CHAPTER 4

20.2K 403 6
                                    

Embarrassment...

RYBELLE woke up the next day with a massive headache. She opened her eyes halfway and was blinded by the sun stricken in her eyes.

She buried her face on the pillow and smelled a manly scent.

"What the hell?!" Napabalikwas siya nang bangon nang mapagtantong wala siya sa sariling kwarto.

Her eyes dilated with an intense feeling of shock when she saw her body covered with a men's polo.

"Oh, no..."

She tried her best to remember everything that happened last night but she failed.

This can't be...

Nang maalala si Archer ay kaagad siyang tumayo upang mag-ayos. Tinupi niya ang manggas ng polo hanggang siko. Mabuti nalang at may suot siyang cycling at mahaba ang polo.

Tinali niya ang buhok ngunit may naririnig siyang alaala sa kaniyang isip.

It's late in the evening; she's wondering what clothes to wear
She puts on her make-up and brushes her long blonde hair

Sumakit ang ulo niya nang may nakita na malabong mukha sa isip. Napaupo siya sa kama habang sapo ang noo.

And then she asks me, "Do I look all right?"
And I say, "Yes, you look wonderful tonight."

A baritone subtle voice echoed on her memories. She saw a stranger's deep-set eyes sparkled with happiness in it.

"Oh! What the hell happened?!" she screamed with annoyance and frustrations with her face buried on her two palms. She couldn't remember what happened last night.

Tumayo siya saka pumasok sa banyo upang maghilamos. She looked at herself in the mirror.

"Husband..."

She heard her voice echoed. Fuck! She washed her face again until her mind calmed down.

Lumabas siya ng banyo saka muling inayos ang sarili bago lumabas.

"Good morning, lady." Muntik na siyang mahimatay sa gulat nang sa mismo niyang pagbukas ng pinto ay apat na babae ang nakahilera sa bungad.

Nakangiti ang mga ito habang may mga hawak na damit, pampaligo at kung ano pa.

Nang humakbang siya palabas ay humarang ang mga ito saka nakayukong inabot sa kaniya ang mga hawak.

"Lady, inutusan po kaming huwag kayong palabasin sa silid na ito hangga't hindi po kayo nakaayos," imporma ng babae na may hawak na tuwalya habang nakayuko nito iyong nilahad sa kaniya.

"Pasensya na po kayo. Sumusunod lang po kami," dugtong naman ng babaing may hawak na lavender fragrance.

"Lady, tanggapin niyo na po. Baka po masisante kami," pakiusap ng isa na may hawak na damit.

"Pakiusap po, maligo na din po kayo para po mabawasan ang hang-over niyo," dagdag naman ng may hawak na medium size bag.

Wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ang mga iyon saka bumalik sa kwarto. Nang maamoy ang lavender fragrance ay kumalma siya. It's her favorite bath scent.

ARROW ARMANI: ONE HOT NIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon