CHAPTER 2

24.3K 418 7
                                    

White Lady...

NAGISING si Belle sa kalagitnaan ng biyahe habang umuuga ang sasakyan.

"Malayo pa ba tayo?" Sinilip niya si Jox sa maliit na butas ng limo.

"Malapit na po," simpleng tugon nito. Tumango naman siya saka tumingin sa labas ng bintana.

Napangiwi siya nang makita ang lubak na daan. Ni hindi iyon kalsada para sa kaniya. Parang araruhan ng kalabaw sa sobrang putik at sira ng kalsada.

"Ouch!" she hit her head on the roof of the limo when the car hardly bounced.

Huminto naman ang sasakyan saka nagmadaling binuksan ni Jox ang pintuan kung saan siya naroon.

"Okay lang po ba kayo?" Nakita niya kung paano ito mag-alala sa kaniya, pero mas nangibabaw sa mga mata nito ang takot.

"Oo." Pumeke siya nang ngiti para hindi na ito mag-alala pa. Kahit medyo masakit ang ulo niya sa pagkasalpok nito sa bubong ng sasakyan.

Bumalik naman si Jox nang masigurong okay lang siya.

Nagpatuloy naman ang biyahe ngunit hindi pa man sila nakakalayo ay may nakita siyang motor na nalibing ang gulong sa gitna ng maputik at sirang daan.

Nahihirapan ang nagmamaneho nito kung paano iyon iaahon. Bukod kasi sa nakalibing ang gulong ng motor, marami din itong sakay na mga bote na may lamang soft drinks, at iba pang mga babasaging pamilihin.

Marahil ay nagtitinda ang mga ito dahil nakita niya ang tatlong tray ng itlog.

Pero nawiwirduhan siya sa motor na iyon dahil mayroon iyong kahoy na pakpak kung saan doon nilalagay ang mga karga.

"Hinto niyo muna," utos niya sa nagmamaneho.

Sumilip naman si Jox. "May problema po ba?"

"Tulungan naman po natin sila." Naaawa siya sa kaniyang nakita. Medyo may katandaan na ang nagmamaneho pero mukha naman iyong malakas pa.

"Delikado po kasi kung bababa tayo."

"Paano naging delikado ang pagtulong?" tanong niya, more on a statement. "Kung ayaw niyo. Ako nalang."

"Please po, makinig nalang po kayo. Ako nalang po ang tutulong, huwag po kayong lumabas," bilin ni Jox saka niya narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Kung bakit kasi ganito ang kalsada dito?

Nang makausad ang motor ay pumasok na din si Jox saka ulit umandar ang sasakyan.

Halos isang oras ang hinintay niya bago nakakita ng mga maliliit na bahay na nakahilera sa gilid ng kalsada.

Bario de Mendezona

Nakita niya ang pagbukas ng malaking gate at pumasok nga doon ang tatlong sasakyan kung saan lulan niya ang isa sa mga ito.

Pinagbuksan siya ni Jox ng pinto. At sa kaniyang pagbaba ay sumalubong sa kaniya ang apat na babae.

"Welcome to Armani Mining and Energy Corporation, Lady," sabay-sabay ang mga ito na yumuko sa kaniyang harapan habang may ngiti sa mga labi.

So weird.

Sabagay, siguro ay tinatrato siya ng mga ito na parang importanteng tao dahil walang tumatanggap ng kontrata.

Sino ba naman ang tatanggap ng kontrata sa ganito kaliblib na lugar? Mabuti nalang at lumuwag ang turnilyo niya sa utak at tinanggap ang alok ng kaniyang boss. At syempre, ang labis na sahod sa kontratang pinirmahan niya.

ARROW ARMANI: ONE HOT NIGHT जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें