Chapter 14

16 3 0
                                    

"I really hate this one! Damn ito ata yung unang beses kong nabobo nang dahil lang sa isang problem." Nag ngingit sa inis ni Bea sa harap ko.

I don't know kung bakit distracted to this day but it felt bad especially saakin na tahimik na nagbabasa. I tried to focus but damn it hindi ko magawa dahil sa kakangawa ng babae naito.

"Yung assignment padin ba yan na sinabi kung sagutan mo nakaraan pa???"

Tanong ni Trixe at lumapit na sa mismong mesa namin para tignan ang minamaoy ng babaing ito kanina pa.

"Gaga ka! Nakaraan payan until now wala ka paring nasisimulan kahit isa?!" Sabay sapok kay Bea

"Ouch." Pag rereklamo nito.

" anong ouch??? Bukas na yung deadline niyan Bea at tatlo tayo dyan! Tapos na kami sa part namin at ikaw ay wala padin???" Hindi makapaniwalang ungoy ni Trix.

"Wow huh! Maka demand ka dyan kala mo naman ay may ambag F.I.Y si Namarra lang gumawa ng sayo ey."

And that's it. They began to fight at yung focus ko ay napalitan na ng distraction. All I thought mga tahimik pero akala lang pala ang lahat, dahil diyos ko po! Walang pinagkaiba yung mga bunganga kay Carri, noknokan ng mga ingay.

Simula kasi noong naging grupo kami ay hinayaan ko silang mag overnight sa bahay. Bukod pa doon ay  sila na halos ang nakakasama ko sa araw araw at kung may pagkakataon ay si Carri din minsan.

Sa irita ay hinablot ko yung papel sakanilang dalawa kaya natahimik na ang mga ito.

Pinagmasdan ko yung problem and damn it halos ako ay madoling din sa hirap intindihin. Napakunot ako ng noo dahil aminin ko man sa hindi pati ako ay halos abutin nadin ng kabubuhan ko.

Anong ba kasing klase to na problem bakit ang hirap maintindihan??? Plus nakakabwesit pa yung prof na iiwan ng task without explanation basta siya maka alis lang na akala mo lahat kaming mga studyante ay magaling manghula ng sagot.

Napakamot ako ng ulo at muling tumingin sakanila. Sa mata nila alam na nila yung sagot kaya hindi na ito nag salita. great paano na ito ngayon?? Pare pareho kaming nabobo instead na mag kagulo at mag sumbatan ay binalot kami ng katahimikan.

Si Bea na naka pangalumbaba at nakatingin sa task, Si Trixe na nilalaro ang lapis at ako na nakasandal sa upuan habang nakahalukipkip.

"Oh sinong patay?? Bat sambakol yang mga mukha niyo??"

Sabat ni Cari na kung saan kaya kahit papaano ay naagaw nito ang mga attention namin.

Isa isa nito nilapag yung mga pagkain sa harap namin habang may nag hahalong ngiti sa labi. parang tuwang tuwa na makita kaming tatlo sa ganong position.

"Ay nako ikain nalang natin yang mga problema niyo. At pwedi ba mamaya nayang drama niyo? Nako pagnaabutan kayo ni Connor nang ganyan pag tatawanan kayo non for sure."

Nanlaki naman ang mga mata ni Trixe ng marinig ang pangalan ni Connor kaya naayos ito sa pagkakaupo at alanganing ngumiti kay Cari.

Samantalang si Bea naman ay nahihiyang buksan yung isang lalagyanan ng pagkain, siguro ay dahil hindi padin ito sanay na parati kaming kasama mag meryenda kahit halos isang buwan at kalahati na ito.

Maya maya pa ay dumating na nga si Connor and usually ay maingay at tawa ng tawa. Ang pinag kaiba lang ngayon ay mag kasama sila ni Salliva na mag memeryenda. Maybe wala itong schedule ngayon sa canteen kasi kung makikita man silang mag kasama ay sa mga klase at pag practice lang sa basketball.

Yep Salliva is part of the Varsity too. Nakaraan ko lang na notice nong time na nagpasama si Cari saakin para ihatid yung phone ni Connor sa gym na naiwan sa office ni tita habang naka charge.

Chain Hearts To Infinity ( CAMPUS SERIES  #1)Where stories live. Discover now