Robert.  Maya-maya pa ay dumating na si Miah.

"Clarence!" tawag niya at nagbeso pa sa akin. "Kanina ka pa? Sorry ha, nainip ka siguro." sabi niya.

"Hindi naman. Halos kadarating ko lang din naman. Tsaka kasama ko naman si Robert." sabi ko.

"Mabuti naman kung ganoon." naka-ngiti niyang sabi.

"Kumain ka na ba?" tanong ko.

"Diet ako, hindi ako nakain kapag umaga." sabi niya.

"Ah, kaya naman pala ang slim mo eh." puri ko.

"Salamat. So, tara mag-bike?" aya niya.

"Karera ba?" tanong ko.

"Pwede naman, kaso malamang sa makasakit tayo kapag nagkarera tayo dito, maraming tao." sabi ni Miah.

"Oo nga ano?" tatawa-tawa niyang sabi.

"Oo. Kaya mamasyal na lang tayo paikot sa park." sabi ko.

"Okay." nag-bike kami for 20 minutes, nagpicnic ng mapagod, nagkwentuhan habang naka-upo sa damuhan at nagtawanan.

After lunch ay naghiwalay na kami dahil may work na siya. Gusto ko pa sana siyang ihatid sa bahay niya, kaso tumanggi na siya.

"No need. I can manage. Thank you sa offer, by the way." sabi niya.

"You're welcome. Nag enjoy ako today." sabi ko.

"Yeah, today was a wonderful day. Thank you." sabi niya.

"I hope, we can do this again, next time." sabi ko.

"Sure. Thank you." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi bago tuluyang umalis.

Masayang kasama si Miah. Naaaliw ako sa kanya. Hindi siya iyong tipo ng babaeng puro arte sa katawan. Simple lang siya. Tumatawa siya sa mga joke kong walang kwenta. Hindi naman siya mahirap mahalin.

I just need more time to know her. More time to secure my feelings for her. And more time for me to forget Georgina, completely.

When The Gangster Falls for The Nerd (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon