4

5.9K 107 0
                                    

○ • ○ • ● • ○ • ○

Punong-puno ng hiyawan at tilian ang buong complex kung nasaan kami ngayon ni Synthia. I'm not a very sporty person pero dahil nga daw player ang bago niyang lalaki, required daw kaming manood. Finals na at ako lang yata ang walang kainte-interes sa larong nagaganap.

I'd rather go home and finish my assignments from my boss. Gusto daw niya ang akong makausap bago ang graduation ceremony--not our graduation because we're only on our second year--ng university namin. It makes sense na gusto kaming i-meet ni boss. It's graduation season, marami siyang kliyente.

Mabuti na lang at wala kaming mga ginagawa ngayon dahil nga sports fest. May libreng pagkain din ako lagi kay Synthia na pasuhol niya dahil nga gusto niya akong ilabas lagi sa lungga namin.

I'd really rather stay and be productive but I guess this isn't so bad.

Tamang kain lang ako nang mapagtanto ko kung sino ang mga player ng kalabang team ng uni namin.

"Fuck."

Nakuha noon ang atensyon ni Syn na napahinto pa talaga sa paghihiyaw. Ngising-ngisinsiya sa'kin ngayon. "I told you, Sonia, you'll want to watch this."

Napamura ulit ako. Hindi ako makapaniwala.

Yrel Castañeda.

Kahit sa malayo kitang-kita kung gaano siya kagwapo. Napalunok ako nang maalala ang muntikang mangyari sa'min. His tattoos, his warmth, and the almost kiss we had. Hindi ko naisip na pwede pa nga pala kaming magkita. Nothing happened that last time we met. Nanalo nga kami ng twenty thousand noon ng sobrang dali pero nawala na lang siya. I still have his half with our prize. Kailangan ko ng pera pero hindi ko naman kukunin ang dapat sa kanya. In the first place, wala naman sana akong ten thousand pesos kung wala siya.

It's impossible for him to see me in this crowd but hell I wanted him to see me. May utang pa siya sa'king halik.

The game went on and it was hard to control my cheers for his team. I wanted to cheer for him because Synthia is cheering for her boy toy. Gusto ko rin namang suportahan ang... not my boy toy but, okay, I just wanted to cheer for him.

Half time break.

Kagat labi lang akong pinapanood siyang magpunas ng pawis. Gusto ko nang batukan ang sarili ko pero wala na talaga. God, I never knew a sweaty person could look that hot and attractive.

Nagsimulang magperform ang parehong cheer leading squad ng bawat teams.

"We can say hi later, you know."

Napailing na ako sa ngising demonyo na naman nitong magaling kong kaibigan. "Akala ko ba may pupuntahan kayo agad ng boy toy mo after nito?"

"I'll ditch him."

Napanganga ako doon. "You dragged me all the way here kasi sabi mo magchicheer ka para sa boy--"

Then it sinked in. Hindi kami nagpunta para sa boy toy niya.

Synthia laughs like a maniac. Demonyitang demonyita na naman siya. "Can't really know if I want to play the devil or be Cupid."

Dangerous LiaisonWhere stories live. Discover now