#WTGFFTN
"Robert, sigurado ka ba sa plano mong blind date na iyan?" tanong ni Clarence kay Robert ng daanan siya nito sa bahay niya.
"Oo naman. At sigurado akong magugustuhan mo yung makaka-blind date mo." nagmamalaking sabi ni Robert.
"Baka kung si Georgina pa iyon, baka sakaling magustuhan ko." sabi ni Clarence.
"Iyon lang, hindi si Georgina ang makaka-blind date mo." malungkot na sabi ni Robert. "Pero kaya nga kita ikinuha ng blind date ay para makalimutan mo si Georgina tapos siya pa rin ang hinahanap mo ngayon?" kakamot-kamot sa ulong sabi ni Robert.
"Sorry naman. Siya lang kasi talaga ang gusto ko eh. At gagawin ko lang ito para sa ikatatahimik mo." walang buhay na sabi ni Clarence.
"Naks! Ganyan ako kalakas sayo? Gagawin mo ang blind date kahit ayaw mo?" masayang tanong ni Robert.
"Gagawin ko na lang kahit ayaw ko dahil alam ko namang hindi mo ako titigilan kapag hindi kita sinipot ngayon." sagot ni Clarence.
"Kilala mo na talaga ako eh. Promise, kapag hindi nag-work ang blind date mo ngayon, hindi na ulit kita pipilitin sa mga kalokohan ko." pangako ni Robert.
"Siguraduhin mo lang dahil kapag naulit pa ito, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." banta ni Clarence.
"Oo na." sagot ni Robert.
Pumunta sila sa mall dahil doon daw ang usapan ni Robert at ng ka-blind date ni Clarence.
"Bakit naman dito pa tayo nagpunta? Alam mo namang dito nagtatrabaho si Georgina, nang-aasar ka ba?" inis na tanong ni Clarence ng marating nila ang Mall.
"Iyong ka-date mo kasi ang may gustong dito kayo magkita. Alam mo na, babae, gustong gusto ang pagsho-shopping." sagot ni Robert.
"Eh anong oras daw ba darating iyon? Naiinip na ako." tanong ni Clarence.
"Kadarating pa nga lang natin, naiinip ka na agad?" puna ni Robert. "Parating na rin iyon. Hindi naman pwedeng siya pa ang mauna dito at maghintay, hindi ba?" dagdag pa nito.
"Pero masama talaga ang kutob ko sa plano mong ito." sabi ni Clarence.
"Kilalanin mo muna ang ka-date mo bago ka mag-isip ng kung anu-ano. Bago mo siya husgahan." sabi ni Robert.
"Yeah. Yeah. Yeah."
Ilang sandali pa ay dumating na ang babaeng sinasabi ni Robert na makaka-date ni Clarence. Maganda, maputi, sexy at sopistikadang tingnan.
"Miah!" tawag ni Robert sa babae at kinawayan ito. Kumaway din naman ang babae at lumapit sa kanila.
"Hello. Sorry, I'm late. Kanina pa ba kayo?" tanong ng dalaga.
"Hindi naman, halos kadarating din lang namin. Nauna lang kami ng konti." sagot ni Robert. "Miah, this is my friend, Clarence. Clarence, this is Miah!" pakilala ni Robert sa dalawa.
"Hi Clarence. Tama nga ang kwento sa akin ni Robert na gwapo ka daw." naka-ngiting sabi ng dalaga. Hindi kumikibo si Clarence kaya siniko siya ni Robert.
"What?!" tanong ni Clarence.
"Hindi mo ba tatanggapin ang kamay ni Miah? I'm sure ngalay na iyan." sabi ni Robert.
"Oh? Hello, nice to meet you too, Macy." sabi ni Clarence.
"Miah po." pagtatama ng babae.
"Miah, I'm sorry. Shall we?" tanong ni Clarence.
"Sure." sagot naman ni Miah.
"So, paano. Mauna na ako sa inyo. Enjoy kayo sa date niyo." paalam ni Robert at nginitian pa ang dalawa.
"Sige. Mag-iingat ka." sabi ni Clarence.
"Thank you, Robert." sabi naman ni Miah.
Umalis si Robert at iniwan ang dalawa.
"So, anong gusto mong gawin? Gusto mong mag-shopping?" tanong ni Clarence ng makaalis si Robert.
"Nako, ayoko. Hindi naman ako mahilig mag-shopping. Maglakad lakad na lang muna tayo." naka-ngiting sabi ni Miah.
"Sige, ikaw ang bahala." naglakad lakad ang dalawa hanggang sa makarating sila sa tapat ng arcade.
"Laro tayo?" aya ni Miah.
"Sure. Saan mo diyan gusto?" tanong ni Clarence.
"Karera tayo!" hamon ni Miah.
"Naks, mukhang magaling ka diyan ah, naghamon ka pa." nakangiting sabi ni Clarence.
"Hindi naman. Tama lang, lets go?" sabi ni Miah at pumwesto na.
"Sure." naka-ilang round sila ng karera pero isa lang ang naging resulta, panalo si Miah. "Sabi mo hindi ka magaling, eh hindi nga ako maka-abot sayo." reklamo ni Clarence.
"Nagkataon lang na hilig ko talaga ang car racing, baka nahasa lang ako." naka-ngiting sabi ni Miah.
"Hilig ko din ang racing. Kapag palaging ganito, magkakasundo tayo." naka-ngiti ding sabi ni Clarence.
BINABASA MO ANG
When The Gangster Falls for The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionWhen The Gangster Falls for The Nerd by: TaraiShai ✔️COMPLETED ✔️EDITED Cover by: @shallylicious