Chapter 15

3.2K 77 1
                                    

"Ate andyan na sundo mo. Alam mo na kong anong sasabihin ko ha?"

"Oo na Mafe! Di bat sinabi ko naman na sayo na hindi na mauulit pa ang nangyari noon?"


"Naninigurado lang ako ate. San kayo ngayon?"



"Sa BEG tune up games with your love"


"Love ka dyan tumigil ka nga ate! Bestfriend yun! Bestfriend"



"Sus dami mong alam Mafe ! Don din naman ang bagsak niyo"




"Tsupe! Alis ka na at ang pangit na ng mukha ng sundo mo"




"Sige Mafe una na kami huwag kang mag alala hindi kami lalabas ngayon ng ate mo may training rin kasi ako at lunch with the team, sa gabi naman attend ako ng party"



"Ah ok"

-----------
Habang nasa byahe silang dalawa ay walang nagsasalita. Medyo mabigat na ang daloy ng trapiko ng biglang marinig ni Fhen ang kumukulog na tiyan ni Jema

"Jem kain muna tayo? Stop tayo don sa may 7/11"

"Ikaw nalang bumili mamaya mainit eh. Cup noodles lang sakin. Thank you"



Agad din namang bumalik si Fhen pagkatapos niyang bumili ng pagkain para sakanila ni Jema. Pagkatapos nilang kumain ay tahimik parin si Jema at napansin naman niya yun.



"Jem sorry ulit sa nangyari noon ha? Di na yun mauulit pa"



"Huwag kang magsorry kasalanan ko rin at ginusto ko rin naman yon eh"



"Aalis pala ako next week. May kailangan akong ayusin"



"Gano ka katagal mawawala?"



"3 days lang."


"Sige"


"Nga pala di rin kita masusundo mamaya ipapahatid nalang kita kay Deanna"


"Ha?! Eh sana sinabe mo para naman dinala ko nalang kotse ko! Naku Fhen sigurado ka bang ihahatid ako non baka mamaya may gagawin pa siya. Mag grab nalang ako"



"Relax Jem nakausap ko na si Deanna. At nag oo naman siya"


After ng pag uusap nila ay makikita mo ang inis sa mukha ni Jema hindi niya rin kinakausap si Fhen. Iniisip niya na napaka bossy naman niya masyado hindi man lang nya ito tinanong kong palayag ba siya. Alam kasi niyang pag magkasama sila ni Deanna ay di malayong mas mahulog pa siya rito. Kasalukuyan na silang nasa BEG para sa tune up game nila



"Ingat sa practice ha?"di naman siya sinagot ni Jema at pumunta na agad sa loob ng court



"Good morning Jema!"bati ni Deanna sakanya



"Aga mo naman ata ngayon?"


"Hindi naman ako maaga sadyang late ka na. Look oh nagumpisa na silang mag warm up at ikaw nakatayo ka parin dyan na parang wala kang training"



"Hoy WONG!! pano makakapag warm up yang Queen Falcon namin kong hinarang mo naman diba?"saad ni Jia


"Late na nga lang nakuha pang makipagtsismisan"wika naman ni ponggay at inarapan ko nalang siya



"Jema you warm up. Change clothes"wika ni coach Thai

Nagtawanan naman ang lahat dahil sa sinabi niya, kahit kasi nahihirapan ito sa English ay ito parin ang ginagamit niyang wika. Pero minsan iniintindi nalang nila ang mga sinasabi niya kahit mahirap intindihin.

"Jema ang pagkakaalam ko kasi nanalo tayo ng set 1 pero yang mukha mo daig mo pa ang natalo. Care to share?"


"Ah naiinis kasi ako kay Fhen."


"Bakit naman ha?"


"Hinatid hatid ako tapos di pala ako susunduin"


"Di naman yun problema eh. Hatid ka nalang namin susunduin naman ako ni "


"Naku baka may date pa kayo Jia. At isa pa si Deanna ang maghahatid sakin"


"Opps ngayon alam ko na kong bakit ganyan ang mukha mo. Ayaw mo non may moment kayong dalawa?"



"Hoy MORADO grabe ka. Mapapatay ako ng kapatid ko niyan eh"


"Hay naku Jema ikaw narin naman ang nagsabi sakin na malabong maging sila ng kapatid mo"


"Pero kasi baka yun ang pag awayan namin ni Mafe"


"Kaya ba kay Fhen mo nalang itinutuon lahat? Jema maawa ka sa tao huwag mong gawing panakip butas"


"Eh kasi Jia di naman ganun kadaling sabihin ko sakanya na ayaw ko siya ang tagal na niyang nanliligaw"


"Hay naku bahala ka dyan. Tara na nga set 2 na oh"

-----
Pagkatapos ng practice nila ay agad rin namang umalis ang mga teammates niya siya nalang ang natira sa BEG para hintayin si Deanna na kasalukuyang nagpapalit kasama ang teammates niya. Paglabas ni Deanna ay himdi naman maipinta ang mukha ni Jema. Kung kanina ay masaya ito dahil makakasama niya ulit si Deanna ngayon ay napalitan na ito ng pagkainis

"Jema may balak ka bang pumatay?"

"Ha?!?"

"Yang tingin mo kasi masyadong matalim"

"Hay naku Deanna tigilan mo mga ako! Ang tagal mo kasi gusto ko ng magpahinga"

"Deanns dont forget later ha?"

"Sure Jaycell"

"May lakad ka? Alam ba ni Mafe?"

"Ah oo nagpaalam ako kanina. Tara na nga at may dadaanan pa tayo"

Sana ako nalangWhere stories live. Discover now