Chapter 1

102 35 21
                                    

"Ano ba Amara tumigil kana!"

"Ikaw ang tumigil hayop ka! Buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin kat ibigay lahat ng gusto mo! Tapos ano?? Nagawa mo parin akong lokuhin sa kabila ng lahat ng yon!"

Dinig kong pag aaway mula sa ibaba.

"Ang sabi ko tumigil kana! Marinig ka ng bata!"

"Bakit?! Nahihiya kang marinig ng pinakaka mahal mong anak na nambabae ka?!"

Rinig kung sigaw ni mommy, kaya agad akong napa bangon at bumaba sa aking higaan upang masilayan kung anong nangyayari.

Pagkababa ko ay nakita ko sila mommy at daddy na nag tatalo. Dahil sa takot ko na makita nila ako ninais kong mag tago sa likod ng poste kung saan hindi ako makikita habang sila ay nag tatalo!.

Kitang kita ko na nanatiling nakatayo at tahimik si daddy habang si mommy ay patuloy na nag sasalita.

"Bakit Nathan??! Ginawa ko naman ang lahat para mahalin mo ako at makalimutan ang babae na yon ah! Pero bakit hindi parin sapat?! Bakit sa loob ng 10 taon siya parin kahit alam mong pamilyadong tao na kayo pareho!" Sigaw ni mommy habang pinag hahampas sa dib dib ang daddy.

"Dahil mahal ko siya! At walang makaka palit sakanya!" Sigaw rin ng daddy at itunalak ang mommy dahilan para tumilapon ito sa sahig.

Nang makita ko ang ginawa ng daddy ay sobra ang sakit na naramdaman ko, all my life I thought I had a perfect family but it's all transparency , dahil pag papanggap lang pala ang lahat.
Gusto kung tumakbo sa gawi ni mommy at yakapin ito ngunit tila para akong nabato sa kinakatayuan ko dahil sa nalaman kung niloko kami ng daddy, na hindi niya pala mahal mommy.

"Una palang sinabi ko na sayo na hindi kita kayang mahalin, pero nag pilit ka na makasal tayo."

"Dahil umasa akong balang araw mamahalin mo rin ako kagaya ng pag mamahal mo sakanya" Tugon ng mommy habang patuloy sa paghagulhul sa pag iyak.

Awang awa ako sa mommy, hagang sa naramdaman ko na pati pala ang luha ko ay nag sipag unahan na sa pag landas saaking mukha. Kaya pala sa tuwing tintanong ko ang daddy kung mahal niya ba ang mommy ay tanging ngiti lang ang kanyang tugon.

"You already know that no one can replace her in the first place. At kahit ikinasal na siya at nag kapamilya hindi iyon nag bago!. Akala mo ba madali paraan saakin na makita kitang umaasa na mamahalin kita?! Hindi! Kaya I tried to love you for being fair. Until one day i realize that it's not working ganun at ganun parin. it's all wrong dahil mas lalo lang ako, ikaw na mahihirapan at pareho tayong masasaktan."

"So should i say thank you? Dahil at least you tried?! Inisip mo ba ang anak natin bago ka nakipag balikan sa haliparot nayon?! Inisip mo ba kung gaano masasaktan ang anak natin if she will figure it out that her daddy affair is her favorite teacher?!"

Teacher?? Is that Ma'am Menerva or Teacher Alice?

Katahimikan ang bumalot sa buong paligid, tila akong nabingi sa mga narinig ko mula kay mommy, habang si daddy ay parang napipi na at hindi alam kung anong sasabihin.

Huminga muna ng malalim si daddy bago muling nag salita.

"This doesn't make sense Amara,
I'm sick of this relationship na kahit kailan Hindi nag work. I want an annulment." Sabi nito na siya namang kinabilog ng mata ng mommy sa narinig ,At agad itong tumayo mula sa pagkaka luhod.

"Hindi! Hindi ko ibibigay yun kahit kailan i want a whole family for Namarra!, and you know that!" Sigaw ng mommy habang sumusunod paakyat sa kanilang silid.

Hanggang sa pareho silang nawala sa paningin ko pero yung pagtatalo nila mula sa taas ay rinig na rinig mula rito sa ibaba.

Lalong lumakas sa paglandas ang mga luha ko sa nangyayari, akala mo ay para itong ilog na hindi tumitigil sa pag agos.

Chain Hearts To Infinity ( CAMPUS SERIES  #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon