5

5.6K 91 5
                                    

○ • ○ • ● • ○ • ○

"Miss Sonia, one thing that came to our concern. Your issue with Mr. Castañeda--"

"What about it?"

Tinaasan ko ng kilay ang isa sa mga board members ko na naglakas loob magtanong tungkol sa issue na hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay.

Today is our company's meeting with the board members and major stock holders. Maayos naman ang naging meeting tungkol sa mismong business pero ngayon ay ipinupunta na nila sa'kin ang usapan. The issue is very tiring now and I hate how these men are turning this against me. Ang lalakas ng loob nila. Anong akala nila sa'kin bobo at walang alam sa paggawa nila ng panibagong issue na ikakasira ko?

Nagsisimula na silang magbigay ng mga opinyon at kung ano-anong kagugahan sa issue na iyon. Napahilot ako sa sintido ko.

I can't really understand how this became an alarming issue.

Tumayo na ako at hinampas ang lamesa. "I haven't even confirmed anything and you--" motherfuckers, I wanted so much to say that. Huminga ako nang malalim.

"Then confirm it. Kung sino man iyon. You're giving exposure to our competitor with your silence."

Huminga ako ulit nang malalim. How the fuck did they turn this to me giving exposure to someone else?

Ngumisi ako. "Until the company is not at risk of going bankrupt, none of you is entitled ask for my personal life. Now, if you all excuse me."

Umalis na ako sa harapan nila.

Magdadalawang taon pa lang ako sa kompanya bilang CEO at mismong may-ari ng lahat pero hindi pa ako sanay kung gaano kademonyo ang mga ka-sosyo ni mistress sa kompanyang ito. The discrimination of being a lady boss will never die with these scumbags. I made our company's way to the top and it will never be enough to prove how I can be a woman and be successful. Mga putangina. I always lose my cool whenever I get to meet them.

Nang makarating ako sa opisina ko ay napatingin ako sa picture frame na ang laman ay mukha ni mistress.

Mistress Rufina Novida Clemente was my boss for my part-time job when I was in college. Akala ko maliit lang ang business niya kaya nakapasok ako doon kahit na nga ba part-timer lang ako. Little did I know, the 'shop' where I work was one of the few hundreds of boutique she owned. She was a business witch in the fashion industry. I never knew all of that until she proposed that I should become her heiress.

Sinong mag-aakalang ang college student na kagaya kong kailangang kumuha ng ilang part-time jobs para mabuhay ay magiging tagapagmana ng lahat ng pagmamay-ari niya?

I grin and touches the picture frame. "I hope I'm making you proud, mistress, kahit konting-konti na lang sisipain ko na paalis ang mga hayop na lalaking iyon."

Everyone questioned mistress' decision but she was determined. Everyone called me an oppurtunist but I strived my hardest.

If the witch herself has seen something in me to be her heiress, I will never doubt it.

Nawala ang pag-iisip ko ng plano kung paano ko mapapaalis ang mga gusto kong alisin sa kompanya nang kumatok ang assistant ko.

Dangerous LiaisonWhere stories live. Discover now