CHAPTER 5

21.4K 429 78
                                    

CHAPTER 5
Hyperpyrexia...


ILANG BESES na nirepaso ni Arrow ang temperatura ni Rybelle ngunit habang tumatagal ay tumataas ang lagnat nito.

Pinalakasan na niya ang aircon pero hindi pa rin humuhupa ang init sa katawan nito. Nakailang cold compress na rin siya pero walang epekto.

Wala na siyang iba na napagpipilian. Binuhat niya ito saka dinala sa kwarto niya. Halos liparin niya ang lobby para lang umabot sa sariling silid. Nasa dulo ang kwarto niya habang kay Rybelle ay limang kwarto ang pagitan sa kaniya.

Kaagad niyang binuhay ang bathtub at pinindot ang cold temperature. Pati rin ang shower ay binuhay niya saka hinubad ang bestida ng dalaga pati na rin ang white polo at slacks niya saka nilubog ang kanilang katawan sa malamig na tub.

Rybelle was suffering hyperpyrexia- lagnat na umaabot sa 41 degree Celsius. Cryotherapy ang tangi niyang paraan para kahit papaano ay bumaba ang temperatura nito. Inabot niya ang shower saka iyon pinaligo sa dalaga.

"Hmm..." giik nito. Nasa likuran siya ng dalaga habang inalalayan niya ito upang hindi lumubog ang ulo sa tub.

Malaki ang tub niya kumpara sa tub nito. Kaya dito niya dinala ito para kasya silang dalawa.

Sa sobrang abala niya ay hindi niya napansin ang tanging suot nila. Nakabra at panty lang ang dalaga habang siya ay boxer shorts.

Mula sa likuran ay kitang-kita niya ang umbok ng dibdib ni Belle. Nahigit niya ang hininga saka pinilig ang tumatakbo sa kaniyang isip.

Pinili niyang aliwin ang sarili upang makalimutan ang posisyon nila. Tinanggal niya ang dumadausdos na panali nito sa buhok saka iyon tinirintas.

Nang medyo bumaba ang temperatura nito ay inabot niya ang roba saka binuhat niya ang dalaga pabalik sa kama.

Bibihisan na sana niya ito nang mapagtantong kailangan niyang tanggalin ang undergarments nito ay napamura at napahilamos siya sa mukha.

This is too much to bear.

Pinindot niya ang intercom sa kwarto. "Manang Sila, come over to my room. ASAP," tawag niya sa mayordoma ng compound.

Ilang minuto lang ay may narinig siyang katok. Pinagbuksan niya iyon.

"Ay, hala!" gulat nitong sambit nang makita ang walang malay na si Belle sa kaniyang kama.

"Dress her," malamig niyang utos saka tinuro ang denim polo niya na nakasampay sa sandalan ng upuan na may kasamang boxer. Wala namang undergarments ang dalaga kaya boxer ang naisip niyang pamalit rito.

Nangingiti naman si Manang Sila na tumingin sa damit habang siya ay namumula ang tainga sa hiya.

Pumasok siya sa banyo saka nilinis na rin ang sarili.

MABIGAT ANG mga mata ni Rybelle sa kaniyang pagmulat. Masakit ang kaniyang ulo habang pakiramdam niya ay namamaga ang buo niyang katawan. Nahihirapan din siyang huminga habang maalinsangan ang kaniyang pakiramdam.

Pinilit niyang bumangon at nakita niya ang bagong ligo na lalaking natatangi ang tapis sa ibabang bahagi ng katawan nito.

Nakatalikod ito sa kaniya kaya kita niya ang mabitak at maugat nitong likuran. Malapad din ang balikat nito. May mga tubig pang tumutulo mula sa basa nitong buhok. Parang may kausap ito sa cellphone.

"S..si..no ka..?" garalgal ang boses at kahit nahirapang magsalita ay nagawa niyang magtanong dito. Parang may bagay na humarang sa lalamunan niya upang magsalita.

Pinikit niya ang mga mata nang maramdaman na unti-unting umiikot ang kaniyang paningin.

Lumapit naman sa kaniya si Arrow. Kinuha nito ang isang mangkok ng lugaw na nasa bedside table saka umupo sa gilid ng kama.

ARROW ARMANI: ONE HOT NIGHT Where stories live. Discover now