Chapter 16

2 1 0
                                    

*****
"Saan ka galing?" Bungad ni Cari ng makapasok na ako sa bahay.

I was thankful that she text me, kung hindi ay napagkamalan ko na tong akyat bahay dahil sa walang pasabi kung maglabas pasok sa bahay ko.

Dahan dahan kung nilapag ang bag sa mini table kasama ang dalawang aklat na kanina ko pa bitbit mula sa University, park hanggang dito sa bahay.
Aside kasi sa hobby kung mag sungit ay hilig ko ding mag basa-basa ng mga libro lalo na kapag walang wala na talagang matino na magawa.

Naupo ako sa mahabang sopa bago isinandal ang aking ulo at dahan dahang hinahagod ang aking sintido para makarelax.
I felt tired, feeling ko naubos na yata ang energy ko dahil sa mga nangyari kanina.
Siguro kung hindi ako nangakong sasama kay Cari at Connor sa bonding ngayong gabi ay maagang tulog at mahabang pahinga ang gagawin ko.

" So ano tatahimik kanalang as if wala kang narinig na tanong??"
Muling pag rereklamo nitong si Cari at pabagsak na naupo sa tabi ko.

"Shut up Cari I'm tired." Pagrarason ko at mariing pumikit.

"Tired?? Umalis kalang kasama ng Salliva naiyon napagod kana??"

Wala sa sariling kong naimulat ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.

For god sake!.. did she really say na nakita niya kami??

litong tumingin ako sakanya. Halos hindi ako makapaniwala. How could she even know it??? Does anyone tell her?? Or she saw us??
Di mapakali ang isip ko, Habang nakatingin padin sakanya.

"Oh bat parang hindi kana makapag salita dyan?? Na pepe ka yata." Natatawang pang aasar nito.

"Pwedi ba wag kangang gawa gawa ng kwento dyan." Sagot ko naman agad at iwas ng tingin sakanya.

Feeling ko kasi kung maglalaban pa ako sa pakikipagtitigan sa babaing to ay mas lalo lang ako mahuhuli. Oh shut it.. huli na kaya so what's the point nang pag denying.

"Sos.. Gawa gawa daw, Nako Namarra Osmeña lokohin mo na lahat wag lang ako. Tago tago kapang nalalaman, ey samantalang kitang kita ko naman kayong dalawa. Kitang kita ng mga mata ko na kayo ay pumunta ng park upang kumain ng Kwek Kwek???" Mahabang detalye nito ngunit may bahid ng pag aalangan sa huling sinabi nito.

Ganon paman ay hindi padin ito naging rason para tumigil, bagkos ay lalo pa itong nang bwesit sabay tawa ng malakas at maagap na tumakbo paakyat sa hagdan.

I was so speechless, para akong teenager na nabuking about sa crush niya. I felt the heat to my both checks, hiyang hiya akong marinig ang lahat nang iyon. how come?? Sinundan niya ba kami?? Omygad I felt ashamed. Bakit kasi sa dami daming pweding makakita saamin ay ang babaing iyon pa, nakakainis tuloy.

Nakarating kami sa Venue, kung saan dadausin ang party ng pinsan nilang si Jessy we're close but that much. Kumbaga tamang usap usap lang but sharing shit and secret ay mailap ako pag dating sakanya, it's not that I don't trust her too much I'm just uncomfortable.

"You guys are here." Tuwang tuwang salubong nito at nag beso saamin.

" yeah sorry we're too early, boring na kasi sa bahay." Pagrarason ko but the truth is hindi ko na talaga kayang kasama tong pinsan niyang baliw na wala na ata ibang ginawa kung hindi ang asarin ako.

"Boring?? Kamo umiiwas kalang." Walang pakundangang sabi nito at nag ngingiti patalaga na akala mo may nakakatuwa sa ginagawa niya.

I did not even speak or explain, yet I choose to keep my mouth shutting. Buti nalang talaga at marunong mag adjust tong si Jessy, kaya kahit lito pa sa tinitukoy ni Cari ay hindi na ito nag tanong pa at inanyayahan nalang kaming pumasok sa loob ng bahay nila.

Chain Hearts To Infinity ( CAMPUS SERIES  #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora